382. Sleepover

3.7K 112 61
                                    

Sleepover.
© Yzanna_A

+ KNBB First Anniversary Contest +
»SECOND PLACER«

ate park: this is our second placer hihi ❤ etong entry na ito ay pinakilig ako ng bongga. walang halong biro kaya naman, kiligin sana kayo hahaha 😘

♡♡♡


Naka-upo ako sa sofa ng aking apartment. Hinihintay kong dumating ang 7 dwarfs kong kaibigan, hindi naman sila maliliit pero lagi silang magkakasama tulad ng dwarfs ni snow white. Pero, unlike them gwapo ang 7 dwarfs kong kaibigan.

"Anjelyn! Nandito na kami!" sigaw ng mga kumakatok sa pintuan ng aking apartment na marahil ay ang 7 dwarfs. Tumayo ako saka pumunta sa pintuan upang pagbuksan ang mga kumakatok.

"Mabuti nama--" hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil pagbukas na pagbukas ko ng pinto ay agad na silang pumasok na pina-pangunahan ni Namjoon ang leader ng 7 dwarfs, na nakasuot ng ternong pajama na ryan ang design at dala ang malaking stuff toy nyang si Ryan.

"Hi Anjelyn!" bati ni Taehyung sa akin. Nakasuot sya ng beanie, naka-loose T-shirt at loose ding pantalon na gucci ang tatak pati ang tsinelas at may hawak na fox na stuff toy.

Tinapik naman ako ni Jungkook sa balikat na nakasuot ng hoodie at sweatpants na puma lahat ang tatak pati tsinelas.

"Anj! Buti pinayagan mo kaming mag-sleepover dito." sabi ni Jimin na naka- muscle shirt at shorts saka ako niyakap. Bumitaw agad sya sa pagkakayakap sakin, "Tabi tayo ah." hinawakan nya ako sa aking baba gamit ang dalawa nyang daliri habang naka-smirk. Namula ako, dahil sya ang pinaka-gusto ko sa kanilang 7. Oo, gusto ko silang lahat. Sino ba namang hindi?

"Hello sweetie." bati sa akin ni Jin at pinisil ang aking ilong. Nakasuot sya ng hoodie na color pink at pajama na color pink din.

"Yiha!" sabi ni Hoseok na patalong pumasok.

Habang si Yoongi naman ay yakap ang kanyang puting unan at halata mong antok na antok na. Isinara ko na ang pintuan saka dumiretso na sa salas kung saan kami maglalatag at matutulog. Itinutulak na ni Jungkook ang sofa samantalang si Yoongi naman ay nakahiga na roon.

"Kumain muna tayo bago matulog." sabi ko.

"May dala akong pagkain." sabi ni Jungkook at lumapit sa akin upang iabot ang isang supot. Kinuha ko iyon at tinignan ang laman.

"Cup Noodles?"

"Oo, favorite ko yan eh. Guys! Tara na munang kumain!" yaya nya sa anim. Lumapit ang lima pero bumalik si Jimin para gisingin si Yoongi.

"Hyung..? Tara daw munang kumain?" malambing nyang sabi kay Yoongi. Pero walang kibo si Yoongi, kaya sinubukan uli syang gisingin ni Jimin. Pero nainis si Yoongi at pinaghahampas nya ng unan si Jimin. "Mas gusto kong matulog kesa kumain!" sigaw ni Yoongi at nahiga na uli na parang walang nangyari. Lumapit na si Jimin ng nagkakamot sa ulo para kumain ng dala ni Boy  Noodles.

Habang kumakain kami sa counter ng aking kusina ay kung anu-ano ang mga pinaggagagawa ni Taehyung. Inilalagay pa nya ang isang noodle sa isang gilid ng kanyang bibig at isa pang noodle sa kabila.

"Rawr! I'am a vampire!" sabi nya sa amin habang nakataas ang dalawang kamay. Kaya tawa kami ng tawa.

Nagjojoke pa si Jin.

KAGAGUHAN NG BANGTAN BOYSWhere stories live. Discover now