chapter six

2 0 0
                                    

CHAPTER SIX

"So, how's your 'date' with your old man?" Agad na tanong ni Phoebe nang magkita sila nito sa airport. Araw ng flight nilang pareho papuntang manila. Hindi kasi ito nagpakwento sa cellphone, gusto nito sa personal dahil anya ay titingnan nito ang reaksyon niya kung kagaya pa rin ng dati.

Awtomatiko naman siyang napangiti rito. "Old man? Oy grabe na yan uh? He's just 30." Natatawang pagtatanggol niya kay Aiden.

Pinanlakihan naman siya nito agad ng mga mata sa naging reaksyon niya. "Oh my god! At bakit pinagtatanggol mo na siya?! Tell me, anong nangyari nong isang araw?" Usisa nito.

"Hahaha! Nakakatawa ka! Hmm... It was a nice wholesome-funny date." Nakangiti niyang sabi.

"Oy Keera wag mo akong dinadaan sa general description, gusto ko detailed." Sabi ni Phoebe.

"Hahaha! Basta tsismis no? Gustong gusto mo!" Pang aasar niya pero hindi nito pinansin yon bagkus ay pinandilatan ulit siya ng mata. "Fine, it was a better date kahit isang oras lang. We ate at the fast food chain, nagkwentohan ng kung ano ano saka... Hahaha!" Hindi niya napigilang matawa nang maalalang pinagpawisan si Aiden.

"What?" Takang tanong naman ni Phoebe na nakikinig sa kanya.

"Never in my whole life that I made a man nervous until I met him. Haha!" Natatawa pa din niyang kwento. "Alam mo bang pinagpawisan siya ng matindi kahit malamig ang loob ng mall?" Natatawa niyang sabi.

"What?! Hahaha! Talaga? Bakit?" Natatawa na ding tanong ni Phoebe.

Nagkibit siya ng balikat.

"Sabi niya dahil kaharap niya ako." Sabi niya saka tumawa ng bahagya. "Nakakatawa nang maglabas siya ng panyo at nagpunas ng pawis sa noo, habang ako naman panay ang tanong kung okay lang siya. Akala ko masama ang pakiramdam!" Masaya niyang kwento habang panay kumpas ng kanyang kamay. Tawang tawa siya habang inaalala ang mga nangyari sa pagkikita nila si Aiden.

"Hahaha! Baka naman natatae pala yon?" Pabirong tanong ni Phoebe.

"Hahaha! Naisip ko din yan Kaya nga tinanong ko, eh kaso kinakabahan lang daw." Tawa niya pa. "Ang sarap niyang kasama. May sense of humor kahit may edad na. Hahaha!"

"Haha! So, anong naramdaman mo naman?" Seryosong tanong nito.

"Hmm... Wala masyado. Gaya pa din ng dati. Masaya, magaan ang loob sa kanya. I am myself when i'm with him. Alam mo yon, parang ikaw lang kasama ko. Nakakapagtaka nga, hindi naman ako ganon kahit kina Tim nagkaroon ako ng adjustment period. Kay Sydreik, wala. It just comes naturally. Hindi ako nahihiyang mag asal bata sa harap niya." Mahabang sagot niya kay Phoebe habang nakangiting nakatingin sa kawalan at binabalikan ang masayang araw na yon sa mall.

"Tapos ano na status niyo ngayon?" Tanong nito.

"Less than lovers, more than friends?"patanong niyang sagot. "Ewan ko, we're sweet. We care for each other. I'm happy with what we are and hindi ko na rin naiisip yong status niya although i'm aware pero hindi naman ako nakakaramdam ng selos towards his wife so I guess hindi naman ako nahuhulog." Kibit balikat na sagot niya saka tumingin kay Phoebe na para bang hinihingi ang opinyon nito sa kanyang mga sinabi.

"Ano yon you just care for him tapos wala ka ng pakialam kung may asawa man siya o anak pa?" Nagugulohang tanong sa kanya ni Phoebe. Tumango naman siya rito.

"Basta ganon. Wala naman akong pakialam sa status or whatever that concerns him."

"Sa madalig salita Keera, nag eenjoy ka lang."

"Sort of." Nakangiti niyang sagot.

"Hay naku! Kawawa naman pala siSydreik." Kumento nito.

The Second Love StoryWhere stories live. Discover now