Ang Crush Ko

991 30 0
                                    

Alice's POV

heto na naman ako.. 

nagsusulat ng isang love letter para kay Drew..

pero hindi ko naman alam kung paano ibibigay sa kanya..

si Drew.. ang ultimate crush ko.. Andrew James Parkson..

half pinoy..

half american..

gwapo..

matalino..

mayaman..

sikat sa school..

friendly..

kaklase ko pa.. since grade 6 hanggang ngayon na 3rd year highschool na kami..

pero hindi ko malapitan..

nahihiya ako eh..

kaya heto ako.. gumagawa ng letter na malabo naman niyang mabasa..

natapos ko na ang sulat ko..

tiklop..

tiklop..

tiklop..

ayan.. itsurang bangka na..

lagay sa bag..

hay.. 

kelan kaya niya ako mapapansin?

"Alice.." ang bff ko.. si Maria.. 

"Bakit?" tanong ko ng lingunin ko siya..

"Anong bakit? Tinatanong ka kaya ni Sir." sabi niya sabay turo sa prof namin.. "Tulaley ka na naman." 

"Huh? Ah.. Eh.. Sir.." kinakabahan akong tumingin kay Sir.. nakita kong nakakunot noo si Sir.. 

patay..

nakatingin na rin sa'kin ang mga kaklase ko..

nakakahiya talaga..

nagkaklase pa nga pala kami..

nawala pa ako sa focus dahil sa pagtitig kay Drew..

hanu ba yan..

"KRINGGG!"

YES! nagbell na..

hindi ako mapapagalitan..

uwian na..

naglabasan na kami..

sa pagmamadali ko..hindi ko namalayan na nalaglag pala ang sulat ko para kay Drew..

A/N: haha..ewan.. haha.. sana magustuhan.. comment and vote... please... maraming salamat.. :) 

Ang Papel Na BangkaWhere stories live. Discover now