My Mom

39 1 0
                                    

Hindi naman ako masyadong close sa Mama ko,but she always here
for me no matter what.Lalo na nung panahon na highschool na ko,naalala ko pa kabang kaba akong pumasok sa school dahil bago na ang mga classmates ko pero dahil sa kanya nagkaroon ako ng lakas ng loob.Tuwing magkakasakit ako siya ang laging nagaalaga sa akin kahit na pagod siya sa paglilinis ng bahay.
Sa tuwing nalulungkot ako at nasasaktan lagi niya akong niyayakap at sinasabi niyang "Mama is always here for you.Tatandaan mo yan anak,mahal na mahal kita.At kung ano man yang problema mo kayang kaya mo 'yan."

Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na nabully ako sa school niyakap niya ako nung mga araw na yun.At pinapagaan ang loob ko,palagi niyang sinasabi sa akin na mahal na mahal niya ako.
Lagi niya akong pinapayuhan sa mga gagawin ko pero may isang payo ang tumatak sa puso't isip ko ang 'Magaral ng mabuti at huwag agad magasawa.Dahil ang edukasyon ay mahalaga.Na ang trabaho ay mahirap hanapin,pero ang lalaking magmamahal sayo ay dadating 'yan'.

Pero ng makilala ko si Hiro sinuway ko ang payo ni Mama,college ako ng maging kami ni Hiro at ng 24 na ko ay nagpakasal agad kami.Hindi kami nagpansinan dahil galit siya sa akin ang gusto kasi niya kapag 28 na ako tsaka palang ako magaasawa.Hindi ako sanay na hindi ako pinapansin ni Mama tuwing pupunta kami ni Hiro sa bahay niya ay parang wala lang ako,nakakalungkot isipin na wala ng yumayakap sa akin sa tuwing nalulungkot ako at nasasaktan.

Gusto kong mabalik ang panahon na yun.Mga panahon na kasama ko siya at nayayakap.Namimiss ko na ang mga payo niya,I really miss her.Kahit na araw araw ko siyang nakikita sobrang miss ko na talaga siya.

"Autumn"tawag ni Mama,ngayon ko nalang muling narinig na tinawag niya ako.Gustong gusto kong umiyak pero pinigilan ko nalang ang mga luha ko.

"Bakit po,Ma?"tanong ko.

"May hihilingin lang ako,ayoko ng makita ka.Huwag ka ng pupunta dito sa bahay"sabi niya.

"Ma naman huwag naman po sana.Mama please"pagmamakaawa ko.
"Umalis ka na"sabi pa niya.Hindi ko na napigilan pumatak na ang mga luha ko.Napakasakit  palang marinig yun,ang sakit sakit pala.

Bakit,Ma?bakit ayaw nyo na kong makita?

Ilang araw ang lumipas nanatili parin ang sakit sa puso ko.Sobra akong nasaktan sa mga sinabi niya nung isang araw.Gusto kong magalit sa kanya pero hindi ko magawa dahil magulang ko siya.Nanay ko siya at mahal ko siya.

"Autumn tahan na.Mapapatawad ka rin ng mama mo"sabi ni Hiro ngumiti ako at niyakap siya."Salamat"sambit ko.Hinalikan niya ako sa noo ko.

~°°°~

Ilang buwan na ang lumipas hanggang ngayon hindi parin ako nagpupunta sa bahay ni Mama.Kagaya ng hiniling niya hindi na ako muling nagpakita pa sa kanya,kahit na gustong gusto ko na siyang makita.Tinuon ko ang atensyon ko kay Hiro at sa trabaho ko.Kahit papano ay nawawala ang sakit na nararamdaman ko,pero hindi maaalis sa akin na gustong gusto ko ng makita si Mama,I want to hug her tight.Gusto kong muling marinig ang payo nya,gusto ko ng marinig ang pagsabi niya sa akin ng 'Mahal ka ni Mama'.

"Autumn mahal,tawag ka ni Tita Enra may sasabihin daw"sabi ni Hiro,tumango ako at lumabas sa kwarto namin.

"Tita Bakit po?"tanong ko.

"Autumn yung nanay mo kasi....kasi ano n-nasa hospital siya"napatayo ako dahil sa narinig ko.
"Tara po puntahan natin siya"nagmamandaling sabi ko.

Halos madapa pa ako habang tumatakbo,nagmamandali akong pumunta sa operating room.Nandoon daw kasi si Mama.

"Tita anong nangyari kay Mama?"tanong ko habang hinihingal pa.

