Chapter 15: Booth's

6.3K 228 24
                                    

Chapter 15: Booth's

Third Person POV 

Ngayon na ang araw ng kanilang big event na gaganapin at lahat ay naghahanda na sa kani kanilang booth. Maya maya lang ay nakarinig sila ng boses sa bawat speaker na nakakabit sa ibat ibang parte ng kanilang paaralan.

" All students, I want to announce that this big event will start right now. Do your best everyone and if your booth will win your section will have a vacation and exempted for the exam. There's one more thing, kung naaayon ang design or arrangement ng booth sa tema na napili niyo ganon din ang prize so good luck everyone! " Mr. Principal

Nagsimulang mag- ingay ang mga students sa inan- announce ng principal sa kanila. Pinag- uusapan na kailangan nilang galingan para manalo.

Samantalang sa section nila Christle.....

" Everyone we need to do our best and we just hope na kung hindi tayo papalarin na manalo sa palakihan ng pera sana mapili tayo sa tema ng ating napili " Emicka tumango naman ang mga kaklase niya sa kanila

Si Christle naman ay tahimik lang pero nasa isip niya at malakas ang kutob niya na mananalo sila sa tema dahil nga haunted house ang kanila at mukhang nakakatakot talaga yung pagkakagawa nila nito. Umayos na sila kung saan sila naka pwesto. Dahil nga buong section sila at silang lahat ay 25 sa klase kaya karamihan sa kanila ay mananakot at 4 naman ang mag aassist sa mga taong papasok palang yung 6 naman ang nakabantay doon sa mga puzzle at questions.

Isa si Christle sa mananakot at  nakacostume na siya na parang patay talaga dahil ang nagmake up sa kanilang lahat ay isang magaling na make up artist sa mga pananakot kaya talagang nakakatakot ang mga itsura nila. Mayayaman kasi ang mga classmate ni Christle kaya hindi nahirapan na maghire ang mga kaklase niya ng make up artist.

Yung haunted house na ginawa nila ay dalawang palapag which is magsisimula ang mga papasok sa first floor at lalabas sila sa second floor. Merong hagdan din na pababa kaya hindi na sila mahihirapan pa saka may nakabantay naman doon na dalawa pa nilang kaklase na mag aassist sa papalabas na, na mga customer.

Maya maya ay merong pumasok na tatlong magkakaibigan, isang babae at dalawang lalaki. Hindi sila nag aaral sa school nila Christle so it means na tagalabas sila. Nga pala, 50 pesos ang entrance ng bawat tao at sure silang mag eenjoy ang mga papasok don dahil sinigurado nilang nakakatakot ang kanilang ginawa na haunted house.

Pumasok na nga ang tatlong magkakaibigan sa loob at pagkapasok pa lang nila ay talagang natatakot na sila. Kapit kapit sila ng kamay habang naglalakad.

" Grabe ang dilim naman dito " sabi ng babae na si Carrie saka lumunok ng sunod sunod

" Siguro naman hindi ito ganon nakakatakot kasi kaedaran lang naman natin sila at baka hindi naman ito gaya ng iniisip ko " sabi ng lalaking naka salamin na si Rick

" Bilisan na lang natin! " sabu naman ng isa pa nilang kasamang lalaki na si Gray kaya naglakad na sila...

" aaahhhhh!!!!! " malakas na sigaw nila ng may bumulaga na nakabaliktad na bangkay sa kanilang harapan. Nakapikit at mata nito at animoy bangkay talaga

" sh*t nagulat ako don ah " Gray sabay kapit sa may dibdib bigla naman dumilat yung bangkay at ngumiti ng nakakaloko sa kanila kaya napatili uli sila

"mata!!!  b- bukas!!!! Takbo!!!  " Carrie sabay karipas sila ng takbo dahil sa gulat at takot

Narinig naman nila Christle at ng lahat ng kaklase niya ang tili ng mga ito kaya hindi nila maiwasan na mapatawa dahil don. Habang sa dako naman nila Emicka ...

***Magical World*** (Slow Update^__^)Where stories live. Discover now