Chapter 1: Tanga

72 3 2
                                    

[ Anayumi's POV ]

Taon 2014

Nakaupo ako ngayon malapit sa pintuan ng classroom. Nasa kanya-kanyang mga classroom na ang mga estudyante and at nagsisimula na ng pagtuturo ang mga teachers. Kakatapos lang kasi namin maglunch kaya naman hindi ko maiwasan na antukin, nakamulat nga ang aking mga mata pero nakatingin naman ito sa malayo. In short, lutang ang ate mo.

"Ana! Uy, Ana! Ok ka lang?" tanong ni Yssa habang yinuyugyog ang buong katawan ko na nagdulot sakin para magising mula sa pag-iimagine ng kung anu-anong mga bagay.

Agad akong lumingon sakanya saka sabay na nagtaka sa bigla niyang pangungumusta, "Oh, baket?"

"Timang, tinawag ka ni Sir! Sagutin mo daw sya!" sambit nya.

Hala gago, sagutin ko daw sya! Nanligaw na ba sakin si Sir? Diba bawal yun? Pwede ba yun? Ano sasabihin ko?

Dahan-dahan akong tumayo mula sa aking kinauupuan, hindi ako makatingin ng diretso sa mata ni Sir Tiburcio. Para bang, inaabangan niya ang isang sagot na wala namang icocontribute sa economy ng Pilipinas.

"Ah, eh, sir.." di ko talaga kayang sabihin eh huhuhu parang feeling ko masasaktan talaga sya.

"Yes, Ms. Vasquez?" tangina naman eh huhuhu 'yes' daw huhuhu nag-eexpect sya na 'yes' ang isasagot ko huhuhu

Okay, kaya mo to Anayumi. Hingang malalim!

"Sorry sir, pero.. Di pa talaga ako ready. Mabait naman po kayo, may kaya sa buhay, at tska may itsura naman pero.. Mukhang hindi po talaga tayo bagay. Marami pa po diyan sa tabi-tabi, pero hindi po ako ang hinahanap ninyo." sa wakas, nasagot ko din siya ng maayos.

Nakatingin ang buong klase saken, pati yung apat kong ugok na mga kaibigan. Pulang-pula ang mga mukha nila, pinipigil ang pagtawa. Marahil dahil sa ayaw nila na mapahiya si sir. Hay.

"I don't quite understand you, Ms. Vasquez. Pero sige, anyone who wants to volunteer?" sagot ni sir habang tumingin palayo sa akin.

Huh? Volunteer? Volunteer na sumagot sakanya? Aba, hindi yata pwede to.

"Uhm sir, excuse me po." mahinhin kong pagkakasabi habang itinaas ang aking kamay.

"Ano nanaman yun, Ms. Vasquez?"

"Ah, kase po.. Sa tingin ko, hindi naman po maganda na kumuha kayo ng volunteer para diyan."

Tinignan ako ng may bahid ng pagtataka ni Sir Tiburcio. Inayos niya ang kaniyang mala-Harry Potter na salamin at tska ako tinanong,

"Uh, pano mo yon nasabi?" tanong niya.

"Kasi baka di niyo naman panindigan Sir. Paano po kung mahal niya kayo pero kayo pinilit niyo lang ang sarili niyo na mahalin siya, hindi po ba masakit sa part nya yun?" pagpapaliwanag ko ng bigla kong naramadaman ang paghila mula sa aking palda.

Tumingin ako sa aking likod at nakita si Cara na hinihilang pababa ang aking palda. "UMUPO KA NA GAGA" pabulong niyang sinabi ngunit ramdam ko ang pagkayamot niya.

"Huh? Sandali lang, kailangan kong turuan ng leksyon itong teacher natin na walang alam sa love!" pabulong kong sagot.

Umiling si Cara na para bang iiyak na sa kakatawa, "Tanga! Ano bang alam mo sa love ha? Nagpaparecitation siya, ano bang iniisip mo?"


Re..citation?





*kroo kroo*





"Anayumi, please see me after the class." sagot ni sir habang tinatanggal ang kaniyang salamin.


Heart RenegadesWhere stories live. Discover now