"Autumn ang Mama mo may brain tumor siya.I'm sorry kung ngayon lang namin sinabi sa'yo,ayaw kasi ng Mama mo na malaman mo dahil alam niyang magaalala ka.Sinunod lang namin ang gusto ng Mama mo"

Halos manghina ako sa mga sinabi niya,napaluhod ako at napahagulgol na sa iyak.Nanginginig ang mga kamay ko,kumalma ako ng maramdaman ko ang yakap ni hiro,pilit niya akong pinapatahan pero kahit na anong gawin niya ayaw tumigil ng mata ko sa pagiyak.

"Autumn"

"Bakit Tita?"tanong ko.

"Autumn....Ang mama mo mawala na,hindi na niya kinaya..Sorry"

Napahagulgol na ako ng iyak,paulit ulit kong sinasabi ang pangalan ni Mama,Bumalik sa akin ang mga alaala na kasama ko siya,kapag malungkot ako sya nagpapasaya sa akin.Madalas din kaming gumala na magkasama,ang mga ngiti nya,tawa at ang luha nya na pumapatak kapag nakikitang nasasaktan ang anak nya.

Mamimiss ko sya.Ang sakit sakit mawalan na Nanay,wala na kong tatawaging 'Mama'.Wala na ang nanay ko na nagpalaki sa akin.Ang Mama ko na pinagtatanggol ako at mahal na mahal ako.Ang Mama ko wala na,iniwan na ko.

At mas masakit pa ay nagkagalit pa kami.Hindi ko man lang siya muling nakausap,hindi man lang kami binigyan ng oras na makasama namin ang isa't isa.

Binurol si Mama sa bahay namin ng isang linggo,sa loob ng isang linggo ay hindi ko makuhang kumain at maging masaya.Ilang araw akong iyak ng iyak.Hanggang dumating ang araw na ililibing na siya.
Hawak ko ang isang pirasong red na rose at dahan dahang lumapit sa kanya.

Nakapikit parang natutulog lang.Pero kahit kailan hindi na gigising.

"Mama...mahal kita,Mamimiss ko po kayo.Sana,sana masaya na po kayo kung nasaan man kayo.I want to say sorry...sorry kung hindi ko pinakinggan ang payo nyo,sorry kung sumuway ako.Mama,mama ko ang hirap hirap sabihin pero paalam.Naiintindihan ko po kung hindi nyo na kinaya,sayang nga po dahil hindi ko kayo naalagaan.Hindi ko na kayo nakasama,Mahal na mahal ko po kayo at kahit kailan hindi magbabago ang pagmamahal ko sa inyo.Kayo po ang buhay ko ang kasiyahan ko at ang kahinaan ko.Hindi po ako nagsisisi na kayo ang naging Nanay ko ang totoo nga po nyan ang saya saya ko dahil kayo ang naging Nanay ko...dahil kayo ang tinatawag ko Mama.I love you,Ma"pinunasan ko ang mga luha ko at nilaglag ang hawak kong rose kasabay ng pagbagsak ng rose ay ang pagbagsak ng luha ko.

"Paalam po"

Naramdaman kong niyakap ako ni Hiro pinapatahan niya ako pero hindi ko magawa dahil ang sakit sakit ng damdamin ko.Nahihirapan ako,nasasaktan.

~°°°~

Ilang buwan na ang lumipas pero hanggang ngayon masakit parin para sa akin.Gabi gabi akong umiiyak at gabi gabi rin akong pinapatahan ng asawa ko,awang awa na nga siya sa akin kaya lahat ginagawa niya para lang mapatawa ako.

"Autumn mahal gusto mo ba bukas bisitahin natin ang mama mo?"tanong niya,tumango naman ako dahil gusto ko naring puntahan ang mama ko.

"Sige na matulog ka na,maaga pa tayo bukas"

"Salamat Hiro"nakangiting sabi ko bago pinikit ang mga mata ko.

Kinabukasan ng hapon ay nagpunta nga kami sa sementeryo,sinindihan ko ang kandila at nilagay naman ni Hiro ang bulaklak na binili namin kanina.

"Hi Mama,kamusta na?masaya ba dyan?"tanong ko.

"Sana masaya ka dyan.Mama sana po nandito kayo sa tabi ko nahihirapan po ako na tanggapin ang pagkawala nyo pero naiintindihan ko naman kung bakit nyo ko kailangang iwan. Mama may maganda po akong balita sa inyo,magkakaapo na po kayo.Isang baby girl,sayang nga po kasi hindi ka na niya makikilala.Ma...sige po mauuna na kami ni Hiro,mahal na mahal ko po kayo Mama at miss ko na kayo"

"Tara na?"tanong ni hiro,tumango ako kaya naglakad na kaming dalawa papalayo sa puntod ni Mama.

Mama...hanggang sa muli paalam.

The end.

One-Shot StoriesWhere stories live. Discover now