Chapter 34- The Chemistry and Twist

7.8K 101 2
                                    

Chapter 34- The Chemistry and Twist

THIRD PERSON'S POV

"I'm sorry, sis. I did not fulfill my promise to you, I can't obey what you wish and hope for. Father got them. Nabigo kita, nabigo ko ang anak mo," nasa harapan ngayon si Thione, umiiyak nang umiiyak sa malaking potrait ng half sister niyang si Avieh Marea Monteverdi, ang Mommy ni Kay at Janah. Na namatay hindi sa panganganak ng kambal, dahil sa pagsuyaw niya sa ama niya.

Dahil sa galit at puot ng nararamdaman ni Don Ignacio Monteverdi ay nagawa niyang iutos na patayin ang anak niya. Si Thione ay anak ng isang Greek lady na aksidenteng nabuntis ng Don noong ito ay labas-masok sa club na dahilan na rin sa pagkawala ng asawa nito nang nasa edad eighteen years old palang si Avieh. Nalaman ni Avieh na may kapatid siya nung twenty-three siya, a four-year old Thione.

Nasasaktan siya sa katotohanang hindi niya naprotektahan ang mga pamangkin niya.

Iniisip niya na isa siyang malaking failure.

Maliban diyan, hindi niya talaga nakuha ang babaeng minamahal niya, who is Alessa.

Hindi sila nakapag-usap nung nasa hospital dahil biglang dumating ang mga magulang ng babae kasama si Leesandro. Ang tanging nagawa niya lang noon ay umalis at ipaubaya sa tatlo ang oras. Nalaman na lang niyang balak palang mag-Paris ni Alessa at doon na ipagpatuloy ang pag-aaral nito.

He can't stop her dreams, and ruin it. He just can't.

Nalilito siya kung ano ang gagawin.

Kagabi, he proposed to his father that he can give him a grandson with a Monteverdi blood, just to free Kay and Janah. He convinced his father of the proposal, but baring his son with Alessa's sister, and marry her instead.

Nagsisisi siyang na-late siya ng propose ng dalawang araw, yan tuloy, napasok sa mundo nila si Kay at Janah. Ang ayaw na ayaw ng Ate niya na mangyari. Ang malaman ng mga pamangkin niya ang mga ganitong uri ng trabaho. Wala siyang magagawa, nakatapak na silang dalawa sa malaking palasyo ng ama niya, the palace of the mafia.

Ngayon, he's ready for the wedding preparations and meeting with Sandra's family who is Alessa's family too. Papunta na siya sa malaking kwarto na tinutuluyan ng kambal, na mangyayaring kasama rin ang mga ito sa family lunch na mangyayari ngayon. Susunduin niya lang.

"I'm sorry, Alessa, your dreams are more important than me. Someday, darling, God will give us the chance to be with each other's arms," baliw na siyang nakikipag-usap sa sarili.

Iniisip niya, hindi man ngayon, basta may pagkakataon.

Binuksan niya ang pinto ng kwarto, at bumungad sa kanya ang nagagandahang mga pamangkin niya, wearing a formal dress, ganito kasi kapag prinsesa ka, kailangan kapag may bisita, nakasuot ng mga mahahabang damit.

Nalilito siya kung sino si Kay o Janah, dahil identical talaga sila kapag hindi titigan.

"Ready for the lunch?" he asked.

"Ay duh, kailangan talaga ganito ang susuutin? Lalamon lang naman kami dun, eh," reklamo nung isa, at alam na niya kung sino ito...si Janah, wearing a gray dress. Ang reklamo talaga.

"Pss, Janah, ganito talaga, formal attire, kahit nga doon sa palasyo ng asawa ko," and that is Kay, wearing a olive green dress.

"Sige na, okay na, kailangan talaga ganito," nakatingin siya sa malaking salamin. Masasabing, halata talaga itong buntis. While Kay was focusing again on her phone na dalawang araw na niyang ginagawa, texting again his husband. Tss. "Oo nga pala, hindi pa ako nakakapag-thank you ng marami sa'yo, Tito, dahil pumayag kang pakasalan si Sandra instead of Alessa. Grabeh, good decision talaga 'yun. Walang makakatapat. You don't need to sacrifice your happiness for us. May mga pangarap ka rin namang inaalala. Hindi mo kailangan madaliin ang buhay mo."

Marrying The Engaged Man {Complete}Where stories live. Discover now