Chapter 28: Chaos

4.7K 203 8
                                    

Chapter 28 : Chaos

" Anong nangyayari?!! "

Napalingon ako kay Tal-ri ng magsalita siya. Halata naman sa expression niya na nababahala siya sa nangyayari ngayon.

Gumagalaw ang lupa at nagkakagulo ang mga tao. Karamihan sa kanila ay nagpalit na ng anyo at lumipad sa himpapawid.

" Sumakay ka sa likod ko pagkatapos ko magpalit anyo! " sabi sakin ni Tal-ri kaya tumango na lang ako.

Agad din naman siyang nagpalit ng anyo at naging pulang dragon. Dahan dahan akong umakyat sa likod niya. First time kong makasakay sa isang dragon kaya kinakabahan talaga ako lalo na ngayong lilipad kami sa himpapawid. Mas lalo naman akong kinakabahan sa sunod sunod na pagsabog na maririnig sa buong lugar. Napahawak ako ng mahigpit sa pwede kong mahawakan sa likod niya. Pumikit din ako dahil nalulula ako sa sobrang taas nito.

" handa ka na ba? "

" o-oo "

Iginalaw na niya ang kanyang malalaking pakpak at dahan dahan kaming tumataas. Nanginginig ang kamay at binti ko. Kinakabahan ako sa mga mangyayari. Aaminin kong hindi talaga ako matapang na babae pero kung kinakailangan...kailangan maging matatag...

Pero ano ang dahilan at nagkakaroon ng gulo ngayon? Hindi kaya... h-hindi.... imposible naman na masundan pa nila ako hanggang dito. Baka may ibang dahilan pa. 

Idinilat ko yung mga mata ko at sa pagdilat ko ay may nakita akong pulang mata at itim na balat na halimaw at lumilipad ito patungo samin. 

" aaaahh!!! "

" Kumapit ka ng mahigpit, Christle! "

Sinunod ko kaagad yung sabi niya at halos tangayin ako ng malakas na hangin sa sobrang bilis niyang lumipad at umikot pa siya. Pakiramdam ko ay malalaglag na ako. Nanginginig na ang buong katawan ko. 

" Kumapit ka lang ng mahigpit! Marami pa tayong kalaban! "

" K-kalaban?!! A-ano sila?!! "

" Sila ang mga Lipano! Pakay siguro nilang kunin ang pulang mata ng dragon upang maging mas makapangyarihan! " 

Pulang mata ng dragon? Ano namang gagawin nila don? Nagmulat ako  ng mata at tumingin sa ibaba kahit nakakalula. Ang dami ring Lipano na nasa ibaba at nakikipaglaban sa mga dragon. Ganon din dito sa himpapawid. Napansin kong naka-steady lang ang paglipad ni Tal-ri kaya nagtaka ako.

" Anong nangyari Tal-ri? "

" napapalibutan tayo "

Napansin ko ang limang Lipano na nakapaligid samin. Anong gagawin namin? Kinakabahan ako! 

" Kumapit ka lang ng mahigpit! "

Hindi na ako nagsalita pa at sinunod na lamang siya... Maya maya lang ay sumugod na sila..

" gggrrr!!! "

Nagpakawala si Tal-ri ng apoy mula sa kanyang bibig kaya nasunog silang lima. Agad naman siyang lumipad ng mabilis kaya napakapit pa ko ng sobrang higpit. 

Sobrang init ng apoy na kahit nasa likod niya ako ay ramdam na ramdam ko ito. Unang beses kong makakita ng dragon na bumuga ng apoy. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. 

Nagtaka naman ako dahil pababa ang direksyon na tinatahak ni Tal-ri.

" Patawad Christle, pero kailangan kitang ibaba "

" a-ayos lang "

Bumaba ako sa likod niya at lumipad uli siya. Now, ano na ang gagawin ko? Kailangan kong makahanap ng sandata para makaligtas din kung sakaling may susugod sakin. Teka...! naglakad lakad ako hanggang sa may nakita akong kahoy. Baka pwede na ito...

***Magical World*** (Slow Update^__^)Where stories live. Discover now