Chapter 5

2.3K 152 38
                                    

Chapter 5


"Nice shoes!" pansin ni Samantha sa soccer shoes ni Ash Lear paglabas nito sa kwarto matapos magbihis.

Pinuntahan na ni Samantha si Ash Lear sa apartment nito para sunduin sa pag-aalalang mali-late ito sa laro nito. Pupunta rin kasi siya sa laro dahil nagprisinta itong maging bahagi ng medical team ng Montblanc.

"I know. It's a gift from Caroline," sagot ni Ash Lear.

Ngumiti si Samantha at hindi na nagsalita pa. Binati na niya si Ash Lear pagkarating niya pero hindi pa niya binibigay ang regalo niya rito. Balak niyang ibigay 'yon matapos ang laro.

Napansin ni Samantha ang itim na gwantes na suot ni Ash Lear sa kanang kamay nito.

"Grabe pa rin ba ang pagdurugo ng kamay mo? I-check ko nga," sabi nito at akmang hahawakan ang kamay ni Ash Lear pero iniiwas nito 'yon.

"No!" bulalas ni Ash Lear at kahit ito mismo ay nagulat sa biglang pagtataas ng boses. Huminahon naman kaagad ito. "Just d-don't mind. Okay na ang kamay ko," anito.

May pagdududang tiningnan ni Samantha si Ash Lear pero hindi na ito nagkomento pa. Tumingin ito sa relo pagkatapos ay sinabing, "I think, we better go. Mali-late na tayo."

***


Papasok na sina Ash Lear sa loob ng stadium ng biglang matumba si Ash Lear dahil sa marahas na pagtabig sa kanya ng isang lalaking naka-suit.

Hindi naiwasang mapamura ni Ash Lear sa nangyari. Agad siyang tumayo at akmang susugod pero agad siyang napigilan ni Samantha at natakpan nito ang bibig niya. Hindi na siya nagtaka sa ginawa nto dahil pansin na niya ang pulutong ng mga lalaking naka-suit na dumaan sa harapan nila. Ngunit ang higit na nakakuha ng pansin niya ay ang disenyo ng pin na nakalagay sa suit ng mga ito at higit sa lahat ay ang babaeng napapagitnaan ng mga lalaki o ng mga bodyguard nito. Maganda ito at halos ka-edad lang niya. Sa itsura at aura pa lang nito, hindi maipagkakailang importante itong tao.

"Ano ba!" ani Ash Lear nang pakawalan siya nito.

"I know you're pissed, Ali, but forget it. Did you see the Basilisk pin in their suits? They're the Visconti's bodyguards," wika ni Samantha pagkalagpas ng mga Visconti. Inis din ito sa nangyari. "And that girl, I think she's—"

"Wala akong pakialam kung sino sila!" sigaw ni Ali na nakakuha ng ilang atensyon doon. "Hindi nila pag-aari ang daan na 'to kaya wala silang karapatang manabig o mambalya na lang nang basta-basta!"

"Ali, calm down!"

"Damn it! Kaya lumalaki ang ulo ng mga maharlikang 'yan eh, well except for the De Beauchamps! You people treat them like gods—hmp!"

Biglang tinakpan ni Samantha ang bibig ni Ash Lear at kinaladkad palayo bago pa ito tuluyang mag-eskandalo. Binalingan pa ni Samantha ang ilang taong naroon at nakangiting sinabi, "Sorry, she doesn't mean what she said!"

***



"What happened?" tanong ni Coach Briggs nang makita ang itsura ni Ash Lear at Samantha.

"Nothing, coach!" nakangiting sagot ni Samantha at binitiwan si Ash Lear. "She's just—uh, fired up!"

"Good! Kailangan namin ng mood na 'yan sa laro ngayon. Anyway, salamat, Dra. Fabray, sa pag-volunteer sa medic team."

"Not a problem!"

Pagkatapos ay tinipon ni Coach Briggs ang buong team at binigyan ng instructions.

"Good luck!" anito pagkatapos ngunit may pahabol pa ito. "Do your best, the gods are watching!" wika pa nito habang nakaturo ang hinlalaki sa likod.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 22 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Void CenturyWhere stories live. Discover now