Ang Sikreto Ni Drew

764 27 0
                                    

Drew's POV

hi.. ako naman si Drew..

sikat ako sa school kasi ako ang nanalo nung nakaraang taon sa Mr. Highschool.. 

may klase kami ngayon..

sa subject na 'to..

nasa likuran ako..

bawat subject, ibang seating arrangement..

kitang-kitang ko dito sa pwesto ko ang crush ko..

ang babae na crush na crush ko..

si Alice.. Ma. Alice Marubduban..

top honor student siya sa school namin.. tulad ko..

simple lang siya babae..

at iyon ang nagustuhan ko sa kanya..

hindi siya maarte sa katawan..

maganda siya kahit walang make-up..

at noong isang araw..

may nalaman ako..

*flashback*

nagmamadali noon makauwi si Alice...

kaya hindi niya napansin na naiwan niya ang libro niya..

kinuha ko ito para ibalik sa kanya..

teka..

ano 'to? nakakita ako ng papel sa ilalim ng upuan ni Alice..

bangka?

pinulot ko ito.. 

bangkang gawa sa papel..

at parang may nakasulat..

binuksan ko at nakita ko na para sa'kin ang sulat..

binasa ko..

Drew, 

hay! alam mo ba na crush na crush kita? hindi ko lang masabi sa'yo kasi nahihiya ako.. pati, ano ba naman ang panama ko kay Cassandra.. ang ganda-ganda kaya niya kumparasa'kin.. grade 6 pa lang tayo crush na kita.. mahal na nga ata kita eh.. sana naman kahit minsan lang.. mapansin mo rin ako..  naku.. hindi mo na siguro mababasa 'to.. nahihiya kasi akong ibigay sa'yo eh..

                                                                                                            Alice,

nanlaki ang mga mata ko.. 

crush din ako ni Alice?

crush din niya ako.. 

*lub dub lub dub lub dub*

kay bilis ng tibok ng dibdib ko..

napangiti ako..

kaso, bumusangot din..

paano ako magsasabi kay Alice?

natotorpe ako..

anong gagawin ko?

napatingin ako sa libro ni Alice..

kailangan maisoli ko 'to sa kanya..

hinanap ko si Alice..

hanap..

punta doon..

punta dito..

tingin doon..

silip dito..

balik sa room..

ayun..

"Alice." tawag ko sa kanya..

lumapit ako..kinakabahan..

ngayon lang ako nakalapit sa kanya ng ganito..

sobrang lapit namin..

titig na titig siya sa'kin..

kabadong-kabado talaga ako..

"Naiwan mo." sabay abot ko sa kanya ng libro..

kinuha niya ang iniabot ko.. at tiningnan ito..

saglit ko siyang pinagmasdan..

ang ganda niya talaga..

tapos umalis na 'ko..

hindi na 'ko nagpaalam sa kanya..

hindi ko rin nasabi na nasa'kin ang sulat niya..

hindi ko alam kung paano sasabihin..

hindi ko na rin siya nilingon..

kahit ramdam kong nakatingin siya sa'kin..

*end of flashback*

"Mr. Parkson." nagulat ako sa pagtawag ng prof namin.. napatingin tuloy ako sa guro..

"Sir?" bigla akong tumayo..

"Sabi ko, kunin mo sa faculty ang mga test papers ninyo. Mag-checheck tayo." sabi ng prof..

"Yes, Sir." lumabas na 'ko na room.. 

tanga mo talaga, Drew..

hindi ka nagfofocus.. sabi ko sa sarili ko..

napatingin ako kay Alice.. 

nakita ko siyang nakatingin sa'kin..

biglang iwas niya ng tingin ng makitang nakatingin ako..

hay.. Alice, My Love.. buntong-hining ko..

nagpunta na ako sa faculty upang kunin ang pinapakuha ni Sir..

A/N: me kasunod pa.. salamat po.. vote and comment.. salamat po sa readers.. thanks.. :)

Ang Papel Na BangkaOnde histórias criam vida. Descubra agora