Ten Roses

33 3 0
                                    

Papunta kami ngayon sa  bagong bahay na lilipatan namin,sa probinsya namin napiling tumira dahil sariwa ang hangin dun at tahimik pa.Dalawang oras na kaming bumabyahe papunta sa nueva ecija.Katabi ko si Ate na tahimik na nakamasid sa bintana,I'm sure nalulungkot parin siya dahil sa biglaang paglipat namin.

Ilang oras pa ang lumipas ay nakarating narin kami sa bahay na lilipatan namin,Malaki ang apartment at tama nga ako sariwa ang hangin.Nang maibaba namin ang mga gamit ay kanya-kanya naming inayos ang mga gamit namin sa magiging kwarto namin.Habang si Mama ay naghahanda ng hapunan.

"Lara handa na ang hapunan sabi ni Mama,kakain na tayo"sabi ni Ate Kim habang nakatayo sa pintuan.
"Sige,susunod na 'ko.Ate"nakangiting sagot ko.

"Mukhang masaya ka,ha?"tanong niya.Tumigil ako sa pagaayos ng mga damit ko at tumingin sa kanya.

"Masaya talaga ako Ate kasi dito tayo lumipat"sagot ko naman.
"Oh sige na,bumaba ka na.Para makakain na tayo,gutom na ko eh haha"natatawang sabi niya.

"Lagi ka namang gutom eh"

~°°°~

Kinubukasan ay naisip kong maglakad lakad sa labas tutal wala naman akong kasama sa bahay dahil pumasok sa trabaho sila Mama 't Papa.At si Ate naman gumala kasama ang mga kaibigan niya.Maraming puno dito at malalaki rin ang mga bahay ng kabitbahay namin.Ang tahimik pa dito kaya talagang marerelax ka.

"Hi po Manang,San po kayo galing?"tanong ko sa matandang babae na nakasalubong ko.
"Dyan malapit sa batis.Bagong lipat lang kayo noh?"

"Ahh opo.San po ba ang batis dito?"tanong ko.

"Liko ka sa kanan tapos dirediretso na"sagot niya,Nagpasalamat ako sa kanya at naglakad na papunta sa batis.Wow!ang ganda dito,ang lamig ng tubig at ang linis linis pa.Napakatahimik ng lugar,para bang isang paraiso ito sa sobrang ganda ng tanawin.Ang sarap sarap maligo ang problema nga lang napakalamig ng tubig.

"Mukhang nageenjoy ka"napatingin ako sa likod ko ng may biglang magsalita.Isang lalaki,nakangiti sa akin at may hawak na isang pulang rosas.

"Bagong lipat?"tanong niya at umupo sa tabi ko.Tumango naman ako at tsaka sumagot ng "Oo bagong lipat lang kami.Sino ka?anong ginagawa mo dito?"

"Sino ako?Ako si Arnold,ang ginagawa ko dito ay para magpahangin"sagot naman niya.Napatango nalang ako at tumahimik na at muling binalik ang paningin ko sa magandang tanawin.

"Para sa'yo"biglang sabi niya sabay abot ng rose.Napatingin ako sa kanya sabay turo sa sarili ko "Sa...a-akin?"tanong ko.

"Oo para sayo"
   Tinitigan ko lang siya at hindi kinuha ang bulaklak sa kanya.Baka kasi hindi talaga 'yun para sa akin.Baka mamaya may pagbibigyan talaga siya.
"Go.Kunin mo na,nakakangawit.Lara"

Nagulat ako sa sinabi niya.Ano niya ko nakilala?

"P-pano mo nalaman ang pangalan ko?"takang tanong ko.
"Wala pa naman akong sinasabi diba?"muling tanong ko ng hindi niya sagutin ang tanong ko.

"Haha kunin mo na yung rose dali na"sabi niya.!Nahihiya ko namang kinuha ang rose sa kamay niya at nagpasalamat.
"Oy pano mo nga nalaman ang pangalan ko?"tanong ko ulit.

"Kailangan mo pa bang malaman.Kailangan ko ng umalis eh baka hinahanap na ako sa amin,sige mauuna na ko.Paalam Lara"sabi niya sabay tayo at naglakad na palayo sa akin.

Teka may kakaiba sa kanya.Bakit nalaman niya ang pangalan ko eh wala pa naman akong sinasabi at bakit namumutla siya?at bakit may umaagos na dugo sa kanyang paa.Bakit ngayon ko lang napansin.

~°°°~

"Lara,Lara!"sigaw ni Papa mula sa baba.Nagmandali akong lumabas sa kwarto ko at bumaba sa sala para tanungin si Papa na kanina pa sumisigaw.

One-Shot StoriesDove le storie prendono vita. Scoprilo ora