Sacrifice [Myungsoo × Jiyeon]

29 0 0
                                    

Author's Note: Inspired sa Cleansing Cream ng B.E.G. Enjoy pips ^^

**

S A C R I F I C E

JIYEON'S POV

Minulat ko yung mata ko pero kadiliman pa rin ang nakikita ko. Ilang araw ng ganito ang nakikita ko simula ng magising ako dito sa Hospital. Ang sabi saaken 3 months na akong Coma

Ang naalala ko lang kasama ko si Ate sa kotse ng maaksidente kami. Di ko maalala kung anong nangyari pero alam ko nagaway kami ang tanong anong pinagaawayan namin? Napahinga ako ng malalim

Narinig kong nagbukas yung pintuan ng kwartong kinahihimlayan ko. Di ko matanong kung sino yun pero sa amoy pa lang ng pabango nya alam ko na kung sino yun. Umupo sya sa gilid ng hinihigaan ko

"Kamusta ka?" ang lalim ng boses nya kinilig pa din ako ng marinig ko ang boses nya. Tinry kong magsalita pero walang lumalabas na boses sa bibig ko

"This will be the last time na kakausapin kita, Jiyeon" napatulala ako sa sinabi nya. Di ko na sya makita di ko pa sya makausap. Bakit Myungsoo? Bakit?

Medyo malabo ang iilan sa alaala ko pero alam ko na sya ang taong mahal ko. Mahal ko sya. Mahal na mahal. Please Myungsoo don't do this to me. Sabi mo ipaglalaban mo ako. Bakit ganito? Dahil ba sa na coma ako? Dahil ba sa bulag na ako? Dahil ba sa di na ako makakapagsalita kahit kelan? O dahil ba--

"JiEun and I are getting married" di ko alam na napaluha na pala ako dahil sa naramdaman kong likido na umagos sa mukha ko. Tinry ko abutin sya pero nabigo ako

Sabi nya ako ang mahal nya! Ako ang mahal nya hindi si Ate! Ako! Ako lang! Impit ang pagiyak ko dahil di ako makasigaw. Pakshet na buhay to. Naging mabait akong anak at kapatid, matalino, mabait at higit sa lahat sinunod ko ang mga gusto nila bakit ganito ang kapalit? For crying out loud!

Narinig ko ang mabilis na pagpasok ng mga kung sino man mukhang nga nurse ito dahil naramdaman kong may itinusok sila saaken. Mukhang pampakalma. Bago ako mawalan ng ulirat narinig ko pa ang huli nyang sinambit

"I'm sorry, Jiyeon"

Nagising ako na kadiliman parin ang sumalubong saaken. Kailangan kong ipasok sa kokote kong kamunggo na hindi na ako makakakita at makakapagsalita kahit kelan. Tangina naman.

"Anak" saka ko lang narealize na nasa tabi ko lang pala si Mama. Tinalasan ko ang pangamoy ko. Nandito si Papa pati narin si Ate saka Kuya at lalong lalo na sya. Di ko namalayan na naiyak nanaman pala ako. Lahat sila nagtatanong kung bakit ako umiiyak pwera kina Ate saka sya. Duh as if naman makakapagsalita ako

Umabot ang tanghalian at nakatanga lang ako rinig ki ang paguusap nila tungkol sa kasal ni Ate saka ni Myungsoo mukhang naubusan narin ako ng luha. Sinusubuan ako ni Mama pero di ako kumakain. Alam kong mukha akong tanga dahil nakatulala lang ako

"Anak naman kumain ka na. Bukas pwede ka ng makalabas. Ayos ka na daw sabi ng doktor" pero di ako umimik. I can't fucking talk okay?

Hanggang sa gumabi na sina Ate na ang nagbantay saaken kasama sya. Di ko sila marinig magusap. Di ko alam kung naguusap sila o ano. Pero wala na akong pake. Simula ng sinabi nyang ikakasal sila ni Ate ay feeling ko namatay narin ako. Bakit di na lang kaya ako natuluyan? Buti pa si Ate sugat lang ang natamo

Untold Stories (KPOP One Shot Compilation)Where stories live. Discover now