Chapter Forty-Seven

4.8K 76 22
                                    

Allisha’s POV

“Upo!” Lubdup. Lubdup. Galit na galit si papa. Hindi naman niya naman kami sinisigawan eh. Si papa lang ang nasa sala. Sina mama at Miguel siguro nasa kwarto na. “Nakakahiya ang ginawa mo kanina, Patrick!”

“S-so..” Yumuko si Patrick at nanahimik.

“Gaano ba kaimportante ang kainan na yun at kailangan talaga pumunta? Ang sabi ko diba, pagkatapos kila Matthew tayo pupunta as in tayong lima. Dapat hindi niyo na sinama si Margaret. Hindi naman susunod si Mason kung hindi niyo sinama. Bakit ba kailangan niyo pa mandamay ha?”

“Papa, siya naman po ang nagsabi na ihatid kami.” Sagot ko. “Saka, huwag niyo na po pagalitan si Kuya Patrick kasi gusto niya lang naman po puntahan ang kaibigan niya. Hindi din niya naman po alam na pupunta tayo kila Matthew.”

“Ikaw, kailangan mo ba talaga sumama? Pwede ba…” Lumabas na si mama kaya tumigil na si papa.

“Mga bata lang naman sila kaya pabayaan mo na.” Lumapit sa amin si papa at niyakap.

“Kaya nga pinagsasabihan para matuto!” Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako. Emotional ako at mabilis umiyak kaya huwag na kayo magtaka. “Patrick, dahil sa ginawa mo kanina, kailangan mo makipaghiwalay kay Audrey.” Grabe naman po, papa.

“ANO?” Napatayo si Kuya Patrick at napasigaw. “HINDI PWEDE!”

“Papa, huwag naman po kayo ganyan kay Kuya Patrick.” Tumayo na din ako at lumapit kay papa. “Mahal niya si Ate Audrey at hindi niya kayang gawin yun.”

“Bakit ba palagi kang kumakampi sa kuya mo?” Papa, hindi naman kasi fair yun. Kasiyahan yun ni Kuya Patrick. “Ikaw, hindi ka pwedeng makipagkita kay Rupert hanggang makaalis tayo!” ANO?!

“Teka, papa, huwag ka naman pong ganyan.” Sabi naman ni Kuya Patrick.

“Huwag din kayo maging ganyan. Goodnight.” Pumasok na si papa sa kwarto at naiwan kaming tatlo.

“Kakausapin ko lang papa niyo.” Pumasok na rin si mama sa kwarto kaya kaming dalawa na lang.

“Pasok na ako sa kwarto.” Nagdabog talaga ako para marinig nina papa. Humiga na ako sa kama at tinakpan ang mukha ko ng unan para umiyak. Ayoko ipakitang umiiyak ako kahit ako lang ang tao dito. Hindi ko siya makikita hanggang sa August? Hindi pa nga niya alam na aalis kami. Last na pagkikita namin kanina? Wala na ba akong magagawa?

Pero, sabi ni papa, hindi pwedeng makipagkita. Pwede ko naman sigurong kausapin through chat? Kaso nga lang hindi na ata kami magkikita sa June 15 para sa CNBlue concert. Hay. Kapag masaya ka nga naman, may rason talaga para maging malungkot ka.

Binuksan ko na yung laptop ko at chinat muna si Christine. Siya muna ang sasabihan ko.

Allisha Rivera: Unnie! T_T

Nagbabasa siguro kaya medyo natagalan magreply.

Christine Peralta: Dongsaeng~ Ano nangyari?

Hindi na pala kami gaano nagchachat kapag nagkikita kami ni Kuya Rupert. Dati, araw-araw kami nagchachat at walang araw na hindi. Sinisira ba ni Kuya Rupert ang friendship namin o dapat alamin ko na ang priorities ko? Unnie or crush?

Allisha Rivera: Hindi na kami magkikita ni Kuya Rupert :(

Si Kuya Patrick kasi.

It Started With A ReplyWhere stories live. Discover now