Chapter Twenty-Three

8.8K 126 21
                                    

Matt’s POV

“Sabihin mo na kasi.” Sabi ko. Bakit ka ba kasi umiiyak?

“Wala nga.” Sagot niya. Tinignan niya ang relo niya para malaman yung oras. Alangan, para saan pa ba ang relo? “Gabi na pala. Baka hinahanap na ako nila mama.” Tumayo na siya.

“Hindi ka pa pwede umalis. Kailangan mo muna sabihin kung bakit ka umiyak.” Sabi ko at hinawakan ang kamay niya.

“Dahil kay Kyle.” Sagot niya. Walang hiya talaga yung Kyle na yun. “Pwede na po ba akong umalis?” Binitawan ko na yung kamay niya. Pumunta na siya sa room nila.

Hindi ko talaga alam kung bakit ako naiinis kay Kyle kahit wala naman siyang ginagawa sa akin. Naiinis din naman siya sa akin ng hindi ko alam. Naalala ko yung sinabi sa akin ni Allisha kanina, Si Jasmine. Siya ang kapatid ni Kyle.

-Flashback-

Papunta ako sa bahay nina Jasmine. May dala akong bulaklak at chocolates. Hindi ako nanliligaw, kami na nga eh. Tatlong araw na pagkatapos niya ako sagutin. Hindi naman dapat tinitigil ang pagiging sweet kapag kayo na ng mahal mo. Dapat araw-araw mo pa din siyang liligawan.

Kahit sabi niya na dapat sikreto lang ang relasyon namin, hindi pa din ako titigil na iparamdam sa kanya na mahalaga siya sa akin. Yun naman kasi ang trabaho ng lalaki, dapat palagi niyang ipadama sa kanilang ka-relasyon na mahal na mahal mo siya.

Nagdoor bell ako. Naghintay ng may bubukas ng gate. “Teka lang!” Sigaw ng isang babae. Binuksan ng babae yung gate. “Sino po sila?” Isa sa mga katulong ni Jasmine.

“Sila? May kasama ba ako?” Biro ko at lumingon sa kanan at kaliwa.

“Oo. Siya siya.” Biro din ng katulong nila at tinuro yung gilid ko.

“Rupert nga po pala.” Sabi ko at ngumiti.

“Para sa akin ba yan?” Sabi ng babae at kukunin na yung hawak ko. Pinigilan ko lang. Ang feeler naman nito. Hindi ko nga siya kilala.

“Nandiyan po ba si Jasmine?” Tanong ko at tinignan yung kwarto ni Jasmine sa taas. Malaki yung bahay nila at mayaman din sina Jasmine pero hindi ko siya mahal dahil dun. Mahal ko siya kasi mahal ko siya.

“Ay. Aga naman ng undas.” Mukhang nairita. “Jasmine! May bisita ka!” Sumigaw siya at hinintay ko si Jasmine bumaba. Grabe naman si ate porket may bulaklak at chocolates para sa kanya agad?

“Teka lang po!” Narinig ko na sigaw ni Jasmine. Umalis na yung katulong nila at si Jasmine na ang nakita ko.

It Started With A ReplyWhere stories live. Discover now