Chapter 3

198 14 3
                                    


Clarence's POV

Sa sobrang inis ko kay Charlotte hindi ko nagawang pansinin pa siya. Wala naman kasing kasalanan iyong tao tapos bigla na lang niyang pagsasabihan ng gan'on. Mukhang mabait naman iyong babae sayang hindi ko nalaman ang pangalan niya. Aalamin ko nalang sa teacher namin. Masyado kasi itong tahimik simula n'ong umpisa ng pasukan. Una ko siyang nakita n'ong binubully siya nila Yvonne. Gaya ng sabi ni Charlotte ang tingin sa kaniya ng iba ay salot. Parang ang layo naman sa itsura niya, hindi naman siguro basehan ang pagiging tahimik niya para mabully siya ng iba.

Sabagay ngayon ko lang din siya napansin. Hindi naman kasi ako nakikipag-halubilo talaga sa iba bukod sa buntot ng buntot si Charlotte sa'kin mga kaibigan ko lang ang madalas kong kasama dahil nga may misyon kami. Kailangan ko din mag-ingat hindi pwedeng malaman ng iba na isa ako sa mga secret haunters.

Tuwing hating-gabi lang ako nakakatakas sa bahay. Tulog na kasi si Charlotte ng time na iyon.

Naghintay pa ako ng ilang oras bago sumapit ang alas dos ng madaling araw. Sa likod ng bahay ako dumaan. May ginawa akong secret passage doon. Minsan doon din dumadaan ang mga kaibigan ko kapag hindi sila pinapasok ng mga bodyguards namin. Masyadong mahigpit si Mommy mula ng may mawala kuno sa gamit ni Charlotte. Alam ko naman na sinasadya niya iyon ayaw niya lang talaga akong lumabas ng bahay. Kinakampihan siya ni Mommy kaya wala akong magawa. Kaya minsan tinatakasan ko si Charlotte dahil naiinis ako. Kung umasta parang akala niya may relasyon kami kahit na alam  naman niyang hanggang kaibigan lang kami.

"Ang tagal mo naman lumabas." Ani Patrick na panay lingon sa paligid.
   
"Tara na nga. Huwag kayong maingay nandiyan lang sa gilid ang mga bodyguards ni Mommy." Pabulong kong sabi.
   
   
Dahan-dahan naman kaming naglakad ng pa-upo palabas. Sa likod ng bahay namin naghihintay na si Brian. Dala na naman niya ang luma niyang kotse. Sana lang hindi tumirik iyan sa daan.
   
 
"Ang tagal niyo naman. Muntik na akong mahuli ng isa sa mga bodyguards niyo bigla kasing lumabas iyong isa may dalang flashlight."
   

"Buti 'di ka napagkamalan na akyat-bahay." Pang-aasar ni Justin na nagpipigil din ng tawa.
   
"Gago mas mukha ka pang myembro ng akyat-bahay kaysa sa'kin."
   
 
"Tama na nga iyang asaran ninyong dalawa. Clarence saan tayo unang maghahanap." Tanong ni Patrick.
   
   
Kinuha ko naman ang folder na binigay ni Carson na naglalaman ng mga litrato at ibang impormasyon tungkol sa hinahanap namin. Totoong mahirap silang hanapin. Bukod sa walang pagkakilanlan. Lumang litrato lang ang binigay ni Carson. Pinag-aralan ko na ito bago pa kami nagkita ng mga kasama ko ngayon. May Balat ang isa sa pagkapatid. Isang hugis halahating buwan sa bandang likod ng balikat niya.
   
   
Agad ko naman dinial ang number ni Dessy. Nasa headquater namin siya ngayon.
   
   
  "Dess, Kumusta ang pinapagawa ko sa'yo."
   
"Ayon sa napag-alaman ko na taga-mindanao sila dati. Nagkahiwalay silang magkapatid dahil sa away pamilya. Hindi ko pa alam ano ang dahilan aalamin ko pa. Napag-alaman kong nasa luzon ang isa sa magkapatid. Pero hindi ko matukoy kung sino.  Subukan niyo lang. Magsimula kayo sa  Cavite. May nasagap akong impormasyon d'on."
   
