You're Still The One

44 3 0
                                    

Naaalala ko pa nung una kitang makita akala ko masungit ka at hindi mo 'ko mapapansin pero nagkamali ako,mabait ka pala at pala kaibigan.Naalala ko pa nung unang araw na tinawag mo ako sa pangalan ko,ang unang araw na nginitian mo ako at ang unang araw na kinausap mo ako.Ang unang araw na biglang bumilis at lumakas ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa'yo,agad kong inawas ang tingin ko sayo nun at sinabi sa sarili ko na 'Bawal Ma-inlove'.Pero napakapasaway ng aking puso sa tuwing nakikita kita,sa tuwing lalapit ka sa akin bumibilis ang pintig ng puso ko.

Naging magkaibigan tayo,napapasaya mo ako at napapasaya kita.Napakabuti mong tao,mabait ka sa lahat.At sa tuwing  makikita ko 'yun napapangiti ako.

Nahuhulog na ako,Nahuhulog na 'ko sayo alam ko yun.Pero hindi ko inaamin sa sarili ko dahil ayoko!ayokong magkagusto sa'yo dahil alam kong hindi pwede.Kaya naman lahat ginawa ko para pigilan ang nararamdaman ko kaya lang wala ayaw mawala.Totoo nga na hangga't pinipigilan mo ang nararamdaman mo mas lalo ka lang magkakagusto...mas lalo ka lang mahuhulog,kaya wala na 'kong nagawa kundi ang sundin ang tibok ng puso ko.

Inamin ko sa sarili ko na gusto na kita,gusto ko lagi kitang nakikita,lagi kitang hinahanap kapag wala ka sa paningin ko.Namimiss agad kita kahit na isang segundo ka palang nawawala.Masaya ako kapag kasama kita,naiinis ako sa tuwing may kasama kang iba.

Pero isang araw nalaman ko sa iba na may gusto kang iba at nililigawan mo na siya.Hindi ako nasaktan,nalungkot lang ako.Pero nung hindi mo ko pinapansin at lagi mong kasama si Lenie nasaktan ako.Iniwasan kita ,ilang araw akong umiiyak dahil nasasaktan ako.Nasasaktan ako kapag nakikita kong magkasama kayo.Nakalimutan mo na ako.

Sa sumunod na araw hindi ka na nagpapakita sa akin kasi lagi mong kasama si Lenie,ako naman sinubukan ko ng mawala ang nararamdaman ko para sa'yo.Pero still ikaw parin ang gusto.Ayaw paring mawala.
Naisip kong magbakasyon,baka sakaling mawala ang nararamdaman ko para sayo kung lalayo muna ako.

~°°°~

Dalawang buwan na ako dito sa Batangas at inaamin kong miss na miss na kita.Gustong gusto na kitang makita,gusto ko ng marinig ang boses mo,gusto ko ng makita ang mukha mo.Gustong gusto ko ng hawakan ang mga kamay mo at muli kang mayakap.

Tuwing maiisip kita lagi nalang pumapatak ang mga luha ko dahil mas lalo lang kitang namimiss,laging ikaw ang naiisip ko.Tinatanong ang sarili ko kung 'Kamusta na kaya siya?okay lang ba siya.Sila na ba ni Lenie?'.Masakit kasi hanggang ngayon hindi parin kita malimutan,Ano bang meron sayo at hindi kita malimutan.Nakakapagod na,nakakasawa na.

At ang sakit-sakit na!

Lumipas ang isang taon at dalawa pang taon naisip kong bumalik na sa bahay.Ikaw agad ang hinanap ko,ikaw ang hinahanap ng mga mata ko.Nagkaron ng konting handaan sa bahay,nagintay ako sa'yo.Pero hindi ka dumating,walang Enzo ang pumunta sa bahay.

I really really miss you,Enzo.

Gusto kong malaman kung gusto ko pa ba siya,Hindi ko kasi alam eh.Hindi ko apam  kung nawala na ba ang naramdaman ko para sa'yo.Kaya gusto kitang makita.

Kinabukasan ng hapon ay nagkita tayo sa park,nakangiti kang lumapit sa akin at agad mo kong niyakap ng makita mo ko.Hindi bumilis ang tibok ng puso ko,wala akong nararamdaman na kilig.Wala na ba?nawala na ba ang nararamdaman ko para sayo?

"Namiss kita..."mahinang sabi niya.

"Namiss din kita,kamusta na kayo ni Lenie?naging kayo ba?"bigla ka namang nalungkot sa tanong ko.

"Hindi naging kami,Janella"mahinang sabi niya.Naupo kami sa mga bench na nakakalat dito sa park.Seryoso akong tumingin sa kanya.

"Bakit?"tanong ko.Tumingin siya akin at bigla nalang ngumiti.
"Kasi hindi ko naman talaga siya gusto"sagot niya.Napatango naman ako."Pero niligawan mo siya?"takang tanong ko.

One-Shot StoriesOnde histórias criam vida. Descubra agora