Prologue

4.4K 258 111
                                    

Papatapos na ang spring.

Damang dama ko ang simoy ng hangin na sumisipol sa tenga ko. Nabibingi ako sa ihip at para bang pinuno na rin ng hangin ang loob ng utak ko.

Nakatayo ako sa rooftop ng Revel Academy sa Omotesando   Tokyo, Japan. Isa itong international school for half Japanese citizens.

Ako si Rio Sakurada, isang half Japanese at half Filipino. Pero hindi ako katulad ng karaniwang Japinoy pagdating sa itsura. Maputi ako at puti rin ang buhok ko.

Natural ito dahil isa akong Albino.

Kahit ang kilay at pilikmata ko ay puting puti rin. Sa Japan na ako lumaki pero marunong akong mag-Tagalog dahil iyon ang lengwaheng ginagamit ng mga tao sa bahay. Kaya trilingual ako. Kaya kong makipagusap gamit ang English, Japanese at mag Tagalog. Kaya na rin siguro sa Revel Academy ako pinag aral ay dahil sa pumasa ako sa scholarship.

Tatlong floors meron ang school at mataas na itong talaga kung tutuusin. At kung mahuhulog ka rito ay siguradong katapusan mo na.

Nalulula man akong tignan ang nasa ibaba ay wala akong maramdamang takot. Kumakabog ang dibdib ko pero alam ko sa sarili ko na hindi ako natatakot. Ewan ko ba. Nawala na ang takot na meron ako noon pa.

Mahalaga ang araw na ito. Ngayon ang 15th birthday ko.

At ngayong araw din ang araw ng kamatayan ko.

Ramdam ko ang tindi ng hangin na tumatama sa mukha ko. Hangin na halos pumigil na sa paghinga ko. Hanggang sa...

Splat!!

Ramdam ko ang impact ng katawan ko sa sahig na ikinabagsakan ko. Nakahiga ako sa sahig habang nadarama ko ng init ng likido sa buong katawan ko. Naramdaman ko na rin na nabasa na ang school uniform ko. Dumadaloy ito pakalat ng kinahihigaan ko. At umabot ang dugo sa ulunan ko na kinulayan na ng dugo ang puti kong buhok.

Nakita ko ang basag kong salamin, malayo sa kinahihigaan ko.

Unti unting namungay ang mga mata ko at lumalabo na rin ang aking paningin. Hanggang sa maramdaman ko ang aking hininga ay inalis na rin sa akin ni Kamatayan. Para akong sinakal nang mahigpit bago ako binawian ng buhay.

Hanggang sa dumilim na ang paligid. Mas madilim pa sa madilim na gabi ang kinalalagyan ko ngayon.

Ngayon ang araw ng birthday ko pero ngayon rin ang araw kung kailan ay namatay ako.

Pero hindi rito nagtatapos ang lahat. Dahil sa kamatayan ko pa lang maguumpisa ang sumpa na mayroon ako ngayon.

At naramdaman ko ang paggalaw ng kamay ko at ang pagpitik ng pulso ko. Ramdam na ramdam ko pa rin ang pagdaloy ng dugo pabalik sa pinagmulang sugat nito sa buong katawan ko at ang pag init muli ng temperatura ko.

At dumilat akong muli...

Sa pagkakataong ito, ibang tao na ako.

Ang tanong... Tao pa ba kaya ako?

Prologue End
To Be Continued...

---

Author's Note:
Hi guys! Sinisimulan ko na ang kwento na 'to. Intro muna. I hope subaybayan niyo rin tulad ng 23:57. I am getting that chills in writing again. Haha! I don't know exactly what to write here. Basta thank you guys sa support! Usap tayo sa comments section~!

-Kuya Ray

ALAGADWhere stories live. Discover now