JFL - 20

148 2 2
                                    

kath's pov

buong araw kong hinanap si daniel sa school pero hindi ko siya makita. nag-aalala na ako baka kung anong nangyari na sakanya.

at ngayon gabi na. delikado na sa labas. paikot-ikot ako. tingin sa bintana. upo sa sofa. ewan ko pero nag-aalala talaga ako.

biglang nagbukas ang gate. at pumasok ang pagewang- gewang na si daniel. alam kong lasing na naman siya. tumakbo ako papunta sa kanya at inalalayan siya papunta sa sofa.

kumuha agad ako ng maligamgam na tubig, at towel. at pinuntahan ko agad siya sa sofa. tinanggal ko ang damit niya pero bigla niyang minulat ang mga mata niya. tinitigan niya ako. hindi ko alam pero nakikita kong nahihirapan siya ngayon.

"k-kath" he said.

"magpahinga ka muna" at pinunasan ko ang mukha niya.

hinawakan niya ang kamay ko kya napatitig ako sa kanya.

bigla na lang niya ako tinitigan at nakita kong namumuo na ang luha niya.

"bakit mo ba ito ginagawa sakin? anong kasalanan ko sayo para pahirapan mo ako ng ganito?"

"d-daniel"

"bakit pinapahirapan mo kami? ano bang kasalanan namin sayo?"

wala akong masabi, hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"masaya ka bang nasisira ang buhay namin? masaya ka bang nakikitang miserable ang buhay ko? " parang binagsakan ako ng langit at lupa sa sakit. bigla nalang tumulo yung mga luha ko pero pinunasan ko agad. hindi ako pwedeng umiyak na lang makakasama pa sa baby ko.

selfish ba ako? na ang gusto ko lang naman eh magkaroon ng buong pamilya ang anak ko? ganun ba ako kasama?

"gusto mo ikaw lang ang masaya, gagawin mo ang lahat maging masaya ka lang, hindi mo iniisip na marami na palang nasasaktan dahil sayo. d-dahil sa inyo"

dahil samin?! sino? ang magiging anak ko ba?! iyon ang tingin niya sa amin ng anak ko?! sisihin niya na ako wag lang ang magiging anak ko! bakit ganun? kahit madaming masasakit na salita galing kay daniel? hndi ko padin kayang magalit sa kanya. mas matimbang ang pagmamahal ko sa kanya kesa sa galit.

niyakap ko si daniel at hinalikan sa pisngi habang sinasabing "paalam mahal ko."

nag-alsabalutan na agad ako. mabubuhay naman ako at ang baby ko ng wala siya eh. kaya namin! i have all i want so i don't need him forever!

wala akong kotse kaya nagtaxi na lang ako. uuwi ako sa bahay kahit alam kong wala akong mukhang ihaharap sa magulang ko. ni hindi ko magawang uwiyak. ang alam ko lang kailangan kong magpakatatag dahil kailangan ako ng anak ko. nasa ganun akong pag-iisip na hindi ko man lang namamalayan kung nasaang lugar na ba ako.

"manong nasaan po tayo?" kinakabahan kong tanong. parang wala na kasi kami sa manila. lalong bumilis ang takbo namin. 

"manong saan mo po ako dadalhin??"

biglang nagsalita ang nasa tabi niya.

"don't worry sis" sabi ni julia habang nakangiti. nawala yung kaba ko nung nalaman ko na kasama pala namin si julia.

"saan tayo pupunta julia?"

"hmm i think you need some air. nakita kasi kitang palabas na bahay kaya sabi ko kay manong pasakayin ka na."

ni hindi ko man lang napansin na nasa loob ng taxi si julia. basta na lang tumigil ang taxi sa harap ko kaya sumakay agad ako.

ang ganda naman dito. ang fresh nung hangin. walang tao siguro kasi gabi na. pero ang sarap dito parang gumaan ng konti yung loob ko. napangiti tuloy ako.

"asan tayo sis?"

"sa batangas tayo. maganda kasi dito. pag may problema ako dito lang yung takbuhan ko kaya dinala kita dito baka sakaling gumaan kahit konti yung loob mo" napangiti naman ako sa sinabi nya.

"ang sweet mo talaga sis :) "

-

at hotel

"inom ka muna" it's kind of vodka.

"no thanks, bawal yan eh. pinagbawal yan ng doctor ko"

"ay oo nga pala haha so here's the orange juice, don't tell me bawal pa din yan?"

"haha. ok" kaya ininom ko na baka magtampo pa itong si julia. nandito nga pala kami sa kama gabi na kasi bawal akong napupuyat at siguro dahil gabi na din parang inantok ako bigla.

"alam mo ba kath kung bakit galit na galit si daniel sayo? kasi sinisira mo ang buhay niya. hindi lang yun, masyado ka kasing epal kahit saan. bait-baitan but the truth is masama naman talaga ugali mo. hindi ko nga alam kung bakit gusto ka ni quen eh. so now, tingnan natin kung makakangiti ka pa kung iaabort natin yang anak mo. hahaha kulang pa nga yan pambayad sa buhay ng magulang namin "

hindi ko maintindihan kung anong sinasabi niya. wala akong lakas para intindihin p yon.

--

sorry po s super duper late update :(

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 12, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

just for love-kathnielWhere stories live. Discover now