Chapter 1: Albino

1.7K 75 45
                                    

RIO SAKURADA


Papasok pa lang ang Spring season. Papasok na ako sa Revel Academy at suot ko na ulit ang School uniform coat ko na pang spring season.

Humahangin nang malamig pero maliwanag ang sikat ng araw na akala mo ay masusunog ka. Pero hindi, malamig pa nga katulad nang nasabi ko kanina. Masarap maglakad ng ganito papasok.

Kahit na alam kong albino ako ay hindi ko ito ininda. Kapag Spring ay hindi ako sensitive sa sikat ng araw. Ito ang ipinagpapasalamat ko.

"Rio! Rio! Teka lang!" Sigaw ng babaeng may maliit na boses sa likuran ko. Hinahabol niya ako pati na rin ang hininga niya.

"Ah! Sora!" Tawag ko sa babaeng tumawag sa akin.

Si Sora Tachibana ay kaklase ko. Filipina Japanese. Blonde ang buhok dahil kinulayan. Mukha siyang Kogal sa look niya ngayon. Ang mga kogal ay isang term na ginagamit ng mga young Japanese. It is actually a Fashion trend in Japan na tan to orangeish ang kulay ng balat na may neon pink na lipstick, sparkly make up at blonde hair. Ilang beses na ring nasisita si Sora sa school dahil sa fashion sense niya na bawal sa school sa totoo lang. Pero heto pa rin siya, parang hindi nabigyan ng suspension.

"Wait lang! Alam mo namang mas mahaba ang legs mo kesa sa akin! Wait!" Patuloy siya sa pagtakbo habang patuloy pa rin ako sa paglalakad pero binagalan ko lang para makahabol siya.

"Bilisan mo." Sagot ko habang sa patuloy na naglalakad ako. Napapangiti pa ako nangtumalikod ako kasi tumatakbo pa rin si Sora at hingal na hingal na.

"Bakit ka ba nagmamadali? May twenty minutes pa bago mag ring ang school bell. Pwede ba samahan mo muna ako sa cafeteria? Kailangan ko lang bumili ng sandwich. Hindi pa ako kumakain ng breakfast e."aya ni Sora sa akin.

Napilitan akong sumama sa kanya. Bumili na rin ako sa vending machine ng hot oolong tea. At nang makuha ko ito ay nakabili na si Sora ng tuna sandwich.

"Kain muna tayo. Please?" Pagmakaawa ni Sora sa akin. At dahil wala rin naman akong magagawa sa assertive personality ni Sora, sinamahan ko na siya.

"Ito o, salmon sandwich yan. Binili ko para sayo. Alam kong paborito mo yan." Abot ni Sora sa akin ng mainit init na nakaplastic na sandwich. "Kainin na natin."

Sinamahan ko siya sa mesa para kumain pero hindi koo binuksan ang salmon sandwich. Busog pa kasi talaga ako at kumain na rin ako kaninang umaga sa bahay.

"Mamayang lunch ko na lang kakainin ito." Sabi ko kay Sora habang pinapasok ko ang salmon sandwich sa loob ng bag. Ininom ko na lang ang oolong tea na binili ko kanina. Titig na titig si Sora sa akin habang ipinasok ko ang sandwich sa bag ko.

"Alam mo." Panimula ni Sora habang ngumunguya at tinatakpan ang bibig niya ng kamay niya. "Sigurado ka bang papasok ka ngayon? Alam mo naman ang sitwasyon mo..."

Inumpisahan na naman ni Sora ang usapang ayoko na sanang ipaalala pa sa akin. Hindi na lang ako sumagot sa kanya at naubtindihan niya na siguro ang ibig kong sabihin sa katahimikan ko kaya naman hindi na siya nagusisa pa. Nag patay mali na lang siya at nagpatuloy na kumain.

Inabot ng ten minutes ang pagkain ni Sora ng sandwich at nag decide na kaming pumasok sa classroom.

7:50am. Pumasok na kami sa classroom. Nagsimula na akong pawisan at manlamig nang marinig ko na ang tawa ng mga kaklase ko na galing sa klase. Naghiwalay na kami ni Sora.

Dito magsisimula ang kalbaryo ko para sa araw na ito.

Naglakad ako na parang pusa. Walang ingay na maririnig sa yapak ko at halos nakayuko na para hindi mapansin ng iba.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ALAGADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon