Rebound #1

3K 46 1
                                    

Rebound #1

"I can be your rebound."

- Saturday -

.

"Hi tita, Goodmorning po!" Bati ko sa Mama ng bestfriend kong si Zach.

"Hello, Abby. Are you looking for Zach?"

"Yup, Tita. Where is he?" ^__^ Madalas ako dito kina Tita kaya sanay na siya na nandito ako.

"He's in his room." Naging malungkot ang ekspresyon ni Tita. Maging ako ay nalulungkot at nasasaktan in the same time.

Magdadalawang buwan na siyang ganoon. Nagkukulong sa kwarto at kapag may pasok naman hindi mo siya makikitang nakangiti.

Nagpapaclown na nga ako kung minsan pero wala pa rin ngingiti siya pero pilit na pilit.

"Please, Abby. Help my son." Hinawakan ni Tita ang kamay ko. "Alam kong matutulungan mo siya. I want him to be happy." Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"I will do my best Tita pupuntahan ko lang po siya sa room niya."

Zach is my childhood friend. Five years old pa lang kami, laging ako na ang kasama niya. Kaya naman habang tumatagal may nararamdaman akong kakaiba para sa kanya. Katulad na lang nang paglakas ng tibok ng puso ko kapag malapit siya.

Noong una hindi ko pa pinapansin dahil Im just 13 years old. Naisip ko na natural lang naman siguro ang nararamdaman ko para sa kanya. Nang tumagal napangalanan ko ung nararamdaman . Palihim lang ung pagkakagusto ko sa kanya.

Pagdating namin ng third year highschool may sinabi siya sakin na may nililigawan na daw siya. At yun ay si Liza, kaklase namin siya. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Masakit yun lang ang tumatak sa isipan ko.

Dalawang buwan siyang nanligaw kaya naman ang saya saya niya ng sagutin siya ni Liza. Masayang masaya siya ng ibalita niya sakin. Hindi ko magawang maging masaya para sa kanila. Nasasaktan ako. Si Charice ang tinakbuhan ko.  Siya ang nakakita ang pag atungal ko ng iyak at pagtulo ng sipon ko.

Ilang araw akong umiwas na hindi niya naman nahahalata. Busy kasi siya sa GIRLFRIEND niya. Pero narealize ko, bakit nga ba ko lalayo? Magbebreak rin naman sila. Masama na ba ko? Tama naman diba? Nagkoconclude lang naman ako sa mga pwedeng mangyari. Hanggat maari think positive lang.

Nagtagal sila ng one year. Hanggang sa naging 4th year kami sila parin. Pero sa kabutihang palad nagbreak sila. Nakipagbreak si Liza sa hindi malamang dahilan. Nakaramdam ako ng saya, lungkot at inis.

Saya dahil wala na sila malaki na ang posibilidad na ako na lang. Lungkot, dahil ayoko makita siyang umiiyak at nasasaktan. At inis para kay Liza, sinaktan niya ang mahal ko. Ang gulo ko diba? Ganito ba talaga magmahal?

Tuwing nakikita ko siyang umiiyak at nagiging mahina. Mas dumodoble ang sakit na nararamdaman ko. Gaano niya ba kamahal ang babaeng yon?

Nagdesisyon akong tulungan si Zach. Tulungan siya sa paraang alam ko. Sa paraang may dalawang pwede kahinatnan. Una, pwedeng maging masaya kami pareho sa huli. Pangalawa, pwede namang ako lang ang masaktan sa huli. Mas gusto ko sana na ang unang ideya ang mangyari.

Kumatok ako sa pinto ng kwarto ni Zach pero walang sumagot. Kaya pumasok na lang ako. Nakasandal siya sa gilid ng kama habang naka upo sa sahig. Nakapatong ang ulo niya sa tuhod niya na yakap yakap niya. Gulo gulo ang buhok at yumuyugyog ang balikat. Umiiyak na naman siya. Nasasaktan na naman ako para sa mahal ko. Ano ba talaga ang meron kay Liza? Nandito naman ako na simula pagkabata nasa tabi na niya.

"Zach." Lumapit ako sa kanya at lumhod para maging pantay kami.

Dahan-dahan siyang tumingin sakin. Magang maga at pulang pula ang mata niya. Basang basa ng luha ang pisngi niya.

S1: After all, I'm Just A Rebound S2: After All, I still Love You- COMPLETEDWhere stories live. Discover now