Epilogue

19.3K 457 97
                                    

The song for this chapter is Endlessly by The Cab. Check out the media section. Enjoy reading!

Note: This is the revised version. Please do not confuse yourself with the comments on the comment section. Thank you.

Epilogue

MABILIS NA LUMIPAS ang dalawang taon. Para bang kahapon lamang noong nag-shift ako mula sa College of Engineering patungo sa College of Liberal Arts para kuhanin ang kursong AB Literature. It has been two beautiful years since I met a wonderful group of people who became my friends. Simula nang makilala ko sila, mas lalo ring dumami ang mga kaibigan ko, na para bang sila ang dahilan kung bakit nagbukas ang mundo ko para sa ibang tao.

Sa loob ng dalawang taon, mayroong dalawang nadagdag sa barkada namin. Symon and Xavier were able to meet people who will change their lives as well, and I can see how they became happier upon meeting them.

After the school break when Scarlett and I got together, Anya came into our lives. Simula noon ay hindi na nito tinigilan si Symon na sa bawat araw ay unti-unti ring nahuhulog ang loob kay Anya. Siguro ay hindi pa lamang handa noon si Symon dahil na rin sa naging karanasan nito sa pag-ibig. Pero hindi rin naman nagtagal ay naging sila na ring dalawa. Nakakatuwa ang pagiging ma-effort at mapagpasensya ni Anya kay Symon kahit sobrang pakipot nito. Hindi niya sinukuan si Symon at kahit na hindi magandang tingnan para sa kanya na siya ang nanliligaw noon kay Symon, walang pakialam si Anya. Ang importante raw ay mahal nila ang isa't isa.

Parang mga bata kung mag-away pa rin naman sina Symon at Anya, pero sobrang maingat at mapagmahal din naman si Symon. He is spoiling her with so much love and you can see how much they love each other. Medyo sumobra nga lang yata ang pagiging possessive ni Symon. Maakbayan lang namin nang kaunti si Anya, parang gusto na kaming patayin sa tingin, eh.

Meanwhile, Xavier was in his fourth year in college when he met Heather, who was in her second year in college. Kaedad nina Lance at Anya si Heather and she's taking Development Studies. Magkakasama lang kami sa department kaya mas lalo kaming naging close nina Symon, Anya, Scarlett at Heather. Kahit na minsan ay nagrereklamo si Xavier kasi mas madalas pa raw naming kasama ang girlfriend niya kaysa sa kanya.

Another great news for all of us is that Heather and Xavier are going to have their baby! Xavier told us that Heather is two months pregnant, which was the best graduation gift ever, according to him. Although it has just been a year since they got together, we all know that Heather is already the one for Xavier. Sobra ang pagiging maunawain at mapagmahal ni Heather kay Xavier at sobra ring iparamdam ni Xavier kung gaano kaespesyal at gaano niya kamahal si Heather. They really deserve each other.

I can remember one time when Xavier and I were talking about Heather, he told me that he wants to have a family with her. Now the baby's on the way! Wala na halos paglagyan ang excitement namin na pati si Clifford ay gustong-gusto nang umuwi lalo na kapag nanganak na raw si Heather.

Nang malaman din ni Lance na magiging tatay na si Xavier, lalong napadalas ang pagbisita niya sa aming lahat. Medyo busy na kasi ito sa school at sa business nila ng pamilya niya. Lumipat ito sa St. Louis College at katulad ni Clifford, Integrated Business Program din ang kinuha nito roon. Isang taon na rin halos ang nakararaan simula nang magkaayos kaming lahat na sobrang ikinatuwa ko. Noong lumipat si Lance sa SLC, marami raw ang nagbago sa buhay niya. Kwento pa nito sa akin, may nakilala raw siyang babae at gustong-gusto niya raw ito. May kaunting problema nga lang sa ngayon, pero wala raw siyang balak sukuan ang taong minamahal niya. And it made us so proud of him.

Si Clifford naman ay malapit nang matapos sa Integrated Business Program na kinuha niya at ipinagpatuloy sa London. Nakapag-apply na rin daw ito sa isa sa mga school sa London para sa pag-te-take nito ng International Development program na gusto niyang kuhanin. At sa mga susunod na buwan ay lilipad kami patungong London para bisitahin si Clifford. Dahil masyado pa raw itong busy sa pag-aaral, wala pa raw panahon si Clifford para hanapin ang pag-ibig kaya wala pa rin daw siyang girlfriend hanggang ngayon. But Clifford is such an ideal man, sooner or later, the one for him will arrive.

The Bitch Has ChangedWhere stories live. Discover now