Chapter nine

0 0 0
                                    

"Oh, hindi mo na pinatuloy si Aiden?" Salubong sa kanya ni Phoebe pagpasok niya sa bahay nila. Ngumiti siya rito at umiling saka naglakad papunta sa sofa at naupo don kung saan sinundan siya nito.

"Hindi na, gabi na rin kasi. May pasok pa siya bukas."

"I see." Sabi nito. "Ano ba yang mga dala mo?" Usisa nito nang tingnan ang paper bag na inilapag niya sa mesa. "Kanina lang itong isa lang ang dala. Ano tong isa?"

"Dinner natin. Nag snacks lang kami ni Sydreik tapos ayon nagpumilit na bumili na kami ng pagkain. Bawi ko daw dahil ikaw nalang ang nagluluto satin." Nakangiti niyang sagot rito.

Napangiti naman si Phoebe at naupo sa single sofa na nasa gilid niya.

"He's sweet." Kumento nito at awtomatiko nakangiting nilingon niya ang kaibigan.

"He is." Sang ayon niya rito. "He knows how to treat a girl." Nakangiti niyang dagdag.

"Nakita ko nga, and I saw kung gaano siya ka inlove sayo." Nakangiti nitong sabi na nagpatawa sa kanya ng bahagya. Para siyang kinikiliti sa sinabi nito, kinikilig siya walang duda sa bagay na yon.

"And...!" High pitch na sabi pa ni Phoebe at itinaas ang hintuturo nito sa mga mata niya. "I saw how those eyes glittered! Ang tinginan niyo, my god! Parang kayo lang ang tao sa buong mall!"

"Hahaha! Ang OA huh? Napapangiti lang ako sa kanya...saka, I love looking at those eyes. Parang may magnet.." Sabi niya na animoy sarili ang kausap habang nakapangalumbaba pa.

"Once na tiningnan ko, I can't take off.." Sabi niya na bahagyamng nabahiran ng lungkot ang boses.

"Oh, bat bigla ka namang nalungkot dyan?"

"I was just thinking if... If he's gone. Will I still be able to smile and laugh like this?" Seryoso niyang tanong kay Phoebe na hindi naman agad nakasagot sa kanya.

Ngumiti siya ng mapait dito at umiling.

"Probably not." Sagot niya sa sarili niyang tanong at saka napakagat ng kanyang sariling labi para pigilan sana ang sariling maiyak pero tumakas pa din ang ilang butil ng luha sa mga mata niya. "I'm so happy with him Phoebe..."

"Hay... Yan na nga ba sinasabi ko eh." Sabi ni Phoebe na mabilis siyang tinabihan para pakalmahin. "Just cry, it will help ease the pain. Sabi ko di ba, you will fall." Sabi ni Phoebe sa kanya. Napayakap naman siya sa kaibigan at napaiyak nalang.

Pakiramdam niya hindi siya makahinga at sa tuwing naiisip niya na isang araw ay mawawala ito, kusa na lamang siya naiiyak.

"I love him Phoebe... I love him so much.." Sabi niya sa pagitan ng hikbi.

"Pwedi mo naman siyang mahalin kahit hindi kayo..kasi Keera hindi talaga pwedi si Aiden." Sabi sa kanya nito.

Alam niyang naiintindihan siya ni Phoebe, naiintindihan din niya ang punto nito. Kahit siguro siya ang nasa katayuan nito ngayon, yon din ang kanyang sasabihin pero sa mga sandaling yon? Hindi niya kayang mag isip para pagaanin ang sariling damdamin.

"I know.." Mahina niyang sagot.

"But! Mas maganda pa din na maghanap ka ng bagong mamahalin. Yong pwedi mauwi sa union of marriage. Not a temporary happiness."

"Bakit ba umiiyak ka ngayon? Naghiwalay na kayo?!" Tanong ni Phoebe na tiningnan siya. Humiwalay naman siya rito at pinunasan ang luha sa kanyang pisngi.

"Hindi... Pero ilang araw nalang di ba?" Tanong niya at tumango naman si Phoebe.

"More than a week. Anong plano mo?"

The Second Love StoryWhere stories live. Discover now