"Sige salamat. Nga pala may e-sesend ako sa'yong file. Pag-aralan mo kailangan ko ng result bukas. Alam ko busy ka pero kailangan ko ng impormasyon."
   
   
"Walang anuman. Send ko nalang sayo bukas ang result."
   
Pagkatapos namin mag-usap ay sinabihan ko agad ang mga kasama ko na sa Cavite kami mag-uumpisang maghanap. Masyadong malayo ang byahe nasa Quezon kami halos apat na oras din ang byahe. Mabuti nalang at sabado bukas. Wala kaming pasok hindi rin ako paghihinalaan ni Charlotte kasi tuwing sabado ay wala talaga ako sa bahay buong maghapon akong wala. Ang alam niya ay may bonding kami ng mga friends ko tuwing sabado.  Kadalasan ay gabi na ako nakakauwi.
   
   
Nang malapit na kami sa Cavite. May nadaanan kaming isang shop. Kakaiba agad ang naramdaman ko ng makita ko iyon kaya pinahinto ko muna ang sasakyan.  Habang naglalakad ako palapit sa shop.
   
   
"Mang Ando salamat po ulit dito." Sabi niya saka daling sumakay sa dalang bisikleta.
   
   
Anong ginagawa niya dito? Sinundan ko siya hanggang sa kabilang kalye kung saan siya lumiko. Buti nalang at medyo malapit lang. Huminto siya sa isang lumang bahay.
   
Dito kaya siya nakatira? ang layo naman kung sa Quezon siya nag-aaral. Hindi ba siya mahihirapan sa gan'on kalayo?
   
Para akong tanga tinatanong ko ang sarili ko 'di ko din naman alam ang sagot.
  
"Hoy! saan ka ba galing akala namin nawala kana." Ani Patrick.
   
Bago kami dumiretso sa pupuntahan namin pumasok muna ako d'on sa shop. Puro mga antique mga binibenta d'on pero may ilan silang binibenta na kakaiba nakalagay iyon sa malaking bote.Kulay pula na parang red wine. Tinatanong ko kung magkano iyon ang sabi ng matanda ay hindi niya iyon pinagbibili. Pero nakita ko na iyon din ang dala n'ong babaeng kaklase ko. Nawewerdohan tuloy ako sa kanila.
   
Pinili ko nalang lumabas sa shop na iyon wala naman akong mabibili d'on.
   
"Anong meron doon ang tagal mo." Reklamo ni Justin.
   
"May tiningnan lang ako. Tara na baka gabihin tayo mamaya pabalik."
   
   
 
Habang nasa daan kami papuntang Cavite panay naman ang lingon ko sa paligid. Kakaiba talaga pakiramdam ko. Parang may sumusunod sa'min. Pinilit kong hindi na isipin iyon hanggang sa makarating kami sa Cavite. Sa isang bayan sa Cavite na sinasabi ni Dessy na puntahan namin nagtanong-tanung kami sa mga taga roon ang sabi nila ay matagal ng bali-balita sa kanilang lugar ang tungkol sa mga kakaibang nilalang ngunit wala ni isa ang nakapag-sabi kung ito ba ay totoo. Ang iba ay sinasabi na matagal ng wala sa lugar nila ang mga iyon. Sa mga wala masyadong alam ay sinasabi nilang huwag maniwala kung hindi mo mismo nakita. Paano nga naman maniniwala ang iba kung wala naman silang nakita.
   
   
May iba rin na puro haka-haka lang mga kinukwento sa huli ay wala kaming nakuhang matinong sagot. Pinuntahan din namin ang lumang simbahan doon. Ang mismong lupang pinagtayuan ng simbahan ay siyang lupa kung  saan nakatayo noon ang bahay ng mga sinasabi nilang kakaibang nilalang.
   
