Chapter 1

23 0 0
                                    

Tumayo ako palapit sa board ng tawagin ako ni Miss Shan para sagutin ang mathematical equation.Ano ba iyan? Bakit ako pa ang tinawag mo ngayong tinatamad ang utak ko mag-isip

Sa lahat ng pwedeng tawaging estudyante para sagutin ang equation na iyan na nagpapahirap sa napakaraming estudyante,bakit ako pa? Pwede namang iyang mga ibang babae diyan na wala nang ibang ginawa kundi makipag-away at pakapalin ang bwiset na make up.Hayop lang na teacher.Kabanas

"HAHHAHAHAHAHAHAHAHA"

"HALAAA ANO IYONG PULA? HAHAHAHA!"

"REAH MAY TAGOS KA!"

Hindi naman ako tanga para di malaman napagtripan nanaman ako ng mga kaklase ko.Nako nako! So ako naman,pabagsak kong nilapag ang chalk at pumunta sa seat para kunin ang shoulder bag ko at pumunta sa CR para magpalit

Bihira ako noon mapagtripan kaasi nananahimik lang ako,hindi ako sumasali sa gulo,pag-aaral lang ang gusto ko.Pero dahil nga walang tao ang pwedeng mananimik sa hayop na paaralang ito,dinamay pa ako nung lecheng lalaki na iyon,pinagtripan at pinahiya ako sa harap ng napakaraming estudyante.Wala silang pake kung mas mataas ba saiyo o mas mababa saiyo iyong tao,kasi alam ng sarili nila na pantay pantay kami dito at lahat damay-damay.Pareho kaming Heirs so sa mata nila pare pareho lang kami ng estado ng buhay so kapag once na tumapak ka dito sa paaralang ito,goodbye peace kana

Kahit gaano kapa kabait,they'll bring out the beast in you,madadamay ka at dahil doon,matututo kang lumaban.Kung ikaw si goody goodgirl noon,magiging bitch ka,kapag nerd ka,tataas na ang tingin mo sa sarili mo,sa mundong ito,walang taong hindi mapride kaya kahit mabait kapa,babaguhin ka nila,Kahit anong iwas mo sa gulo,mas hahabulin ka nito kaya don't you dare na takasan ito

Pagbukas ko sa pinto ng CR,biglang may bumuhos na tubig mula sa itaas ko.May narinig naman akong tumawa.Malas naman talaga oh.Dali dali akong naglakad patungo sa kinaroroonan ng tawa kanina at nakita ko si Yna na nakangisi,putulin ko nguso niya eh

She's Yazmine Nicole Anie Alonzo Montero,Yna for short.Anak ng Top 16 Billionaire sa Buong mundo.Isa siya sa palagi kong nakakaalitan.Kung may gagawin siyang masama saakin,gaganti ako hanggang sa naggagantihan nalang kaming dalawa.Sorry siya kasi bago pa ako maglakad patungo sakanya kanina,may plano na ako sa isip ko

"Ngisi mo?" Hinawakan ko ang mga buhok niya at nilagay ko ang ulo siya direksyon ng inidoro "Ano Yna? Masaya kaba at basang basa ako ngayon? Kasi ako hindi so gusto ko maging patas tayo" Saka ko tuluyang nilublob ang mukha niya

Narinig ko ang pag-angal niya pero hindi ako nagpatinag.They turned me into a bitch,tapos magrereklamo sila? Hayop talaga! Sipain ko sila eh. Kung sila ang mauuna,wala silang reklamong umiyak o magreklamo kasi in the first place,kasalanan nila.

I'm Reah and I was born Strong

Binuksan ko ang bag ko saka ko kinuha ang extra na damit ko atsaka nagpalit,izizipper ko na sana ang bag ko nang may nakita akong red and black na paint sa bag ko so an evil revenge popped in my mind

Get ready Aimi.Tagos ang ginawa mo saakin? Okay HAHAHAHHAHA mas magiging katawa tawa ka mamaya pagdating ko diyan sa classroom.And I don't care kung papagalitan ako ng teacher assignned namin.Gaganti ako sa lalong madaling panahon,baka kasi makalimutan ko.Well makakalimutin ako,lalo na kapag di importante saakin ang tao

Kinuha ko ang extra pads ko at nilagyan ng red na may konting black paint saka ako lumabas ng CR.Chin up akong naglakad at lahat naman ng tao todo tingin saakin.Ngayon lang ba sila nakakita ng anghel na sobrang ganda? Tch.Too bad.Nag-iisa lang kasi ako

Habang naglalakad naman ako ay may nakabangga akong tao.I have no time for clash this time kaya naman lalampasan ko lang sana siya nang hilain niya ang bag ko.Lecheng ito.Pagod na ako sa ginawa ng dalawang bruha kanina kaya sana manlang,palagpasin niya muna ako kahit ngayon lang.Makakasawa na makipag-away eh.Hayop kasi

The Heirs' ClashWhere stories live. Discover now