Day 6 [ Missing Him? NO! ]

161 17 8
                                    

~[ Missing Him? NO! ]

Nagising si Angel dahil sa sunod sunod na katok sa kaniyang pinto. Sabayan pa ng nakakarinding sigaw ng makulit niyang pinsan. "Angel baby, please wake up!" Bulyaw nito pa nito.

Hindi na rin nakatiis ang dalaga kaya't tumayo na siya at handa na sanang sermunan ito ngunit nagulat na lamang siya dahil pagbukas na pagbukas niya ng pinto, bigla siyang sinalubong ng yakap ni Prince habang umiiyak.

Nagtaka naman ang dalaga sa inakto nito. "Prince, ano-" Ngunit bago pa man siya makapagtanong, pinutol na agad siya nito.

"I will miss you gelpren ko," sabi nito habang humihikbi pa dahil sa pag-iyak.

"Ano bang pinagsasabi mo at bakit ka umiiyak?" Inalis niya ang pagkakayakap nito sa kaniya at saka umupo para maging magka-level na sila at mas lalong magkaintindihan.

Bigla namang dumating ang nanay ng pinsan at saka nagsalita. "Tara na Prince. Hinihintay na tayo ni Daddy mo." Muling niyakap ng bata ang itinuturing na girlfriend and this time, mas mahigpit na. Tila sinasabing 'ayoko'.

"Saan po kayo pupunta tita?" tanong ni Angel na ngayon ay halos hindi na makahinga dahil sa nakayapos na si Prince.

"Pupunta kami sa ate ko, dadalaw lang. Sa new year na kami ulit babalik." Lumapit na ito sa anak at nagsalita. “Bumitaw ka na sa ate mo, hindi na makahinga o, babalik naman tayo kaagad e.”

Imbis na makinig, mas lalo pa itong nagmatigas at mas lalo pang sumiksik sa pagkakayakap sa dalaga habang walang tigil sa pag-iyak. "Ayoko! Ayokong sumama! Angel will miss me!" Sa sobrang pagsiksik nito, bigla silang natumba.

At sa  pagkakatumba nilang iyon, doon nagkaroon ng tiyempo ang tiyahin sa pagkuha sa kaniyang anak. Nagpapalag man ito noong una, wala pa rin siyang nagawa kung hindi ang sumama sa huli.

 Si Angel naman, hindi na nagawa pang makatulog muli kaya ang nangyari, inabot na lang siya ng tanghali sa kakatitig sa kisame. Nag-iisip kung anong una niyang gagawin mamaya. Hindi naman din maiaalis sa kaniya ang dinadalang saya sapagkat magiging tahimik ang kaniyang araw.

 At tulad nga ng kaniyang inaasahan, naging payapa at masaya ang araw na iyon ng wala ang kinaiinisan na pinsan.

--

Kinabukasan.

Maganda na naman ang gising ng dalaga. Masaya siyang nag-unat nang may kumatok sa kaniyang pinto.

"Angel! Bumangon ka na diyan at kumain. Hugasan mo na rin ang mga pinggan." Ani ni Terry, ang kaniyang ama.

Dahil sa good mood siya, masigla siyang bumaba at agad agad na sinunod ang ipinag-uutos sa kaniya.

Habang naghuhugas ng pinggan bigla siyang may narinig na ingay mula sa likod ng pinto. "Prince," pagtawag niya rito. "Huwag kang manggugulat at baka mabasag ko na talaga 'tong mga plato." Wala siyang kahit na anong narinig pang sagot kaya nagpatuloy na lamang siya sa kaniyang ginagawa.

Ilalagay na sana niya ang mga nahugasang pinggan nang biglang sumara ang pinto dahil sa hangin. "Prince! Ano ba?!" Galit nitong sigaw dahil sa pangalawang pagkakataon, nagulat na naman siya.

Sumulpot naman si JP bigla. "Anong Prince? Wala rito si Prince, bukas pa ang uwi no’n. Namimiss mo na ano?" biro naman sa kaniya ng kapatid habang nakangisi.

Napahinto naman at napa-isip ang dalaga. Oo nga ano, bakit nga ba siya ang naisip ko? Pagtatanong nito sa kaniyang isipan. Nilingon niya ang nang-aasar na kapatid at saka sinabing, "Ano? Ako mamimiss 'yung makulit na iyon? Asa!" Sabay irap nito. Hindi naman magkamayaw sa pang-aaasar at pagtawa ang binata sa kaniyang nakakatandang kapatid hanggang sa matapos itong maghugas.

--

Nagpamulat kaagad at napaupo sa sofa ang naka-idlip na si Angel nang may maramdaman siyang parang may humahamak sa mukha niya.

Hinawakan niya ang pisngi niya at saka bumulong, "Prince." Mabilis naman siyang napa-iling. "Bakit ko ba siya palaging nababanggit?" Sa halip na sagutin ang sariling katanungan, ibinaling na lang niya ang kaniyang atensyon sa panunuod ng telebisyon gaya ng kaniyang ginagawa kanina bago pa man siya naka-idlip.

Matapos magsawa, kinuha na lang niya ang gitara na nakasandal sa isang sulok kasama ang limang song books na kanila pang binili sa Maynila at saka nagtungo sa kubo.

Kasalukuyan siyang namimili ng maaaring tugtugin nang mapahinto siya at mataimtim na tinitigan ang isang kanta. Bago pa man niya malaman, nakangiti na pala siyang sinasaulo ang chords nito at saka ikinaskas sa hawak na asul na gitara.

Nasa kalagitnaan siya ng pagkanta nang marinig niya ang hagikhik ng kaniyang kapatid. "Ayiee! Si ate, ‘yan ‘yung kinanta sa iyo ni Prince kahapon ‘di ba? Gamit ‘yung instrumento niyang takip ng kaldero.” Hindi niya napansin ang biglaang pagdating nito dahil nakapikit pa siya habang tumutugtog na tila dinarama ang kanta.

Sanay na siya sa pangaasar na ginagawa ng kapatid dahil bata pa lamang sila ay ganito na ito, ngunit hindi pa rin niya maiwasang hindi mainis sa tuwing nangyayari ito. Sa halip na pansinin ang pangaasar, muli na lang niyang binuklat ang sunod na pahina upang pumili ng bagong tutugtugin.

Napatigil at napalingon naman sila sa isang motorsiklong huminto at pumasok sa kanilang bahay. Hanggang sa muli na namang ngumiti ng nakakaloko si JP.

"Ayan na pala 'yong manliligaw mo e! Huwag ka ng magemote diyan." Pangasar na sabi nito at saka umalis.

"Hindi ko namimiss 'yang Prinsipe na 'yan ano! Sadyang epal lang siya sa lahat ng mga ginagawa ko kaya siya ang nababanggit ko." Asar na sabi nito.

"Angel baby! Did you miss your Prince?" Tumatakbong sabi nito sa dalaga.

"Akala ko ba bukas pa ang uwi ng asungot na ito? Pch." bulong nito sa sarili. “Sinong nagsabing mamimiss ko ang makulit na katulad mo?” sagot pa ni Angel sa pinsan na ngayon ay nasa kaniya ng harapan.

[ Itutuloy.. ]

My Little Admirer [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now