Sinunog raw ang bahay na iyon mula ng mamatay ang pinuno nila. Lumipat umano ng ibang lugar ang mga ito. Mula noon ay wala na silang balita pa tungkol sa mga nilalang na iyon.
   
   
Dessy's POV
   
Nakatanggap ako ng tawag mula kay Clarence ngunit ang sabi niya ay konti lang ang nalaman nila sa lugar na iyon. Kaya sa huli ay bigo sila na makakuha ng impormasyon sa lugar na iyon.
   
"Ano na ang balita Dessy?"
   
"Maghintay ka Thyia hindi madali ang maghanap ng mga taong ayaw magpahanap kung sana ay tumulong e 'di sana hindi kana nagtatanong. Wala ka na ngang naitutulong atat ka pa." Naiinis kong sabi sa kaniya.
   
"Habang tumatagal nauubos ang oras natin. Kaya kailangan natin silang makita kahit saang empyerno pa sila magtago."
   
"Ano ba't nagsisigawan kayong dalawa. Thyia tama na iyan hayaan mo na ang kapatid mong gawin ang trabaho niya. Puntahan mo nalang si Zurie doon, Ubusin mo dugo niya ng matauhan sa katangahan niya sa lintik na pag-ibig na pinaglalaban niya. Walang puwang ang pag-ibig niyo sa mga mortal mga hangal. Gusto niyo pala mamatay e 'di sana pinapatay ko nalang kayo kay Hermano. Dumadagdag lang kayo sa problema natin."
 
Kulang nalang ay palayasin kami ni Ywain. Kahit kailan laging pinapairal batas niyang hindi ko maintindihan. Alam naman niyang matigas talaga ulo ni Zurie e 'di sana noon palang pinutol  na niya sungay ng anak niya.
   
Tumayo nalang ako saka pumunta sa silid ni Zurie. Laki sa layaw kasi ang batang iyon kaya ngayon tumaas na ang sungay sa katigasan ng ulo. Kasalanan din naman ni Ywain bakit lumaking suwail ang anak.
   
"Zurie si Tita ito buksan mo ang pinto."
   
Nakailang katok ako bago niya binuksan ang pinto. Umiiyak itong humarap sa'kin.
   
  "Tita bakit gan'on si papa ayaw niya akong payagan na sumama kay Eronne. Mabait naman siya Tita."
   
Naaawa ako sa kaniya pero kahit anong gawin niya may batas din ang lahi namin.
   
"Zurie baby alam mo naman ano ka hindi ba? May batas tayo at iyon ang pinaglalaban natin. Iba si Eronne, Iba ka sa madaling salita hindi kayo para sa isa't-isa. Huwag mo ipahamak ang sarili mo para lang sa isang mortal na katulad niya."
   
Humagulhol siyang napayakap sa'kin. Alam ko nararamdaman niya ganiyan din ako noon. Pero kailangan mo talagang mamili at tanging magagawa mo lang ay isakripisyo ang kaligayahan mo para sa ikabubuti ng lahat.
   
Tulog na si Zurie nang lumabas ako ng silid niya. Nakasalubong ko naman si Perseus.
   
"Saan ka galing?" Tanong ko
   
"Sa kabilang bayan. May nasagap akong balita doon may binabalak na naman si Hermano sa darating na kabilugan ng buwan hindi ko alam kung ano iyon aalamin ko ulit. Oo nga pala sabi ni Seth puntahan mo raw siya bukas may sasabihin siya sayo." Tumango lang ako saka naglakad palabas ng bahay.
   
Tumingala  ako sa buwan. Hindi ko alam kailan ang takdang araw na muli mo kaming  paparusahan. Sana sa araw  na iyon ay mahanap na namin ang hinahanap namin. Walang ibang magliligtas sa amin kundi ang nag-iisang itinakda na siyang may hawak ng pulang punyal na papatay kay Hermano. Ang traidor na si Hermano.
   

Blood of a VampireWhere stories live. Discover now