Chapter 3: Classmate

32 2 0
                                    

[ Jinarae's POV ]

Taon 2014

Grabe, panibagong araw nanaman para tamarin. Ayoko na talaga pumasok huhuhu bukod sa madaming ginagawa na ayaw ko naman gawin, eh ang dami ring tao na ayokong makita. Yun ay ang mga girlfriend ng mga taken ko ng crush. Sadnu :( (Well, para namang gusto rin nila akong makita.)

Nakasakay ako ngayon ng jeep papuntang school, mukhang maganda ang weather ngayon kasi hindi gaanong mainit pero may araw. Buti pa yung weather maganda, pero yung mismong araw ko parang hindi..


Yung epal ko kasing katabi sa jeep eh sobrang himbing ng tulog. Ginawa akong human pillow, nakapatong yung ulo niya sa balikat ko. Okay lang naman talaga sana (lalo na kung fafa sya), kaso mukhang hindi naligo ng ilang buwan si kuya T___T eh kakaligo ko lang eh huhuhu


"Ahdjflsnfbfh," bumubulong yung kuya na para bang may sinasabing ritual. Hindi ko gaanong maintindihan kasi parang taga-ibang dimensyon yung salita niya.

Di ko nalang pinansin. Baka mas mastress pa ko.

"Faksjdhkandj" bulong niya nanaman.

Lumingon ako ng konti para tignan siya kung kinukulam na ba niya ako pero mukha ngang sobrang himbing lang talaga ng tulog ni kuyang di naligo ng 1 month.

Medyo malapit na ko sa school nang may biglang sumakay.


(Inner Jinx: Omg fafa pls laplapin mo ko)


Jusko, parang anghel! Grabe! Ang pogi niya! Ang puti tapos ang kinis, medyo chinito din siya. Waaah, nagkamali pala ako sa pangit ang araw ko ngayon kasi nagbigay ng blessing si lord sakin ngayong umaga. Hihihihi thank u po :*

Umupo si kuyang anghel sa harapan ko. So ako ngayon, ineenjoy ko ang 1080p resolution na nasa harapan ko. Ihhh I'm so kilig talaga, ang fresh tignan ni kuya, sarap lamutakin huehueheue joke

Shet naman, ang hirap pala talagang pigilan ng kilig kapag nasa harapan mo mismo yung taong nagpapakilig sayo no? Ihh kase naman eh, feeling ko mae-expose ko yung pakpak ko in no time kapag tinignan niya ko eh huhuhu kaso di ko pwedeng ilabas yun kasi wala naman si Lyn or si Ana para tanggapin yung mga palo ko. Unless kay kuyang di naligo ko ibuhos lahat, pero good girl ako and maria clara talaga ako kaya I will not do it.


Hay, sana matraffic bigla para tumagal ang time ko with kuya anghel. Tutal maaga pa naman at mga 40 minutes pa bago magsimula yung klase.


"Gahdjldls" bumulong nanaman si kuyang di naligo, napatingin naman ako sa direksyon niya at napabuntong hininga nalang.

Tumingin ako pabalik kay kuya anghel at


shet malagket ulit,


nakatingin siya saken at


shet na malupet,


nakangiti yung gago sakin ulalam huhuhu pwede ko nang i-ire yung anak namin right at this moment huhuhu

Napablush naman ako, medyo tumingin ako palayo. Baka kasi mangisay ako bigla kapag tinuloy ko pa ang nakakamatay na staring contest with him.

Habang nakatingin palayo, napansin kong medyo malapit na pala ako sa school. Hay, sa wakas makakawala na ko sa makamandag na hininga ni kuyang nakatulog sa balikat ko. Pero why huhu, it's time to say goodbye to kuya anghel!

To już koniec opublikowanych części.

⏰ Ostatnio Aktualizowane: Aug 01, 2017 ⏰

Dodaj to dzieło do Biblioteki, aby dostawać powiadomienia o nowych częściach!

Heart RenegadesOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz