Chapter 3: Tension

41 1 0
                                    

A/N:

Guys, ito po yung original na Chapter 3. Sorry namali ako ng publish. Huhu. Di ko na maunpublish kasi nadelete ko ih. Huhu sorry talaga :(

---

Magkakasama kaming apat nina Kamille ngayon papuntang coffee shop. Since mamaya pa namang 12:00 ang klase namin, dun muna kami sa coffee shop malapit sa school. 10:30 palang naman e. And yes, palagi kaming maaga napasok. Reason? Wala naman. Trip lang. May mga maids naman kaming apat sa bahay tapos busy pa yung parents dahil sa work kaya tuwing gabi nalang kami nakikipagbond sa kanila.

Madaming tao ngayon dito. Kalimitan sa mga pumupuno ng coffee shop na ito ay ang mga 4th year students. May ilan ring 3rd year, pero mas pinipili kasi nung iba na pumunta sa mall.

Nakaupo kaming apat ngayon sa seats na katapat ng isang fountain. Nasa labas yung fountain pero may bintana. Ang ganda kasi ng view e ^O^

"Cherina idol na kita!" sabi ni Ate Aily.

"Huh? Bakit naman?" pataka kong tanong sa kanya.

"Ang galing mo kasi lagi sa recitation. Nakakasura kang babae ka. Hahahaha!" paasar na sabat ni Kamille.

"Sorry, hanggang Math lang ako!" pabirong sabat ni Ate Joylyn.

"Hahaha" kaming lahat.

"Sus. Ano ba kayo? Each of us is unique. We all have our different strengths and weaknesses" nakangiti kong sabi sa kanila.

"Eses eses eses. Gumaganyan ka pa ha" ani Ate Aily.

Well I think you're wondering kung bakit ate ang tawag namin kay Ate Aily at Ate Joylyn. It's because they're one year older than us ni Kamille. 16 kami at 17 naman sila.

"Wag mo nga kaming Englishin dyan Churbiii. Mamaya manosebleed pa kami" si Kamille na busy sa pagkakalkal ng beauty pocket nya.

"Haahahah!" as usual, tumawa na naman si Ate Joylyn.

"Guys punta lang akong CR ha?" sinabi ko sa kanila para maputol ang pagtawa ni Ate Joylyn. Baka maluka e. Nakakatakot na XD

"Tatae ka?" pabarang isinagot naman sa akin ni Kamille.

"Ang mga ganitong lugar, hindi dapat tinataehan. Ayokong gumaya sa'yo" seryoso kong sabi sa kanya sanhi para mapanguso sya. Hahaha!

"HAHAHAAHAHA" sabay na napatawa nang pagkalakas ang magpinsan na si Ate Aily at Ate Joylyn sanhi para mapatingin ang lahat ng tao sa coffee shop with their 'Chismosa' este 'Curious' faces.

Ngayon lang narealize ng magpinsan ang kalokohang ginawa nila sanhi para mapatingin sila sa isa'tisa at matakpan ang mga bibig nila. Magkatabi pa naman sila. Hahahaah! Para silang kambal ^O^

"Ikaw kasi Cherina" sambit sakin ni Kamille with her eyes rolling and rolling again XD

"Sorry na Churbiii. Hahahaha"

Napatawa nalang kaming apat, pero syempre tahimik lang. Mamaya pagtsismisan este pagtinginan na naman kami dito e. Haha

Habang nagtatawanan kami ay naaninag ko sa labas si Queenie. Mag isa lang sya.

Bestfriend Kupido (On Going)Where stories live. Discover now