I loved you [Baejin × Jihoon ft. Daehwi & Guanlin]

35 1 0
                                    

Author's Note: Yes. Past tense nga sya. And Yay! Winkdeep Oneshot para sa lahat ng Winkdeep shipper. Hihi. Winkdeep shipper talaga ako eversince. Simula ng maging close sina Baejin and Jihoon bet ko na talaga sila. Yay. And first Wanna One story ko to. Huehue.

**

I LOVED YOU
a Winkdeep one shot story

[BAE JINYOUNG]

"Oh little girl~ mmmm" humming while reading. Wala si Jihoon siguro kasama nina Jisung hyung sa salas. Tuloy tuloy lang ako sa pagbasa nung pumasok sa kwarto namin si Daehwi

"Hyung look at this" may pinakita sya sa tablet na hawak nya and nasa site na Wanna One Go. Di ko alam kung anong pinapakita nya dito sa site

"Ano ba pinapakita mo?" tanong ko. Umupo na sya sa tabi ko saka may tinuro

"Look Jinhwi na ang may pinakamaraming boto" napatingin ako. Oo nga. Madami din doon aa Winkdeep pero di pa nakakalahati yung boto ng Jinhwi. Napatingin ako doon sa Ongniel. Ang daming boto

"Tayo yung magkasama sa 1st episode ng Wanna One Go!" excited na sabi nya. Si Daehwi and Jihoon ang pinakaclose ko dito. Thankful naman ako kay Minhyun hyung kase nakikipagclose din sya saaken. Sa totoo lang simula nung Produce 101 si Jihoon ang pinakaclose ko kaso ngayon na--

"Hyung! Pakinggan mo to. Ginawa ko para sa album ng MXM" pinakinggan ko yung pinlay nya. Napanga nga naman ako

"Good. Ang ganda" isa pa sa gusto ko kay Daehwi. Ang talented unlike me

"Jinyoung-ah. Daehwi-ssi. Labas na kayo jan. Kakain na" napangiti ako. Mukhang nagluto sina Sungwoon hyung

Pagkalabas namin ang ingay ni Seungwoo hyung. Napatingin ako sakanya. Katabi nya si Daniel hyung at mukhang nagkwekwentuhan sila-i mean si Seungwoo hyung

"Hyung kakain na" tawag pansin sakanila ni Daehwi kaya ngumiti sila saka sumunod na saamen. Umupo ako sa tabi ni Daehwi tapos sa tabi ko naman si Minhyun hyung

"Kumain ka ng madami Baejin-ah" paalala nya kaya naman ngumiti ako

"Ne hyung" nasa harap ko si Jihoon na katabi si Guanlin na nagtatawanan. Awkward man pero nagpatuloy ako sa pagkain

"Hyung!" napatingin ako kay Daehwi saka napakurap

"Kanina ka pa tinatawag ni Jisung hyung. Lumilipad nanaman utak mo" napangiti ako ng pilit. Wala talagang pinipiling lugar pagiging lutang ko

"Hyung tikman mo to" napatingin ako kay Daehwi, ayaw ko man isubo yung pagkain na inaalok nya. Ayaw ko naman maging bastos

"Masarap diba?" tumawa na lang ako

"Hyung tikman mo to" napatingin kami kay Jaehwan hyung na katabi ni Minhyun hyung, sinusubuan nya pala si Minhyun hyung

"Gaya gaya" natawa kami sa sinabi ni Minhyun hyung na sinubo din yung pagkain na inaalok ni Jaehwan hyung

"Guanlin paabot nung sauce" utos ni Woojin hyung kay Guanlin kaya no choice sya kundi iabot yun

Untold Stories (KPOP One Shot Compilation)Where stories live. Discover now