Chapter Six

8.4K 336 50
                                    

Chapter Six

Six Years Ago...

Winry

"LOOK AT this bad girl!"

Hindi ko mapigilang matuwa at mapa-ngiti habang pinapakita sa akin ni Ivo iyong bago niyang Night Rod Harley Davidson na nabili niya mula sa ilang taon niya na pag-iipon at paghahanap ng trabaho.

Ivo's family is crazy rich. Pero hindi siya nasu-suportahan nang maayos ng mga magulang niya sa mga luho niya sa buhay. He sometimes getting pampered by his abuelo and abuela. Pero nangyayari lang iyon kapag nakaka-kumpleto si Ivo ng ilang buwan o taon na hindi ito napapasok sa gulo—which is very, very rare.

Sinabi sa akin ni Ivo na elementary pa lang ay nag-iipon na siya para mabili ang dream motorcycle niya. I remember trying to lend him some money para mapa-bilis ang pag-iipon niya at mabili na niya iyong motor na matagal na niyang gusto. But he declined the offer and told me that he can handle.

And now he has it and he looks like the happiest man in the world.

"Do you want to test this?"

"Hindi ako marunong mag-drive ng motor." Mabilis na tanggi ko.

Nagpakawala siya nang maiksing tawa. "I know. Silly! I'll drive."

Nagulat ako nang ibato ni Ivo sa direksyon ko iyong helmet na kasama doon sa motor saka siya pinanood na sumakay na sa ibabaw no'n at sinimulan nang paganahin iyong makina ng sasakyan.

"Ano na?" Taas-kilay pa niyang tanong sa akin nang mapansin na hindi ko pa rin sinusuot iyong helmet.

"Iisa lang ang helmet natin, Ivo." May pag-aalalang sabi ko pa.

"And?"

"And? Anong gagamitin mo?" Hindi maka-paniwalang sabi ko.

"I'll be fine!"

"No you will not!" Pagdidiin ko saka ako na mismo ang naglagay ng helmet sa ulo niya at ni-lock ang strap no'n sa baba niya.

"What will you use then?"

Sandali akong nag-isip bago ako nagdesisyon na sumakay at sumpa doon sa likod ng motor niya, pinulupot ang mga braso ko doon sa baywang niya at saka ko ipinahinga iyong mukha ko doon sa likod niya.

"Just drive safely and I'll be fine."

Muli akong nakarinig ng mahinang tawa sa kanya. "You know I don't do safe, princess."

"But you can always try." Sagot ko, pinatong ang baba ko sa likod niya para magtama ang mga tingin namin doon sa isa sa mga side mirror no'ng motor niya at saka siya binigyan ng matamis na ngiti.

I heard him growl in pain, kick the stand out and position himself, ready to drive.

We spent the rest of the day riding his new motorcycle. Have a joy ride with no specific destination and just enjoy every passing moment together.

"Put your hands down, you crazy woman!" Natatawang sigaw ni Ivo nang itaas ko ang mga kamay ko sa ere at bumitaw sa kanya.

"You can't make me!" Natatawang asar ko pa sa kanya na siya rin naman niyang ikinatawa.

Nang lumubog na ang araw, nakita namin ni Ivo ang sarili namin sa isa sa mga beach sa Batangas, kissing under the moonlight, feeling the cold breeze in the air while still on top of his motorcycle.

"What can I do without you?" Wika ni Ivo matapos niyang pakawalan ang labi ko, his thumb brushing my face.

"You can do anything because I won't leave you."

His Personal Property (Mondragon Series #4)Where stories live. Discover now