Chapter 4

1.7K 111 17
                                    

Chapter 4


Pawisan at habol ang hiningang napabalikwas si Ash Lear nang magising mula sa isang masamang panaginip. Naisuklay niya ang kamay sa buhok at pagkatapos ay muling ibinagsak ang katawan sa malambot na kama.

Inalala niya ang panaginip pero hindi na niya masyadong natatandaan. Tanging naaalala niya ay ang mga panaghoy sa gitna ng naglalagablab na apoy.

"Tss."

Nakahinga siya nang maluwag dahil panaginip lang 'yon. Hindi man niya 'yon masyadong maalala pero nag-iwan naman 'yon ng pakiramdam na para bang totoo 'yon. Gayunman ay isinantabi na lang muna niya iyon at tumitig sa kisame at nagpalipas ng ilang sandali.

Hindi nagtagal ay bumangon din siya at ginawa ang mga nakasanayan tuwing umaga hanggang sa matigilan siya nang maalala ang nangyari; ang paghabol niya sa magnanakaw at sa kakaibang kaganapan matapos mabasag ang relic na ninakaw kay Amanda von DeVere.

"What the fuck?" mahinang usal niya nang mapagtantong nasa sarili niya siyang apartment.

Nagtataka siya kung paano siya nakauwi rito sa apartment gayong ang natatandaan niya ay nawalan siya ng ulirat sa kalsada sa gitna ng malakas na ulan.

'Paano siya nakauwi? O sino ang nagdala sa kanya rito?' mga katanungang hindi pa niya mahagilapan ng sagot.

Humarap siya sa salamin at pinagmasdan ang sarili. Maayos ang itsura niya, wala ni anumang galos at higit sa lahat, maayos ang pakiramdam niya. Nasa kondisyon ang katawan niya, bagay na ipinagtataka niya. Sa pagkakatanda niya kasi ay sobrang sakit ng katawan ang tinamo niya dahil sa nangyari.

Napaupo siya sa gilid ng kama at napaisip hanggang sa maistorbo siya nang pagbukas ng pinto sa labas. Mabilis niyang kinuha ang baseball bat sa gilid ng kama saka lumabas ng kwarto.

"What the hell?!" kunot ang noo at may himig ng inis na wika niya nang makita sa sala si Samantha Fabray at si Poncy na kakapasok lang.

Pinaglipat niya ang tingin sa dalawa para hingan ng paliwanag ang mga ito.

Hindi naman pinansin ni Samantha ang sinabi niya sa halip ay ngumiti ito at binati siya. Si Poncy ay ngumiti rin at bahagyang tumango pero halata sa ngiti at mabalasik nitong mukha ang 'di maitagong kaba.

"Finally, you're awake! Good morning, Ali!" masiglang bati ni Samantha at iniangat ang dala para ipakita kay Ash Lear. "Breakfast?"

"Tch! Anong ginagawa niyo rito?" malamig na wika ni Ash Lear na hindi pinansin ang sinabi ni Samantha.

"Pwede bang makarinig muna ng 'Thank you'?"

"Tch! Wala akong rason para pasalamatan ka," sagot niya kay Samantha. "At paanong nakapasok kayo sa apartment ko?!" asik niya pa sa mga ito.

"We borrowed your key, of course," sagot ni Samantha at pagkatapos ay marahan nitong tinawanan ang reaksyon niya bago ito nagtuloy-tuloy sa kusina.

"Mamaya na kami magkukwento, Ali. Mas mabuting kumain ka muna lalo't dalawang araw kang walang malay!" wika pa ni Samantha habang naghahain.

Nabigla si Ash Lear sa sinabi ni Samantha pero agad din namang nakabawi. Nakataas ang kilay niyang binalingan si Poncy na kabadong-kabado.

Pinasunod niya ito sa kwarto pagkatapos ay ini-lock iyon.

"Talk," mariin niyang utos.

Biglang nagpatirapa si Poncy sa harapan niya at paulit-ulit na humingi ng tawad.

"Tumayo ka at magpaliwanag. Paanong narito ang babaeng 'yon at bakit sinasabi niyang dalawang araw akong walang malay?" mahina ngunit may diin niyang tanong.

The Void CenturyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon