Boomerang

435 7 0
                                    

"Go." Nagsimula na maggagalaw si Kathryn at hinalikan pa ang aso kong si Koda.

Eto na naman yung oras na parang gusto ko magtweet ng i feel you tas i-tag lahat ng KathNiels na nagsasabing naiinggit sila sa mga taong nakakapagpapicture sa amin. Only this time, sa aso ako naiinggit. Dalawang beses ba naman halikan! Sa lips pa, ampu!!

Itinigil ko na ang video at pinost agad nang wala man lang apruba mula kay Kathryn. Ibinaba ko ang kamay ko at nilapag ang cellphone ni Kathryn sa tabi ko. Binitawan na rin niya si Koda na siya nang pinalapit ko sa akin para kunin ang halik na binigay sa kaniya ng aking Kathryn. Pahalik halik pa, tatadyakan ko to eh. De loko lang, mahal ko to si Koda.

"Mahal naman eh! Ang tonta, I said i-boomerang mo ah." Napatingin ako sa kaniya na may kunot noo.

"Ano kamo? Tonta? Saan mo nakuha yan?!" Tinignan niya lang ako nang masama at inirapan bago muling binalingan ang cellphone niya at sumandal sa couch.

"Koda dun ka nga, pinagbigyan lang kita ng dalawang halik namimihasa ka na diyan." Kausap ko sa aso kong inginungudngud na ang sarili sa akin. Aba di yan pwede, Kathryn lang may karapatan magngudngud ng kahit ano sa akin.

"Mahal, ang stupid talaga." At bumunghalit na nga siya ng tawa.

"Ano ba difference mahal, duhh, same lang na video yan pinaulit ulit at pinabilis lang galaw mo sa boomerang tas inalisan lang yun ng sound. Parang tanga to si Kathryn." Inilagay ko ang braso ko sa likod ng ulo niya at hinigit pa siya palapit sa akin.

"Bali duhh, you just stated the difference."

"Baliii duhhh you just esteted da depyerens." Tinapunan ako ni Kathryn ng nadidisgustong tingin.

"Bali they're making fun of your katangahan. Haha. Ang lolo mo kasi di alam ang boomerang." Ipinasok ko ang kamay kong isa sa loob ng shirt niya at inilagay sa tummer niya. Pinakulob ko lang nilalamig kasi. Yung isa naman pinagsiksikan ko sa manggas niya.

"Bali, did you miss me?" Naalis ang pagkakayapos ko sa kaniya nang gumalaw siya at medyo tumayo para ilapag sa table malapit dito ang phone niya.

Nang bumalik si Kathryn sa couch na inuupuan ko ay humiga na siya. Nakisiksik na lang ako sa gilid niya at hiniga ang ulo sa dibdiban niya, yung kaliwa kong kamay isiniksik ko pa talaga sa likod niya kahit nadadaganan para lang mapuluputan ko ang katawan niya. Minsan tingin ko sa sarili ko ahas na lingkis ng lingkis eh. Sinasabi din sa akin yun ni Kathryn, aba kasalanan ko pa! Eh bakit ba ginawa ang katawan ni Kathryn Bernardo? Para yakapin ko. Duh.

"Yes bali, sobrang na-miss kita. Bakit kasi magkakalayo locations natin, hmp."

"Ang ganda ng pilot noh?" Napairap ako nang ibahin niya topic.

"Uu pero mas maganda kung ikikiss mo ko. Dali 'bang wala sila mama." Bumangon ako para pumwesto sa taas niya at pugpugin ng halik ang labi niyang nangingiti na lang.

"Tama na bali, nakikita ka ni Koda." Napatigil ako at nakasimangot na binalingan si Koda na nakanganga habang pinagmamasdan kami.

"Badtrip ka ba ha? Benta kita."

"Bali!"

"Come to daddy, Koda!" Umayos ako at umupo na lang. Bahala si Kathryn sa bigat ng paa ko diyan.

"Ang fake." At tumawang muli ang ina ng mga aso namin.

Wawza, napakagandang ina ka, Kathryn. Tinitignan ko pa lang tong babaeng to gigil na niya si ako! Naramdaman ko ang pagdamba sa amin ni Koda na imbes sa akin eh kay Kathryn siya dumiretso at hinigaan pa ang bali ko. Ako naman tong si inggitero humiga at muling sumiksik sa kanila. Buti na lang pang-karla ang upuang kinuha ni Karla. Hahaha! Joke lang.

Pero yun na nga niyakap ko silang dalawa habang nakatingala ako kay Kathryn. Bigla kong naalala, bukas na ang kasal nila Justine at mamaya na ang punta namin sa hotel na pag-stayan. Bigla ko na lang naimagine ang mga mangyayari mamaya. Pero ako na yung nagiintay sa dulo ng altar, kay Kathryn malamang, para makarating sa akin at magsagutan kami ng "I do". Napangiti ako lalo nang makita ko siyang bumungisngis nang harutin siya ni Koda. Medyo inangat ko ang sarili ko at sinamaan ng tingin ang mahal kong Koda. Mahal na mahal kita Koda, pero namumuro ka na. Maharot ka! Hindi ko alam kung nabasa ba ni Koda ang isip ko o natakot siya sa tingin ko o pareho, basta umalis na lang siya at tumakbo palabas. Good boy!

Agad kong binalingan si Kathryn. Hinaplos ko ang pisngi niya at unti unting nilapitan ang mukha. Napapikit na lang ako nang maglapat ang labi namin. Nagdiwang agad ang loob loob ko na para bang nanalo ako sa lotto pero hindi eh mas higit pa dun. Pero putek kasi hindi naman nagtagal yun. Aba!!

"Ninong!! Tita K!! Glama's calling you both! We'll go na." Nakadukduk lang ako sa leeg ni Kathryn at nakatalikod ang mukha kay Lhexine na nagsasalita sa harap ni Kathryn.

"Hmm? Okay sige sunod kami ni Ninong." Sagot ni Kathryn habang ako nakangiti lang. Pero yung pilit. Kasi oo tuwang tuwa ako kay Lhexine. Hmm, ang sarap yakapin!!

"Tita K, is ninong ok?"

"Huh? Yes! Why?"

"He's sleeping?" Naramdaman ko ang mga kamay ni Lhesine na dumampi sa likod ko at di ko alam pero bigla ako pumikit at nagtulog tulugan.

"Tita K.." Bulong ni Lhexine.

"Yes? Ano yun Lhex?"

"Ninong is gwapo." Halos mapangiti na ako ng pagkalaki laki pero napigilan din.

"Huh? Yes, malamang. He's Tita K's boyfriend and Tita K is maganda so dap–"

"I have a crush o Ninong." Bumubungisngis na sabi niya at medyo dumagan pa sa akin na parang binubuhat niya sarili niya paakyat pero bigla din nawala yung kaunting bigat at narinig ko na lang ang mga mumunting yabag ng paa papalayo.

Agad kong binukas ang mga mata ko at tumawa na ng tumawa. Nang tignan ko si Kathryn ay mas lalo akong natawa. Nakatulala at nakaawang lang ang bibig niya na para bang gulat na gulat siya sa mga pangyayari. Di makarecover ang lola mo!

"Ang gwapo ko daw bali, puta! You should treasure me!" Tumatawa ko pa ring sabi at pangaasar sa kaniya bago siya halikan at tumayo na.

"Bali, you make papangit na please." Napatingin ako kay Kathryn na nakatingin sa akin na parang batang nagmamakaawa.

Wala ako nagawa. Wala naman ako pagasa pumangit. De loko lang. Natawa na lang ako nang natawa doon dahil sa pagseselos ng aking Kathryn. Si Kathryn, parang boomerang! Ang cute at nakakatuwa tignan pero mukha pa rin talagang tanga minsan diba! Hahahaha!


Oh diba sabaw sabaw tayooo

Happy KathNiel Day!! 💙💙💙

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 25, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

B and TWhere stories live. Discover now