Chapter 1

391 18 4
                                    

Verah's POV

Ano pa ba ang bago? Araw-araw akong nagpupunta sa lugar na'to pero hanggang ngayon hindi ko pa din mahanap ang hinahanap ko. Ang taong pwedeng may alam sa sumpang ito na nasa loob ng pagkatao ko.

Tao ka nga pero iba naman ang tingin ng iba sa'yo. Iyong pakiramdam na papasok ka skwelahan wala kang ibang kilala kundi ang sarili mo lang. Hindi ka nila tanggap sa mundo nila.

Matapos ang klase. Gaya ng nakasanayan ko nag-iisa lang akong uuwi. Simula ng magkahiwalay kami ng kapatid ko noong mga bata pa lang kami ay natuto na akong mamuhay ng mag-isa.

"Verah? Ikaw si Verah hindi ba?" Tanong ng isang estudyante. May kasama siyang mga kaibigan niya.

Kilala ko ang mga ito. Sila ang mga babaeng walang ibang ginagawa kundi ang mangutya sa mga kaklase.

Hindi ako sumagot, seryoso ko silang tiningnan. Hindi ko naman obligado na kausapin sila. Hindi sila importante at mas lalong hindi dapat bigyan ng pansin.

"Abah! Girls dineadma tayo ni ate, nakakaiyak naman." Sabi ng isa sabay tawa ng malakas.

"Hoy ang yabang mo ah! Hindi mo ba kami kilala?"

Hindi ko pa din sila sinagot. Nakatayo lang ako habang pinagmamasdan sila

Ayokong patulan ang mga gaya nila, kasi iniiwasan kong magalit dahil baka hindi ko makontrol ang sarili ko.

Pinili ko nalang tumalikod at umalis. Pero ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko ay may biglang humila sa buhok ko.

"Ikaw! kinakausap pa kita huwag kang bastos. Alam mo nagtataka ako kung bakit may salot sa skwelahang ito. Magaganda lang ang pwede dito. Kaya kung ako sa'yo umalis ka nalang hindi ka nababagay dito." Sinabunutan ako ng isa sa kanila. Nang binatawan nila ako ay hinagis niya ako kaya sumubsob sa lupa ang mukha ko.

Lintik! Huwag niyo akong pilitin na ilabas ang inis ko. Maglalaho sa mundo ang mga lintik na'to.

Sinubukan kong tumayo, pero maya maya pa ay hinila na naman nila ang buhok ko. Pinigilan ko naman ang kamay ng isa na humihila sa'kin. Nag-iisa lang ako at ang dami nila.

"Iyan ang bagay sa'yo sa putik. Salot ka dito ang pangit mo hindi ka nababagay dito."

"Tara na Yvonne nandyan na si Clarence." Sabi ng isa

"Hindi pa ako tapos sa'yo tandaan mo iyan." Pagbabanta pa ni Yvonne na binanggit nung isang babae.

Nang magsialisan na sila dahan-dahan akong tumayo. Lintik ang sakit ng ulo ko. Ikaw ba naman mahila sa buhok ng ilang beses tsk!

"Miss okay ka lang? Anong nangyari sa'yo?" Naiangat ko ang ulo ko para tingnan ang nagsalita.

Isang lalaking matipuno, Matangkad, maputi ay may itsura din naman.

Pilit kong tinayo ang sarili ko, inalalayan naman niya ako. Nang makatayo na ako. Inabot niya sa'kin ang panyo niya. Kasi ang dungis ko na nang pinagtulungan ako ng mga babae kanina.

"Salamat." Tanging naisambit ko.

"Ang dumi mo na, halika samahan kita sa washroom para makapagpalit ka na din ng damit mo." Pagpresenta niya.

Sa isip ko, ba't ako tinutulungan nito pareho lang naman silang lahat mapanghusga at mapang-alipusta sa kapwa nila.

Oo aaminin kong iba ako sa kanila. Na mahirap lang ako at kaya ako nakapag-aral dahil sa tulong ng isang doktor na siyang nagpaaral sa akin. Hindi niya alam ang totoo kong pagkatao pero sa kabila nun at tinulungan niya pa din ako.

Blood of a VampireWhere stories live. Discover now