Chapter Two - Playing Detective

25.8K 645 46
                                    

      Si Mrs. Benitez ang tumatawag.

  “You have to get ready now. Ngayon ka na magsisimula,” at pinaliwanag ang una niyang task. May susundan siyang kotse. “I left the car that you will use in Alabang Town Center’s parking lot. My driver is waiting for you there to hand you the key.”

   Wala nang panahong mag-disguise pa ang dalaga. Lumabas itong nakamaong,-t-shirt na kulay rosas at itim na rubber shoes. Kung tutuusin walang gaanong ginawa sa mukha si Stephanie. Konting pulbo lang at pahid ng kulay rosas ding lipstick sa labi ngunit para sa mga nakakasalubong nitong kalalakihan sa pasilyo ng gusaling tinitirhan ay mukha itong dyosang bumaba sa langit.

   Saktong alas otso y medya nang iluwa ng gate ng Ayala Alabang Village ang Mercedes Benz ni Ali. Hindi kita ng dalaga kung sino ang nasa manibela dahil tinted ang kotse pero ayon sa mama nito umalis mag-isa ang binata.

    Medyo may kabagalan na ang daloy ng trapiko ng mga sandaling yon. Kaya pinadistansya muna niya ng konti ang sasakyan ng binata para di siya halata. Nagkunwari pa siyang nasiraan ng kotse. Tinaas pa kasi niya ang hood at kunwari'y may binubutingting. Pero pasimpleng sinusundan ng tingin ang sasakyan ni Ali. May kung ilang kalalakihan ang nag-alok ng tulong sa kanya. Pero tinanggihan lamang niya habang nakangiti. Ano naman ang kukumpunihin ninyo?

   Nang mapansin ni Stephanie na bumibilis na ang usad ng trapiko ay dali-dali niyang binaba ang hood ng kotse at pumasok na. Sa mga nakakakita sa kanya,  aakalain talaga na nagawan niya ng solusyon ang problema ng sasakyan. Andami niyang napabilib na guys. Kaya marami-raming male drivers ang napapasulyap sa gawi niya. Wala namang kamuwang-muwang sa nakukuha niyang atensyon ang dalaga. Nakapokus kasi siya sa kay Ali.

    Nang makita ni Stephanie na pumasok sa parking lot ng Ayala Mall ang sinusundan ay ganoon din ang ginawa niya. Ilang sandali pa ay nakita niya itong bumaba ng kotse. Pinalayo niya muna ito nang kaunti bago magpasyang lumabas na rin ng sasakyan.

    Nakita ni Stephanie na pumasok sa loob ng mall ang binata. Dahil maraming tao sa loob, nawala itong bigla sa kanyang paningin. Kaagad siyang nag-panic. Napalinga-linga siya sa paligid. Kinabahan. Sising-sisi niya ang sarili kung bakit pinalayo-layo pa niya ito nang kaunti. Sana ay dinikitan na lamang niya. At kung pagdudahan  siya ay puwede naman niyang gamitin ang kanyang girl power. Ngitian ito ng husto at magpa-cute. It had worked well with guys in the past.

    Palinga-linga ang dalaga habang naglalakad. Hinahanap ang matangkad na binata. Hindi naman siguro siya mahihirapang makita ito dahil namumukod-tangi ang kantagkaran nito. Nang may makita siyang matangkad na lalaki sa di kalayuan ay nabunutan  siya ng tinik. Halos lakad-takbo na ang ginawa niya only to be disappointed. Mukha itong holdaper nang humarap. Yong tipikal na goon sa mga action movies. Balbas-sarado at mukhang mabaho.

    Hay, naku! Palpak kaagad ang first assignment niya. Tiyak, hindi na masusundan ang raket niyang ito. Baka sisihin pa ni Mrs. Benitez si Mrs. Legaspi na siyang nagrekomenda sa kanya dito.

    Accidental lang ang nagawa niyang trabaho kay Mrs. Legaspi. Problema din sa anak na lalaki ang nagtulak sa ginang para kunin ang kanyang serbisyo. Kakaiba naman ang trabaho niya sa huli. Nais lamang nito na mawalan ng gana sa pagpapari ang bunsong anak dahil ito lamang ang kaisa-isang anak na lalaki, ang siyang inaasahang magpaparami ng angkang Legaspi.

    Nagkakilala sila ni Mrs. Legaspi sa NAIA dahil siya ang nakapulot ng nawala nitong bag na may lamang halos isang milyong piso. Papuntang Tuguegarao ang matrona nang mga panahong iyon para tingnan ang lupang inaalok sa kanya ng isang kamag-anak. Samantalang siya nama’y papuntang Cebu para sa isang training. Nang malaman ni Mrs. Legaspi na isa siyang boksingera ay talagang namangha ito. Wala daw sa hitsura niya. Ang buong akala nga daw ay isa siyang ramp model.

OPLAN: Ali Benitez! (COMPLETED)Where stories live. Discover now