Chapter 17: My All

1.9K 94 1
                                    

[A/N: OKAAAAY! WALANG SEX SCENE! HAHAHAHA WAG NAAAAA!]

Jordan's PoV

Nagising ako na masakit ang puwitan ko. First time kong nakipagsex sa lalake. Bonus pa ata yung hindi ko pa siya kilala.

Bumangon ako pero wala na si Hans sa tabi ko. Napansin kong may damit na nakatupi. Nakapatong sa maliit na drawer. May nakadikit na note sa ibabaw.

"Rise and Shine! Ito muna suotin mo. You can take a bath. Lalabas muna ako. Dry clean ko lang yung suit mo." yan ang sabi sa sticky note.

Kinuha ko yung towel na nakatupi at nagpunta na sa CR. Naligo at naghugas na ako ng dapat na hugasan.

Nawala ang virginity ko. Sa isang stranger pa. Di ako makapaniwala na ginawa ko yun. Bakit ba naging ganito ako? Nasaktan lang naman ako pero ito na ang ginawa ko.

Ipinagsa-walang bahala ko nalang ang iniisip ko. Kakanta nalang ako habang nagsho-shower.

♬♪♩
I am thinking of you
In my sleepless solitude tonight
If it's wrong to love you
Then my heart just won't let me be right
'Cause I've drowned in you
And I won't pull through
Without you by my side

I'd give my all to have
Just one more night with you
I'd risk my life to feel
Your body next to mine
'Cause I can't go on
Living in the memory of our song
I'd give my all for your love tonight

Nagpunas at nagtapis na ako. Lumabas na ako ng banyo at nagbihis. Pinagpatuloy ko na ang kinakanta ko.

Baby can you feel me
Imagining I'm looking in your eyes
I can see you clearly
Vividly emblazoned in my mind
And yet you're so far
Like a distant star
I'm wishing on tonight

Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa sala. Baka dumating na si Hans. Habang naghu-humming sa tono parin ng kanta, ay may napansin nanaman akong sticky note sa mesa.

"Kumain ka muna. Nagluto ako ng crab soup. Initin mo nalang kapag malamig na." Yan ang nakasulat sa sticky note.

Ininit ko na yung crab soup at nagpatuloy na sa pagkanta ulit. "

I'd give my all to have
Just one more night with you
I'd risk my life to feel
Your body next to mine
'Cause I can't go on
Living in the memory of our song
I'd give my all for your love tonight

"Galing mo talaga kumanta. Ang ganda ng boses mo." isang boses ng lalaki mula sa likod ko. Si Hans.

Hindi ko siya pinansin at pinatay na yung kalan. Isinalin ko na sa dalawang mangkok yung crab soup.

"Oh ayan. Sabayan mo ako kumain." alok ko.

"Okay. Sure! Thank you."

Nagsimula na kaming kumain. Tahimik lang ang paligid nang magsalita siya.

"San pala ang bahay mo? Ihahatid na kita." sabi niya.

"Sa Iloilo ang bahay ko. Ihahatid mo parin ako?"

"Di nga?! Seryoso ka?!"

"Oh diba? Hindi mo rin gagawin kaya wag kana magsalita diyan." naalala ko si Daryl. Hindi niya nalang sana sinabi kung hindi niya rin pala gagawin. Walang kwenta.

"Okay sige. After mong kumain diyan, ihahatid kita sa Iloilo."

Siraulo ata to. Sira na ulo nito.

"Hindi na. Malapit lang naman dorm ko."

"Ihahatid parin kita."

Hindi na ako umangal pa. Hindi ako pabebe para umangal pa.

Natapos na kaming kumain at nagbihis siya. Suot ko parin yung damit na hinanda niya kanina.

Hindi kami naguusap ngayon dito sa sasakyan niya. Parang awkward tuloy ng atmosphere ngayon.

