Day 5 [ Mischievous Prince ]

171 17 20
                                    

~Mischievous Prince.

Hindi na namalayan ni Angel na nakatulog na pala siya sa sofa kung saan siya nakahiga habang nanunuod ng isang pelikula. Mas pinili kasi niya itong gawin kaysa ang matulog tulad ng iba. Pero sa huli, doon din ang punta niya.

Patuloy lang ang pagpeplay nung movie nang bumaba si Prince na mumukat mukat pa. Umupo ito sa upuan malapit sa hagdan na tila naghahanap ng diwa. Maya-maya pa ay lumipat na ito ng pwesto malapit sa hinihigaan ng dalaga.

"Ano 'yan?" Tanong ni Prince habang hindi nakatingin dito.

Nang mapansing walang sumasagot sa kaniya, pumunta ito sa harapan ng telebisyon at hinarangan ito upang hindi makita ang susunod na mangyayari sa palabas. Nagtaka naman ang bata dahil hindi siya nito sinasaway. Kaya't nung lingunin niya ito, saka lamang niya napagtantong tulog pala ang kaniyang kinakausap.

Nilapitan ni Prince at tinitigan ang maamong mukha ni Angel na sarap na sarap sa kaniyang pagtulog.

Sa kakatitig niya, hindi na niya napigilang hawakan ang mga maliliit na pimples nito sa mukha. Hindi pa ito nakuntento at lumapit pa talaga siya ng husto at tuwang tuwa na nilalaro ang mga tigyawat ng dalaga. Hanggang sa bumahing ito at nagising.

Natulala naman si Prince at saka napahilamos ang isang kamay nito sa mukha.

"Ano na namang ginagawa mo Prince?! Natutulog ako rito tapos nanggugulo ka." Inis na sabi ni Angel.

Binigyan naman siya nito ng nakakalokong ngiti at pagkatapos ay itinuro nito ang mukha ng dalaga na parang sinasabi na gusto ulit niyang hawakan ang mga pimples nito.

Hindi na lang siya pinansin ng dalaga at saka pinatay na ang naka-play pa ring dvd at kinuha ang gitara then lumabas.

Si Prince naman ay tumatawang sumusunod lang sa kaniya. Isang parang hangin na nga lang ang itinuring ni Angel sa kaniya at nagsimula na lang itong magstrum at kumanta.

Nagliwanag naman ang itsura ni Prince matapos marinig ang mala-anghel nitong tinig.

Tuwang tuwa itong pumalakpak at sinabing, "Good job baby! Ang galing-galing mo! Prince is so proud of you."

Napatingin naman sa kaniya si Angel nang nakataas ang isang kilay. Hanggang sa nagulat na lang ito nang bigla itong tumakbo paalis.

"Hay salamat! Nagsawa rin." Ipinagpatuloy na lang ulit niya ang kaniyang ginagawa hanggang sa makarinig siya ng isang ingay.

Napalingon siya sa kinaroroonan ng tunog at nanlaki ang mga mata niya matapos makita kung sino ang may gawa nito.

Isang pilyong ngiti ang makikita sa mukha nito habang feel na feel ang pagkanta ng narda patungo sa kinaroroonan ni Angel, gamit ang dalawang takip ng kaldero na ginawa niyang cymbals.

"Hoy Prince! Anong ginagawa mo? Magigising sila mommy mo n'yan e sige ka, papaluin ka na naman no'n."

Sa halip na matakot, mas lalo pa niya itong nilakasan at binilisan ang pagpopompyang sa mga takip ng kaldero na kaniyang ginawang intrumento.

Rinding rindi naman ang tenga ng dalaga sa walang tigil na ginawa ni Prince. Hanggang sa makarinig sila ng sigaw mula sa taas ng bahay.

"Prince! Halika nga dito!" Sigaw ng ina nito sa kaniya habang nakasilip sa bintana.

Hindi naman siya naririnig ng anak kaya't patuloy pa rin ito sa kaniyang ginagawa. Sinasabihan na rin siya ni Angel ngunit wala pa rin.

Hanggang sa nagulat na lang sila nang bigla itong paluin. Ang kaninang ingay na nagmumula sa dalawang takip ng kaldero ay napalitan na ngayon ng ingay ng kaniyang nagwawalang boses habang umiiyak.

"Ang kulit kulit mo! Kanina pa kita tinawag, kung anu-ano na naman 'yang ginagawa mo!" Pagsermon pa nito sa anak.

"Hinaharana ko lang naman si Angel a!" Galit nitong bulyaw habang umiiyak. "Kasi kanina, ako ang hinarana niya!" Dagdag pa nito.

"Sumasagot ka pa ha!" Papaluin na sana siya ulit nang bigla itong tumakbo dala-dala pa rin ang mga takip ng kaldero.

"Masama bang kantahan ang gelpren ko?! Inggit ka lang e!" Sigaw pa nito sa ina na ngayon ay walang ibang nagawa kung hindi ang sundan na lang ito ng tingin.

"Ang kulit-kulit talaga! Kanino kaya iyan nagmana?"tanong nito kay Angel na siya namang ngumiti lang ng pilit bilang sagot.

--

okay, ahaha. bahala na muna 'yang update na 'yan. pagpasensyahan n'yo na ang katamaran ko talaga.. malapit na 'to matapos, kaya malapit ko na ding simulan ang pag-eedit :)

Sa ngayon, 'yan lang muna.. :)

My Little Admirer [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon