CHAPTER 66: You are NOT

27.3K 842 92
                                    

IRA'S POV:

Kumakain kami ngayon nung pito ng breakfast at hindi parin mawala-wala sa isip ko yung mga nangyari kagabi.

Sabi naman nila sakin ay agad naman daw nilang pinaalis si Titan dito sa dorm pagkatapos nun.

Nakabihis na kaming lahat nang biglang tumunog yung system ng school.

"Attention Students of Frankincense Academy... Due to the Rising of the Blue Moon phenomenon that will take place this evening, King Calique, the King of Enchantsia requested that all Level 4 students and the 4 Elementals will stay at the castle for a perfect moonlight shine...

Now you have 5 minutes to prepare yourselves and after that, you may immediately proceed to the outer quadrangle of the Academy. I repeat, you have 5 minutes to prepare yourselves..."

We have to stay in the castle? Hmm. Perfect...

"Guys. Let's go. This will be the perfect opportunity. Now, it's time for me to claim my last Mystic Spirit Animal", sambit ko at tumango naman sila. With it, nagteleport kami papunta sa outer quadrangle and as usual, blangko parin ang ekspresyon ko habang pinapalibutan ako nung pito.

Napapalingon naman yung mga level 4 students sa gawi namin kaya medyo nailang ako.

"Oh my gee! Hindi parin ako makapaniwala na royalty yang si Ira!"

"Oo nga girl noh? Kasi nga yung kulay ng buhok at mata niya!"

"Tss. Kahit royalty yan, panget parin yan."

"Oo nga. Mas maganda pa tayo sa kanya noh?"

"Ay! Ang harsh niyo naman! Maganda naman si Ira!"

"Hindi kaya! Ang panget niya!"

Tss. Ang iingay bwiset! Hindi ba pwedeng itikom muna nila yang mga bibig nila?

"Noisy pests", walang emosyon kong sambit kaya napalingon sakin yung pito.

"Ira! Ira!", napintig naman ang tenga ko nang marinig ko ang mga boses na yun.

Nang lumingon ako, nanlaki ang mata ko nang makita ko sina Azula at Violet.

"Hey", malamig kong turan kaya napahinto sila.

"I-Ira? O-Okay ka lang ba?", nag-aalalang tanong ni Azula sakin.

I'm sorry guys. Naguguluhan palang talaga ako sa sitwasyon ko ngayon. I have to do this...

"Better than ever.", simple kong sagot.

"O-Oh, o-okay... Uhm, ku-kumusta kana?", kinakabahan namang tanong ni Violet pero blangko parin ang ekspresyon ko.

"Fine", maikling tugon ko. Rinig ko namang napabuntong-hininga yung dalawa bago pilit na ngumiti sakin.

"To-Totoo nga yung s-sabi nila. Ira, y-you really, c-changed.", dissapointed na saad ni Azula sabay tingin sakin.

"Oo nga. You're not the Ira we once met. Ano bang nangyari sayo?", matapang namang sambit ni Violet pero nagbago ang ekspresyon niya nang binigyan ko siya ng isang malamig na titig.

"Kung ano man yung nangyari sakin. Believe me, it's for the better.", seryoso kong sambit and with it, iniwan ko sila dun, dumbfounded.

I'm sorry guys... I really am...

Inaya ko namang pumunta kami nung pito dun sa gilid ng may puno kung saan malayo dun sa mga maiingay na level 4 students.

"You know? It's really hard to pretend that you don't care outside, when the truth is... Your conscience is slowly killing you deep inside...", sambit ko dun sa pito kasabay ng paghugot ko ng isang malalim na buntong-hininga at pagtulo ng luha ko.

Frankincense Academy: Enchantsia's Primary S-Class Princess [Completed]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora