Chapter 2

117 2 3
                                    

"Ganito kasi yoon...." Grace whispered to them.

"WHAT?! GUSTO MO HUMANAP TAYO NG BOYS NA PWEDE NATIN PA-INLOVIN SAATIN TAPOS IIWAN DIN NATIN PAGKTAPOS NG GRADUATION?!" sabi ni Carly.

"Yup" Grace said.

"Sino namang lalaking pwede magkagusto saatin eh hindi naman tayo sikat at hindi maganda" sabi ni Lisa.

"Kaya nga hahanap tayo diba na pwede natin pagustohin saatin at may plano narin ako dyan para magustohan nila tayo. Deal?"  Grace said.

"Cge na nga"

"Ok"

"Ne(Yes in Korean)"

"Ok, pero wait may idadagdag pa ako. Dapat everyweek na magkasama kayo may improvement at kung sino man ang kakaunti ang improvement siya ang talo at may punishment yoon. Ang pang huli BAWAL MA-INLOVE SA DARE MO" Grace said.

"Yun lang? Ok ang simple lang naman tch." sabi ni Carly.

"Well Ok na huh deal tayo diyan huh!" Grace said.

"Ok/Ne" the three of them said.

The bell rings at pumunta na sila sakani-kanilang classrooms.

Sa classroom nila Carly,Grace at Lisa.

Ang buong klase ay nagkakagulo sa buong classroom dahil wala pa ang teacher nila. Ang magbebestfriend namam sila Carly,Grace, at Lisa ay naka-upo sa tatlong chairs sa may bintana, nagdadaldalan sa mga bagay-bagay.

"Kung yung boy na dare kaya natin ay classmate nalang natin?" sabi ni Lisa.

"Pwede, pero duh tingnan mo naman sila." sabi ni Carly 

Pagkatingin nila, makikita nila ang buong boys sa classroom nila na naglalaro kahit mga 4th year/Senior high school na sila.

"Well, mahirap kasi pag sa ibang klase kasi hindi naman natin sila masyado kakilala at mas bata pa satin yung iba." Lisa said.

"May point si Lisa." sabi ni Grace

"Bahala na nga, maghanap nalang tayo ng gusto natin..." sabi ni Carly

Nag-bell na ang ring at nagsitayuan na silang tatlo para pumunta sa kani-kanilang tamang upuan dahil andun na si Mam.

"Ok, class our lesson for today will be about blah blah blah blah...."

After an hour natapos narin ang discussion ng teacher nila at uwian na. (xD ang bilis)

 "Gala tayo!" sabi ni Carly habang papalabas sila sa classroom.

"Sige ba, saan?" sagot ni Lisa

"SM tayo!" sabi ni Carly.

"Cge" 

"Sorry guys bawal ako eh may curfew ako ngayon eh" sabi ni Grace.

"Sa susunod ka nalang sumama." sabi ni Carly.

"Sige, guys Bye!" sabi ni Grace

"Bye!" sabi nung dalawa.

"Nasan nga pala si Beth?"  tanong ni Lisa.

Nag-shrug lang si Carly bilang sagot.

"I-text nalang natin siya, punta muna tayo ng library may hihiramin lang akong libro" Lisa said.

Pumunta silang dalawa sa library, pero bago nito tinext na nila si Beth at napagkaalaman nilang nasa library ito.

"Beth!" sigaw ni Carly sa loob ng library.

"shhh! hinaan mo lang boses mo!" sabi naman ni Beth ng pabulong.

"Sorry!" pagsosorry ni Carly.

Nilapitan nilang dalawa si Beth at umupo sa table kung saan nandon siya.

"Bakit ninyo ko ni-text??" tanong ni Beth.

"Gusto mo sumama sa SM gala tayo!" sabi ni Lisa

"Um...as you can see guys bawal ako umalis ngayon kasi may project kami at may quiz pa kami bukas." Beth said habang busing busing gumagawa ng project at the same time nag-aaral.

"Wow, sipag huh!" sabi ni Carly

"Aishh! Guys sa susunod nalang huh! Sorry talaga!" sabi ni Beth

"Cge, una na kami Bye!" sabi ni Lisa at umalis na silang dalawa sa library.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Maggagabi na at nasa library parin si Beth, magsasara na sana ang library kaso nagmakaawa si Beth na wag muna daw at siya nalang ang mag lolock ng library bago siya umalis.

Dahil pinagkakatiwalaan naman ng librarian si Beth pinabayaan na ito mag stay at iniwan niya ang susi sakanya.

Noong papauwi na si Beth, nag-aayos siya ng kanyang gamit, tapos bigla nalang nag blaxk out sa library yun pala ay pinatay na ng guard ang kuryente sa buong school noong time na yoon.

Eh takot pa naman si Beth sa dilim kaya agad-agad itong pumunta sa pintuan para lumabas, kaso naka-lock ito at ung susi niya ay panglabas lang.

Sumigaw siya ng tulong pero walang makarinig sakanya.

"Tulong! na-lock ako dito!"

Mainit rin sa loob at hindi siya makahinga dahil may asthma siya.

"Tulong~"  huling sigaw niya bago siya mahimatay.

Bago paman din siyang mahulog sa sahig sinalo siya ng isang lalaking kanina pa andun natutulog sa library.

Hello! Second Chapter na! please do vote and comment po ♥♥

A Dare that Changed our Simple livesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon