Chapter Eleven - The Confrontation

24.9K 617 46
                                    

         “Oh, that’s perfect. We’ll get that for you,” ang sabi ni Marco sa damit na isinukat niya. Isang black dress na umabot lang ng hanggang kalagitnaan ng hita. Maiksi ang manggas nito kaya litaw na litaw ang well-defined niyang mga braso. Hapit na hapit ito sa katawan kaya kitang-kita ang kanyang magandang pigura. Dinagdagan pa ng mababang ukab  sa harapan na nagpalitaw ng kanyang cleavage. Hindi naman ito masagwang tingnan. Lalo pa’t maamo ang kanyang mukha na tila anghel. Maganda rin ang sapatos na pinili ng binata for her. Isang four-inch stilleto na may maninipis na strap. Bagay sa shapely niyang mga paa.

      Nang umikot-ikot siya sa harap ng salamin, daig pa niya ang isang ramp model. Ang sabi nga ng gay designer, may potential siya sa ramp modeling lalo pa’t may height siya. Ba’t di daw niya subukan. Nginitian lang niya ang bading. Dahil never niyang pinangarap iyon.

      Gagamitin niya ang naturang outfit para sa launching ng bagong clothing line ni Marco mamayang gabi. Ito ang bagong baby ng binata. Magkasosyo din sila ni Ali. Pero mas project ito ni Marco dahil mas mahilig ito sa damit kaysa sa kaibigan. 

      Natigilan si Ali sandali nang makita kung sino ang pababa ng hagdan. Tila may isang diyosang bumaba mula sa langit. Na-mesmerized ang binata. Napatanga sa magandang dalaga. Ganoon din ang kausap niya.

      Bumalik lang sa kasalukuyan ang diwa nang nakita nitong nilapitan ng kaibigan ang bumaba. Inalalayan pa ito na parang isang prinsesa. Nagtagis ang kanyang bagang. Tila sinusukat ng babae ang kanyang pasensya.

      Nakita niyang pinakilala ni Marco sa mga kaibigan ang babae. At lahat halos ay napapatanga. Lalo pa’t ito ang pinakamatangkad na babaeng bisita. Mas matangkad pa sa reigning Miss Philippines na dumalo sa event.

      “I’ve warned you already,” anas ng isang pamilyar na tinig.  Napapitlag si Stephanie. Hindi niya napansin ang paglapit ni Ali. Nasa tagiliran na niya ito pala.

      “I don’t work for you anymore,” walang kagatol-gatol na sagot ni Stephanie. Hindi siya pasisindak.  “Kaya huwag mo na akong manduan.”

      “Ah, ang tapang mo na ngayon. Dahil ba sa nabilog mo na ang ulo ng kaibigan ko?”

      “Hindi. Dahil naisip ko, kung magpapakabait lang ako sa yo, lalamunin mo ako ng buhay.”

      “Lalamunin? Hindi ---kakainin?” may himig panunudyo ang boses nito. Saka nginitian siya nang parang may nais ipahiwatig.

      “Ang bastos mo!”

      Tinaas nito ang dalawang kamay na animo’y sumusuko. “Ooops, I didn’t say anything. Ikaw yata ang bastos mag-isip,” nakangisi na ito.

      Pinamulahan si Stephanie. Mabuti na lang at dumating si Marco.

      Pagkaraan ng ilang sandali, sinimulan na ang programa. Pinarada ng mga naggagandahang modelo ang clothing line ni Marco. Masigabong palakpakan ang sumalubong sa kada isa. Lalo na ang suot ni Sheena Miller at Paula Marquez. Halos panty na lang ng dalawang babae ang natatakpan ng kanilang damit. Backless ito at umbok lang ng pang-upo ang covered. Sa harap naman ay mababang-mababa ang ukab na nagbigay ng ilusyon na malaki ang hinaharap ng modelo.

      Pagkatapos ng pagrampa, nakita ni Stephanie na lumapit si Paula kay Ali. May ibinulong. Naghagikhikan ang dalawa. Bwisit na bwisit ang dalaga. Kulang na lang ay lapitan niya at sabunutan ang babae. Ang landi!

      Nakita niyang umalis sa umpukan ang dalawa at pumasok sa mansyon. Dumagundong ang kanyang dibdib. Saan pupunta ang dalawa? Gusto niyang sundan ang mga ito. Pero papano? Baka makahalata si Marco na nasa tabi niya.

OPLAN: Ali Benitez! (COMPLETED)Where stories live. Discover now