Promotion 2

227 1 0
                                    

Promotion #2:

Author: Jeiziilee

Story's title: It was you, ever since.

Theme/Category: Romance, Short Story [Complete]

------------------------------------------------------------------------------

May ibang tao na, iniisip na yung mga minahal nila simula bata o kaya nung highschool life nila ay temporary lang. Hindi pa raw yun ang TRUE LOVE.

Para sakin, depende naman yan sa tao. Kung kaya nilang maghintay para sa tamang oras, kayang panagutan lahat, tatanggapin ka man sa kung anong pagkakaiba mo sa ibang tao, ibibigay lahat sayo, ipapakita niya talaga sayo na mahal ka niya with his/her efforts and time. Iintindihin ka, at mamahalin ka ng buong -buo. Yung sayo lang siya naka-focus, yung pagiging loyal niya sayo, na halos lumayo siya sa mga lumalapit na babae o lalake sa kanya. Yung mismong IKAW lang talaga ang mahal niya..

I considered na swerte ang mga taong merong ganito. Sa mga babae, alam naman nating lahat na tuwing papasok tayo sa pinakaunang relationship natin, iniisip natin na, "Ah, sana siya na mapapakasalan ko." Pero once nawala sa atin yung taong yun, parang ang sakit diba?

Di natin maitatanggi na nag-iisip tayong mga babae ng ganun. But, Nothing's Impossible nowadays. Alam naman din natin kung gaano kasakit sa ating unang relationship ang makipag-break. Lalo na't binigay mo lahat lahat sa taong yun, pero feeling mo, It's not enough pa rin para sa taong iyon. Mahirap mag move on. Halos mamatay-matay ka na nga eh. Hay nako. 

Ang swerte kasi ng iba. Perfect ang relationship nila, halos pinapangarap na rin ng mga babae. Konti lang kasi ang mga lalaking matitino.. Bihira na lang sila sa panahon ngayon. Pero I'm sure, sa mga nabigo sa pag-ibig, God has the right person for you, at si God na rin ang magbibigay sa inyo ng right time para mameet ang taong iyon.

So yeah, posible kaya na ang minahal mo simula pagkabata ay....

Mamahalin mo pang habang buhay?

------------------------------------------------------------------------------

For the link of the story, please click the external link.

Promoted by: Admin Fearious

PromotionsWhere stories live. Discover now