Gate No. 9

31 8 0
                                    

The Gatecrasher
Written by: autumnscarlet

--

S H E I R A


Pagkatapos ng nangyari kanina ay hindi na ako tinigilan ng pangyayaring 'yon na kusa ko nalang naalala kapag natutulala ako.

Ipinatawag ako sa SC's office at mas lalo akong kinabahan. Marahil ay nando'n siya.

Umiling ako. Bakit ba ako kakabahan dahil nandun siya? Siya yung parang bakla na bigla nalang tumakbo. Psh! Dapat ay mas kabahan ako dahil sa mga nangyari kahapon hindi sa nangyari kanina. Gawd!

"Have a sit." Salubong ng presidente saakin na hindi ko alam ang pangalan

Napabuntong-hininga ako. "Thanks!" Sabi ko

Prenteng nakaupo ang presidente at nakasuot ng makapal na salamin. Nakatitig lang ang tingin niya sa papel na hawak niya.

"Sheira Abueva." Basa niya sa papel at iniangat ang tingin saakin

Hindi ako nakakilos ng makita ang kabuuan ng kanyang itsura. Nginisian niya ako na siyang naghatid ng kaba sa puso ko. Mukha siyang mabait dahil sa salamin na suot niya ngunit ang ngising iyon ay hindi maganda sa pakiramdam.

"Cutting classes." Sabi niya at pinaglapat ang dalawang niyang kamay at ipinatong doon ang kanyang baba. "Public Display of Affection and Harassment."

Medyo napayuko ako sa sinabi niya. Bakit ako lang ang nandito? Hindi ba't marami rin ang nag cutting classes at gumagawa ng PDA?

"You did strike 3 at once. How amazing." Sabi niya

"So what." Naiinis na bulong ko

"Do you know what is the consequence of what have you done?" Para bang nangaasar na sabi niya

"I don't care. Just spill it." Sabi ko

"You don't really care?" Tanong niya

"As if I have a choice." Sabi ko and then I roll my eyes

"Very well said." Sabi niya "Now, get your things and you will clean building 3's comfort rooms."

Literal na napanganga ako. What the heck? I can't imagine my self cleaning others muck!

Napatayo ako sa pagtutol. "Bakit ako lang? Marami ang nag cutting classes that day!" Naiinis na sabi ko

"Chill. Makikita mo rin sila mamaya pagkatapos mo sa gawain mo." Sabi niya

Napa close fist ako sa sinabi niya.

"You will be jailed at the detentions' office for one hour." Sabi niya

"That's too much!" Sabi ko

Umiling siya. "That's our rule." Sabi niya

"I don't know." Sabi ko "No one tell me na gano'n ang parusa. Dapat ini-orient niyo ang mga estudyante para aware kami lalo na ang mga transferee." Sabi ko na baka sakaling mabawasan ang sintensiya ko

"Ignorance to the rule, excuses no one." Pangitingiting sabi niya

Nag igting ang bagang ko sa sinabi niya. What the hell!

"You can now eat your lunch. At exactly 3:00 go to janitors room and Manang Allysa will tell you what to do."

Gusto kong umangal at magreklamo. Gusto kong alisin ang nakakaasar na ngisi sa mukha niya. Ano bang nakakatuwa? Tss.

The GatecrasherWhere stories live. Discover now