Gate No. 15

29 3 0
                                    

The Gatcrasher
Written by: autumnscarlet

--

A S I A


Nang idilat ko ang mata ko ay si Dash kaagad ang bumungad saakin. Napangiti ako, ang sarap mabuhay kung ganito ang bubungad sayo sa pagdilat mo ng iyong mga mata.

"Salamat!" Sabi niya at ginantihan ako ng ngiti

Bumangon ako sa kama at inayos ang pagkakaupo. Medyo napakunot ang noo ko sa tanong niya.

Salamat saan?

"For what?" Sabi ko

Napahawak ako sa sentido ko dahil hindi ko maalala ang huling nangyari.

"Nasaan ako?" Tanong ko sa kanya na ikinahinto niya sa ginagawa niyang pag aayos ng kung ano ano

Napataas ang kilay niya at nagsimulang magsalita. "Salamat dahil nagpatalo ka." Sabi niya

Nagising ang isip ko dahil sa sinabi niya. Halos murahin ko ang sarili ko sa kahihiyang ginawa ko. 

Sht! Natalo ako ni Sheira.

Bumuntong hininga ako at nginitian siya. "Hahayaan ko bang mapahamak ang kaibigan ko?" Masayang sabi ko

Nginitian niya rin ako at nilapitan para guluhin yung buhok ko. Hinampas ko ang kamay niya dahil sa panggugulo ng buhok ko. "Dark!" Pagbabanta ko sa kanya

"You're really are a good friend. Kung hindi ka nagvolunteer na labanan siya baka kung sino pa'ng nakaharap niya." Sabi niya

Ginawa ko ang lahat para bigyan siya ng matamis na ngiti. 

Kung alam mo lang Dash. 

Kung alam mo lang sana kung paano ako naging makasarili, paniguradong hinding hindi mo masasabi yan sa'kin.

"Hindi ko inaasahan na magaling palang makipaglaban si Sheira though pinapanuod ko siya sa taekwondo class nila dati, pero iba kasi yung dating niya kanina, e. Ang astig, pang action star." Nakatingin sa kawalang kwento niya

Napairap ako ng patago.

Hindi ko sinadyang magpatalo. Masyado akong naging kampante na hindi niya ako kayang saktan ng gano'n. Masyado akong kampante na kayang kaya ko ng tapatan ang pagtatangol niya saakin noon, akala ko mapapahiya ko siya pero nagkamali ako. Nagpakampante ako, ngayon, paano ako haharap sa lahat ng tao sa labas? Paano ko haharapin si Pinuno?

I hate you Sheira pero kung ang maging katulad mo ang dahilan para magustuhan din ako ni Dash, handa akong maging tulad mo.

Alam kong iiwan na ulit ako ni Dash dahil andyan kana ulit, pero hindi ako papayag.

Akin lang si Dash.




P R I N C E


Lumabas si Kuya sa kwarto kung nasaan si Syerra. Dinala siya dito sa Pride of Knights, dapat ay sa Sclinic siya dadalhin ang kaso hindi pumayag si Kuya na ikinagalit ni Queen (Evil Queen)

"Death!" Salubong ko kay kuya "Gising na ba siya?" Tanong ko

Umiling lang siya saakin ngunit nakakurba ang maliit na ngiti sa kanyang labi.

"Hindi pa, pero magsisimula na ang auction. Kailangan na nating pumunta sa Eye." Sabi niya 

The Eye ang tawag sa pinakagitna ng Stygian. Ito ang lugar kung saan nagaganap ang lahat ng labanan at sugal.

The GatecrasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon