Love #6

568 14 2
                                        

Note: Sorry for the long update, hoping you'll support this story again. Medyo sabaw! Haha Sorry agad sa typos. Enjoy reading! :)

"You can't answer me, so you like him."

Abby Fae's POV

"Let's go, Abby Fae." Fabian said without looking at me. He started walking and I followed him.

Papunta na kami ngayon sa kwarto kung saan kami tutuloy. Obviously, nandito na kami sa Palawan for business matter. Isanama niya nga talaga ako. Akala ko pa naman makakapahinga ako ng ilang araw sa pangungulit niya.

"This is our room." Saad niya ng tumigil kami sa isang pinto.

"Pardon, Sir." Parang mali ata ang pagkakarinig ko.

"This is gonna be our room." Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

"Wait lang. Bakit magkasama tayo sa isang kwarto, Sir?"  Tinuro ko pa ung pinto ng kwarto. Nagsisimula na namang mabuhay ang pagkainis ko sa kanya.

Ang mapupungay na asul niyang mga mata ay sumingkit dahil sa nakakalokong pagngiti.

"I have no choice. There is no vacant room." Nginitian niya ako lalo na kinainis ko.

"Alam kong bago tayo pumunta dito naka settle na ang lahat kaya malabong walang reservation for two person." At doon ko narinig ang pagtawa niya na ipinampantig ng tenga ko.

Hinampas ko siya ng sling bag na nakasakbit sa balikat ko. Malakas ang loob ko na hampasin siya dahil alam kong hindi naman siya magagalit sa akin tsaka nakaka-bwisit kaya siya!

"Sir Fabian, wala ako sa mood makipaglokohan sayo."

Tumikhim muna siya bago magsalita. Hindi pa rin nawawala ang paniningkit ng mata niya dahil sa pangisi.

"Okay. Calm down. Nagbabaka sakali lang naman. This is your room and the room next to you is mine. You can knock anytime if you need anything. See you later my Abby Fae." Kumalma naman ako sa narinig ko.

Kumaway pa siya bago siya pumasok sa sarili niyang kwarto. Pumasok na rin ako nang mawala siya sa paningin ko.

Napaka-galing talagang mang-asar ng lalaking 'yon.

Nandoon na an mga gamit ko sa pagpasok ko. Inayos ko muna ang mga gamit ko bago magpalit ng damit at humiga sa kama.

Ala una pa lang. Nakakain na rin naman kami bago kami dumiretso dito sa hotel na tutuluyan namin.

Mamayang gabi pa kami magkikita dahil may event daw kaming pupuntahan. Oo, yun ang pinunta namin dito. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa na kasama ako. Namomroblema tuloy ako sa isusuot ko. Hindi niya naman ako sinabihan na kailangan pala ng long gown.
Bumangon ako at nagdecide na maglibot libot na lang. Alam kong may mabibilhan ako dito ng damit para mamaya. Baka nga dito lang sa hotel may mabilhan na ako.

Tinungo ko na ang pinto at binuksan ito. Muntik na akong mapairit ng may pigura ng tao na nakatayo sa may pintuan ko.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Dahan dahan namang nag angat ng tingin ang nilalang na nanggulat sa akin. Nakita ko ang pares ng asul na mata na malalim ang mga tingin ipinupukol sa akin.

Parang mas bumilis ang pagtibok ng puso ko ng mapagsino ko siya. Si Fabian.

"Anong ginagawa mo dito, Sir? Ginulat nyo naman ako." Tanong ko ng makahuma sa pagkagulat kahit nandoon pa rin ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

"Sorry. I just want to give this stuff. Wear this later." Inabot niya sa akin ang tatlong malalaking paper bag. Wala pa rin sa sariling kinuha ko ang mga ito.

S1: After all, I'm Just A Rebound S2: After All, I still Love You- COMPLETEDWhere stories live. Discover now