"So, san ka pala galing kagabi?" tanong niya. Siya na ang bumasag ng katahimikan.

"Sa date."

"Hmm. Eh bakit ka umiiyak kagabi?"

"Hindi ko alam."

Hindi na siya nagtanong pa ulit hanggang sa makarating na kami sa school. Bumaba na ako at inabot niya sa akin ang mga damit ko.

"Salamat. Lalabhan ko nalang tong damit mo. Iiwan ko nalang sa pinto mo." sabi ko.

"Okay. And don't forget na pananagutan kita. Ingat ka."

Hindi ko na inintindi yung sinabi niya. Umalis na siya at babalik na ako sa dorm ko. Pero nang lumingon ako ay tumambad ang matangkad na pangangatawan ni Daryl.

"San ka nagpunta?! Bakit wala ka na sa loob pagbalik ko?! Alam mo ba kung gaano ako nagalala?!" galit niyang sabi.

Alam mo ba kung ano ang nararamdaman ko?!

"Nakitulog ako sa bahay ng kaibigan ko."

"Bakit mo ako iniwan doon magisa?!" galit parin siya.

Galit na galit naman ako. Pero pinilit kong huwag ipakita yun. Talaga ba Daryl? Sino sa atin ang nangiwan?

"Nagyaya kasi siya na tumambay. Tsaka mag coffee."

Tumambay ako sa ere. Kung saan mo ako iniwan.

"Nagalala lang ako. Atleast safe ka."

Nagalala lang din ako para sa sarili ko.

"Sige salamat."

"May sasabihin din pala ako. Ititigil ko na yung panliligaw ko sayo. Sorry."

Ano pa bang ieexpect ko? Alam ko na sasabihin mo din yan. Kung alam mo lang na narinig ko ang usapan ninyo, edi sana hindi ka na nag abala na sabihin yan sakin ngayon.

"Okay lang! Makakahanap din ako ng iba. Yung taong hindi ako gagawing panakip butas lang." sabi ko. Ang ironic lang dahil nakangiti ako habang sinasabi ko yan. Tinapik-tapik ko pa yung balikat niya kahit ako yung nasasaktan.

Naglakad na ako papunta sa school dorm. Nakayuko at umiiyak. Iniiwasan kong humikbi para walang makahalata. Pilit na pinipigil ang pagtulo ng luha.

Naglalakad parin ako ng nakayuko pero pinigil ko na ang pagluha ko. This isn't getting any better if you were worst than what you feel. Useless na ang pagiyak. Wala na akong magagawa.

Nakarating na ako sa tapat ng dorm ko. Pero nandito si Dom. Natutulog.

"Jensey! Gising na diyan!" sabi ko. Sinamahan ko pa ng kalabit para magising talaga siya.

Tumayo siya at nagayos ng sarili. Halatang dito siya natulog.

"Hinihintay kita. Tinawagan kita pero ang sabi mo makikipagsex ka. Kanino? Kay Daryl?!" sabi niya na punong puno ng pagaalala. Siya pala yung tumawag sa akin.

"Wag mo na intindihin yun. Tumigil ka na din sa panliligaw kasi hindi na ako virgin."

Ganyan naman kasi kayong mga lalaki, malaman niyong hindi kayo ang nakauna iiwan niyo din. Kaya mas pinili kong maging tahimik nalang buong buhay ko. Hindi nalang din sana ako kumanta.

Binuksan ko na ang pinto at pumasok na. Nasa tabi parin si Dom at hindi na nagsalita. Sinarado ko na ang pinto nang magsalita na siya.

"Virgin ka man or hindi. Tanggap kita! Tinanggap at minahal ko nga ang baklang tulad mo, bakit ako titigil dahil lang nawala ang virginity mo at hindi ako ang nakauna sayo. Sana iconsider mo tong nararamdaman ko. Hindi lang sana puro sarili mo."

Ang Baklang Hopeless Romantic (GayxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon