Chapter 6: Juztin & Joylyn

13 0 0
                                    

Joylyn's POV

Shems.

Yan lang ang masasabi ko ngayong araw na ito. Bakit? Bakit kabadong kabado ako? Bat lahat sila mukang matatalino at perpekto sa Math? Bakit parang ako hindi? = ̄ω ̄=

Pwede bang magback out na lang? Nakakapanghina kasi ng loob e.

"Okay contestants. Kindly fall in line in the auditorium" nakakaantok na sambit nung babae sa unahan. Siguro sya yung president ng Mathematics Club sa school na to. Malaking school sya, pero di naman sa pagmamayabang, mas feel ko pa din yung academy namin. Hihi.

So yon, pumila na ako. Kelangan nating maging masunurin. Okaaay? Nakapila na ako dito sa may unahan and then..

"Hi miss. Are you a junior high?" Ow? Inglesero si koya. Pero fyi lang ha, nasa Pilipinas tayo at Filipino ang nagsilbing pagkakakilanlan nating lahat. Mahalin ang sariling wika! Hays napakanationalistic ko talaga.

Lahat ng idinada ko nasa isip ko lang. Mabait kasi ako eh hahaha. Di ko namamalayan nakatingin lang ako sa kanya with this expression: 0o0

"Miss? Miss?" with matching kulbit pa yan ha. "Are you fine?"

"Wait nga lang, di ka ba nakakaintindi ng Filipino? Kasi kung hindi I can't talk to you eh" okay guys this is a confession. Di talaga ako fluent mag'English kaya itong taong nasa harap ko hindi ako makakausap nang matino nito kung hindi sya magtatagalog.

"Ah ganun ba. Sorry ha hehe. Nakakaintindi at nakakapagsalita ako ng wikang Filipino" Aba matindi. Lodi si koya. Marunong naman palang magtagalog pinahirapan pa akong umintindi -_-

"Ah good por me and you" bigla syang napatawa nung sinabi ko yan. Ano bang nakakatawa? K fine, tagalog forever na ako. "Ah, ang ibig kong sabihin mabuti naman nakakaintindi ka ng Tagalog" ngumiti nalang ako nang pilit.

"So miss, uhm, junior high ka ba?" Kulit naman neto oh! Char haha.

"Ah oo. Ikaw din?"

"Yes. Is it okay kung sabay nalang tayo?"

Hahahahaha. Fine! Madali akong kausap. Pero don't you dare magiingles ingles ha!

"By the way, anong year mo na sa junior high?" tanong nya sakin. Basag na basag na kasi sa katahimikan ngayon eh.

"3rd year" matipid kong isinagot sa kanya. May mood swings nga pala ako. Lalo na't P.E uniform ang suot namin ngayon. Call me maarte or whatever pero I really hate P.E uniforms. Bakit? Simply because ayokong magtali ng sintas ng sapatos.

"Woah, so parehas lang pala tayo. Edi ibig sabihin, magkalaban tayo?" malamang. Parehas tayo ng year level eh.

"Oo"

"Parang galit ka yata? Hahaha" psh. Manhid, di makaramdam na tinatamad na akong kausapin sya.

Tumingin ako sa kanya. At after 5 seconds, naglakad na ako nang diretso at mabilis. Napatulala naman sya at tumakbo papalapit sa kinaroroonan ko pero di nya ako maabutan. 

Ewan ko ba, bigla bigla nalang ako nagpapalit ng mood. Dahil sa pagmamadali kong maglakad, natanggal yung sintas ng sapatos ko.

"Hays. Why are you like this to me, life?" payuko na ako para sana itali yung sintas ng sapatos ko pero..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 03, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bestfriend Kupido (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon