Chapter 18: Regret in your tears

2K 97 5
                                    

Jordan's PoV

Isang linggo ang lumipas. Ngayong araw na din yung competition. Hindi kami nagpapansinan ni Daryl. Si Dom naman ay hindi nagpapakita. Isang linggo siyang nawala sa paningin ko.

Nagpunta ako sa lugar kung nasaan yung mga aso ni Dom. Matagal ko na din silang hindi nakikita.

Hindi pa ako nakakalapit sa dog house ay sinalubong na ako ng dalawang aso ni Dom. Mukhang namiss nila ako.

Sumaglit lang ako para makita sila. Kailangan ko lang naman ng kaunting uplift para sa competition mamaya. Sa totoo lang, wala pa akong piyesa. Masyado akong nagulo ng mga pangyayari nitong nakaraang linggo.

"Ready ka na ba para mamaya?" lumingon ako para malaman kung sino yun. Si Alessa pala.

"Oo ready na ako."

"Tara na sa sasakyan. Aalis na tayo." hindi kasali si Alessa sa competition. Pero dahil secretary siya, kailangan niyang sumama.

Ibinalik ko na yung mga aso sa dog house nila. Sana magsalita sila at sabihing 'Goodluck!'. Naglakad na kami ni Alessa papunta sa sasakyan.

Nang binuksan ko ang pinto ng van ay nasa loob na si Dom. Nakapikit at suot-suot ang kanyang headset. Hindi siya lumingon sa akin. Masyadong malakas yung tugtog na nagmumula sa headset niya.

Sumakay na ako at pinili kong maupo nalang sa likod ng van. Masyadong malaki naman ata ang Hi-ace para sa aming apat. Pero di bale na, atleast may distansya ako kay Daryl.

Nagpatugtog nalang din ako at ipinasak ang earphones sa aking tenga. Saglit lang din ang lumipas at sumakay na din si Daryl. Hindi ko na siya tinignan habang papasok siya sa loob. Iniiwasan kong magtama ang paningin namin. Pumikit ako nagkunwari na natutulog. Kasama niya pala si Micaiah. Good yan!

Tatlong oras ang biyahe namin. Since regional meet yun. Malamang sa lugar kung saan malayo gaganapin ang competition.

May tig-isang kanta kaming kakantahin. At isang kanta na impromptu namin kakantahin. May piyesa na silang dalawa, ako wala pa. Ano nalang ang mangayari sa akin mamaya?

Bumaba na kami ng sasakyan sa tapat ng venue. Sinamahan naman ni Alessa yung driver para magpark ng van. Naglakad papunta si Dom papunta sa bench para umupo. Gusto kong sumunod pero bakit ko gagawin yun? Guilty parin ako sa sinabi niya. Tama siya, sarili ko lang ang iniisip ko.

"Jordan. Magusap tayo." si Daryl. Nakatulala lang ako sa kanya. Nasa bench si Micaiah malapit kay Dom. Nakatingin lang siya kung saan kami nakatayo.

"Im sorry." sabi ni Dom. Dapat lang naman na mag sorry siya. Pero bakit may kasamang luha?

"Nagsisisi ako sa ginawa ko sayo. Sorry talaga." tuluyan na siyang umiyak. Kahit masakit, naiintindihan ko siya kung bakit. May nakaraan sila ni Micaiah. And it seems like both of them are still holding on each other. Hindi ako kontrabida para pigilan silang dalawa.

"Sinabi ko namang okay na. Bale wala sa akin yun. Hindi naman ako apektado." Sa totoo lang, apektado ako.

"Sige na, puntahan mo na dun si Micaiah. Bibili pa ako ng pagkain." dagdag ko.

Hindi ko na hinintay na magsalita pa siya. Tumalikod na ako at naghanap ng makakain. Nagpunta ako sa isang stand na Cob corn and hotdogs ang binebenta. Bumili ako ng cob corn at isang softdrinks. Umupo ako sa bench para kumain.

"Hey! It's nice to see you here! Namiss kita." tumingala ako sa lalaking nasa harapan ko. Si Hans.

"Isa ka pala sa mga representative ng school niyo? Ineexpect ko na yun. Maganda ang boses mo at magaling ka pa kumanta." sabi niya. Hindi ako nagsalita dahil nginunguya ko yung mais na kinagat ko.

Ang Baklang Hopeless Romantic (GayxBoy)Where stories live. Discover now