[9] Date?!

378 9 0
                                    

Naka-1K read na tayo hahha ang saya pala ^_^

=============================================================================

Casper's POV

Bakit sila magkasama ni Blue? Kilala na ba nila ang isa't isa? kilala na nya pinsan ko? bakit? paano? kailan? .................. Alam mo Red tanong ka ng tanong eh kung pinupuntahan mo na kaya si Ailee at yung pinsan mo dun para di ka nagseselos ! ikaw rin naman kasi eh ! pag dating kay Ailee ang torpe torpe mo d ko malaman kung bakit, peor sa ibang babae isang kindat mo lang sayo na ! pero bakit kay Ailee ang torpe torpe mo kahit na sabihin mong pinopormahan mo pa sya kulang ! kung ikukumpara mo sa mga nakaraang girlfriends mo siguro 5% lang yung effort na ginagawa mo kay Ailee ngayon ! tapos ngayon dito magtatanong ka kung bakit kasama nya pinsan mo? baka pinopormahan nya rin ! ................... oo nga dapat na akong kumilos para mapasakin na si Ailee babes ko hehehe

Binilisan ko na ang lakad ko papunta sa dalawang yun, gusto ko na ulit makita yung mala-anghel nyang mukha ^_^ pero niyakap nya pala ako kaninang hapon, pagbangon ko lang na-realize yun ^_^  

Ay takte ! pano ko sila pupuntahan eh kung kilala ko ni blue na si Red? pano na yung sikreto ko? Ah ! text ko muna sya and sa ngayon dito muna ako sa astroplus hehehe

To: Blue

     Blue pwede pag nakita mo ko Casper ang pangalan ko muna? please lang pag may ibang tao 

Sana pumayag kasi kung hindi masasapak ko yan ! ...... masasapak? pinatumba ka nga ng isang magnanakaw nung isang gabi eh tapos ngayon bubugbugin mo si Blue? ..... meron naman kasing knife yung magnanakaw edi wala na akong magawa hindi na ako lumaban 

From: Blue

     Bakit ? may pinagtataguan ka nanaamn bang babae mo? nabuntis mo ba?

To: Blue

    Wala naman, tsaka wag mo nang itanong kung bakit ayoko nang pag-usapan pa 

From: Blue

   Sabi mo eh geh geh

Ayos ! buti naman hahaha. Agad naman akong pumunta dun at ayun nagtatawanan? bakit? masaya na ba sya kay Blue? bakit?! ... Alam mo napapraning ka pagdating kay Ailee, lahat ng inaasta mo ngayon kay Ailee eh hindi mo naman inaasta noon sa iba mong babae... kasi para sakin si Ailee iba sya mahalaga sya sakin, simula pa lang nung party nagustuhan ko na agad sya kahit may mask pa sya nun may naramdaman agad ako iba nga talaga pag tunay na pag-ibig..... ang gay mo Red ! .... gay na kung gay basta ang alam ko mahal ko na si Ailee ngayon at gagawin ko ang lahat para sa ikasasaya nya

"Ca-Casper anong ginagawa mo dito?" tanong sakin ni Ailee, anong ginagawa ko dito? para sunduin ka at iuwi ka na at ilayo dyan sa pinsan ko

"Wala naman napadaan lang ako kasi may bibilhin din ako eh ^_^" Red naman ! bakit ka pa nagisnungaling? dapat sinabi mo yung totoo kung bakit ka nandito ! nandito ka para sunduin na si Ailee... siguro nga yun pero pumunta naman talaga ako dito kasi may dinaanan ako

"Ui Bro ! musta ?" tanong sakin ni Blue

"Magkakilala kayo?" tanong samin ni Ailee, ba't ba ang ganda nya?

Spying My Future Wife (A Gangster Princess)Where stories live. Discover now