Chapter 19- Harana 1.o.1

6.4K 116 0
                                    

KHYLIAN'S POV

Tinutulungan ko sina Nanay Elsa at Anastasia sa paghahanda ng hapunan. It's nice to be back home, ganito ang feeling kapag nasa probinsiya ka. Masarap ang handa ngayon, dahil may pansit, lumpia shanghai, kaldereta, menudong baboy, nilagang baka, sisig pati meat balls. Ganito raw kasi ang handaan sa bahay ni Nanay kapag mayroong bisita. Si Nanay Elsa, si Tatay Cardo, yung apo niyang maliit na anak ng panganay niyang anak na nasa Bulacan, at si Anastasia lang usually ang nandito sa bahay. Si Marcus, bihira lang kasi raw yung umuuwi.


"Tao po! Tao po!" napalingon kaming tatlo ng sabay sa tao sa labas.


"Ako na po," alok ko, sabay takbo sa labas habang pinapahid pa sa apron yung mga kamay ko. Pagbukas nang pagbukas ko ng pinto, ay isang magandang babae na kasing puti ng nyebe ang kanyang kutis ang sumalubong sa akin ng ngiti. Naka-sout siya ng off shoulder floral black dress. Not to mention, anak mayaman siya sa kanyang tindig at anyo pa lang at magkasing edad kami na makikita mo pa lang sa itsura. 

"Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?" CHAR, Tagalog yun, ha.


"I am looking for Nanay Elsa, pero si Marcus talaga ang sadya ko. I'm Elena, the Mayor's daughter. Marcus' girlfriend," ah, okay, why does she mentioning infos like that? Do I care?

"Ah...sige tuloy ka. Wala kasi si Marcus ngayon, nandun sa bayan, pero huwag kang mag-aalala, makakabalik din 'yun maya-maya."

"Sige, salamat," ala-senyorita siyang pumasok sa loob, at pumunta sa kusina na para bang kabisado na niya talaga lahat-lahat sa bahay na 'to. Ngumiti at tumango ako sa dalawa niyang bodyguard na may dalang pizza box, at Goldilocks. May okasyon ba?

Ewan. Sinasalubong siguro ang pagdating ni Marcus.

Pagbalik ko, yakap yakap na ni Elena si Nanay Elsa na sobrang nasisiyahan sa pagdalaw ng babae. Kanina na sobrang na-beat ni Anastasia ang energy gap, ngayon parang na micro-nutrient deficiency siya sa presensiya pa lang ni Elena.

"Sorry po talaga, Nanay kung ngayon lang ako naka-dalaw. May family reunion kasi kami dun sa Batangas nung dumating si Marcus."

"Okay lang 'yun, nak. Ang mahalaga, nakadating ka para bisitahin siya. Sabi ko sa kanya na siya na ang dumalaw sa'yo, ang kaso, naging busy rin kami sa hospital para tingnan ang Tatay Cardo mo," mukhang tanggap na talaga ng pamilya si Elena, ha.

"Oo nga pala, kamusta na po si Tatay."

"Yun, nagpapagaling. Pero sabi ng doktor, okay na naman siya, nak, kaya wala tayong dapat ipag-aalala."

"Okay po," kumalas siya sa mga hawak ni Nanay, saka kaming dalawa ni Anatasia na magkatabi na nanunood lang sa kanila ay tiningnan niya kaagad. "Oh, hi, sister in-law. Kamusta ka na naman, how's school?" sapakin ko tong babaeng 'to, parang naghahamon siya kay Ana.

"Okay lang po, Ate."

"Good, so now, Ate na tawag mo sa akin..."

"Alangan, wala akong choice," bulong ni Ana sa sarili niya na ikinangiti ko.

"At ikaw sino ka naman?"

"Ah, asawa 'yan ni Mr. Santos, yung si Yasser na anak ng amo ko dun sa Maynila, nak. Dinalaw nila si Cardo."

"Hi, I'm Janah, it's nice meeting you, Elena," magalang na magalang kong abot ng akmay sa kanya, at tinanggap niya naman iyon na ngumiti ng peke. AKTINGAN PA MORE.

Marrying The Engaged Man {Complete}Where stories live. Discover now