Corrected By?

52.2K 2.1K 1.3K
                                    

"Isha, Goodluck sa'yo."  Pang-aasar ng isa kong kaklase

Alam kasi nila na ang month na ito ang kinaiinisan ko. Puro quiz dito quiz doon. Mamamatay na ako. Nakakatuyo ng utak. Isa akong dakilang bobo na mag aaral. Di na naman talaga bobo. Mahina lang talaga ang memorya.

"Heh! Tumigil ka nga!"  Pagsaway ko.

Tumawa nalang sila doon. Nakayuko lang akong papasok ng class room ng may nabangga ako.

"Tss." Sabi niya.

Waaah! Kahit pag- 'Tss' niya lang nakakagwapo sakanya. Siya si Ivan ang ultimate crush ko. Pero masama siya sa'kin. Lagi niya akong sinusungitan. Inaasar ng bobo. Pero kahit na ganoon eh, Siya parin ang nag papatibok ng puso ko. Medyo corny ang term pero totoo.

"Haharang ka nalang ba diyan?"  Tanong niya.

"Pwede rin.." Pag papa-cute ko.

Kumunot ang noo niya tsaka dumaan sakin ng marahas. Binangga niya ako sa braso. Waaah! Nakakakilig naman 'yun. Masokista na ako ngayon?

Buti nandyan si Ivan para sipagin akong pumasok araw-araw. Ang kinaiinisan ko lang ay buong klase ay nasakanya ang atensyon ko. Minsan pa nga napapatulala ako kakatitig sakanya. Nababalik lang ako sa realidad kapag binabato na ako ng pambura sa blackboard o kaya sinisigawan ng teacher. Mag tatawanan pa ang mga classmates ko. Samantalang si Ivan nakakunot lang ang noo niya. Napaka sungit ng isang yun. But still crush ko parin siya.

Kaylan niya kaya mapapansin ang taglay kong kagandahan?

Umupo na ako row ng mga girls. Lumabas si Ivan kaya yung bag niya lang ang nasa upuan niya. Bakit kahit yung bag niya ay crush ko rin? Waah! Ganito ba talaga ang pag-ibig? Nakaka baliw.

Maya maya pa ay dumating na ang teacher namin sa math na napaka sungit. Nalate si Ivan pero hindi man lang napagalitan ng teacher namin. Dahan dahan siyang umupo sa upuan niyang katapat ko. Feeling ko magkatabi kami. Waaah! Umandar nanaman ng mabilis ang puso ko.

"Get one and pass."

Waaah! May may quiz pala kami ngayon at hindi manlang ako nakapag-review. Kaylan ba ako nag-review? Eh yung profile lang naman ni Ivan sa FaceBook ang nirereview ko tuwing nasa bahay ako. Baliw ako sakanya. Pake nyo ba?

Pinasa na sa'kin yung sasagutan namin. 1-20 lang naman pero feeling ko lalamunin na ako ng kapirasong papel na ito. Tinignan ko si Ivan at busy na siya sa pag sagot. Gwapo na nga matalino pa. Ako maganda lang. Waah! Gusto niya rin siguro yung mga maganda at matalino. Sinubukan ko namang magpakatalino pero hindi nakikisama ang utak ko. Puro siya lang kasi ang laman nito eh. Okay. Last ko na 'to.

x is equal to negative b positive, Negative square root of b Squared. Minus 4ac. All over 2a.

Waaah! Una palang nakaka-dugo na ng utak. Ano nga ulit ang formula na iyan? Nakakaiyak bilang 4th year student. Pumasa ako ng walang kaalam alam sa math. Nakaka ewan lang. Tapos na ang lahat pero nasa 5 palang ako. At hindi pa sure ang mga sagot. Nakita ko si Ivan na nakakunot ang noo dahil dinadaldal siya ng kaklase naming lalaki.

"Ipasa na ang papel sa harapan." 

"Hindi pa ako tapos, Ma'am."

Sabi ko. Tiningnan ako ng matalim ni guro kaya ipinasa ko nalang din sa harapan. Aasarin nanaman ako ng mga kaibigan ko nito. Pinag palit na ang papers sa magkabilang row para check-an. Sana si Ivan yung makuha kong papel. Pero kahit hindi naman sakin mapunta. Automatic na ibibigay sa'kin yun ng mga kaibigan ko.

"Isha, Oh. Kay Ivan." Pabulong na inabot sakin ng kaibigan ko ang papel ni Ivan.

Waah! Kahit sulat niya nakaka-inlove. Kahit na puro big letter ang sulat niya nakakagwapo parin sakanya. Maganda ang pagsusulat niya. Ang linis. Dagdag pogi points. Sinulat na ni Ma'am ang mga sagot. At perfect si Ivan. Actually may mali siyang isa. Pinalitan ko lang para perfect na siya. Waaah! Kabaliwan ko talaga.

Corrected By : (2 SHOTS)Where stories live. Discover now