Part 10 "Hotel Room"

1.4K 36 2
                                    

~~~>> Dedicated to AnriAlfonzo...😍😍😍

~Yuri POV~

Ring Ring Ring.

"Hello."

"Pare, sinamahan ko si Miyu sa cafe dahil bibili daw sya ng sweets."

Nagtaka ako kong bakit hingal si Paul na nakipag-usap sa akin. Nauutal pa sya habang nagsasalita na.

"N-natagalan si Miyu sa loob. Nakita ko si Kris na lumabas sa cafe kaya nagtaka na ako kaya pumasok ako ngunit wala na sya doon. "

Kinakabahan na ang puso ko sa mga sinabi nya. Kapag nagkita si Kris at Miyu may masama talagang mangyayari.

"Just tell me what happen!?"

"I'm afraid to tell you, pare but Kyou has Miyu."

Tama nga ang hinala ko. Pauwi na sana ako sa bago naming condo ni Miyu nang mabalitaan ko mula kay Paul ang masamang balita. Nanlamig ako ng marinig ko iyon. Sinabi ni Paul na dinala ni Kyou si Miyu sa hotel. Nangigigil ako sa galit at gusto ko yatang pumatay ng tao. Napakagat ako sa labi at napahawak sa aking noo habang nagmamaneho. Bakit ngayon pa na sobrang traffic? Tumingin ako sa relo. 20 minutes past bago ako umalis sa studio. Malayo-layo rin ang chineck inan ng ulol na yon. He's so smart. Inaalam nya talaga ang mga hakbang na gagawin nya. Tinawagan ko si Miyu ngunit walang sumasagot. Ano na kayang nangyari sa kanya? I don't wanna think of what I'm thinking what would happen to her. Napamura ako sa sarili at ginugulo ang buhok ko. Paano nya nakuha si Miyu? I know he will do everything to ruin my life again. He will use Miyu as my weakness.

Nagmadali akong bumaba sa kotse sa harap ng hotel. Tinanong ko agad ang receptionist kong anong number ni Kyou Nagasaki ngunit wala daw nakacheck-in don na pangalan nya. Madaling lumapit sa sa akin si Paul.

"Pare, I also asked them but wala daw na Kyou Nagasaki ang nakacheck-in. Di kaya'y ginamit nya ang pangalan mo?"

Humarap ulit ako sa receptionist at tinanong kong anong number ni Yuri Okihara.

"Yes, nagcheck-in po si Yuri Okihara but sir he told us earlier not to disturb him."

Napahampas ko ang dalawang kamay sa front desk. Nagulat ang tatlong receptionist sa ginawa ko.

"Hey! Miss receptionist. I am the real Yuri. That guy over there is my brother!"

"I'm so sorry sir but we are not allowed to-"

Nagalit na ako sa front desk dahil hindi nila binigay sa akin kong saang room si Kyou. Hindi ko nacontrol ang sarili ko. Wala na akong pakialam kong may nakakita sa akin basta gusto ko lang malaman saang kwarto sila nakacheck-in.

"This is bullshit!"

Napamiwang ako at tinalikuran na sila. Alam kong pinagtitinginan na ako ng mga tao. Napahilamos na ako sa mukha.

"Pare, wag kang magskandalo dito baka dumating ang mga reporters. Malaking scandalo talaga ito.", hinang sabi sa akin ni Paul.

Napahawak ako sa aking noo. Anong ng gagawin ko? Hindi rin sinasagot ni Kyou ang tawag ko. Naisipan kong tawagan ulit si Miyu baka sumagot ito. Nagulat akong boses ni Kyou ang sumagot.

"Room 308."

Tumakbo kaagad ako sa room habang si Paul ay sinusundan ako. Nadatnan kong nakaunderwear lang si Miyu na nakaluhod sa sahig. Nandilim aking ang paningin ng nakita kong pagmumukha ni Kyou at sinuntok ko kaagad sya. Hindi man lang sya umilag habang tawa pa sya ng tawa kahit pinagtatadyakan ko na sya. Gusto ko syang patayin sa ginawa nya kay Miyu. Wala akong awang binugbog ang sarili kong kapatid hanggang nakahandusay na sya sa sahig na puno ng pasa sa mukha.

"Intense Trapped" (FIN) BTSWhere stories live. Discover now