XVIII - Final Mission

4K 102 0
                                    


(Narrated by Author)


Kinabukasan... 2pm

Isa isang nagsipasukan sa isang classroom ang Wolf88 sa special building sa Falerio Main. Ngayon araw ibibigay sa kanila ang kanilang huling misyon na matagal na nilang pinaghahandaan.

Miya miya ay pumasok na rin ang professor nila na magbibigay ng misyon. Tumayo sila at nagbigay bati rito.

"Okay maaari na kayong maupo." Mahigpit na pinatutupad sa FIU ang paggalang ng mga studyante sa professor kahit na mas malakas pa sila rito. Kahit pa miyembro ka ng Wolf88.

"Alam niyo na ang dahilan kung bakit kayo naririto at iyon ay para sa inyong final mission. Magtagumpay man kayo rito o hindi ay gagraduate kayo. Ngunit, hindi lingid sa kaalaman ninyo na wala pang batch ng Wolf ang nakakapagtapos ng may gintong karangalan. Iyon ay dahil hindi nila natatapos ang kanilang final mission. Marami ang sumuko, nabigo, at namatay.

"Hindi ko kayo tinatakot dahil alam ko naman na wala kayo nun. Ang gusto ng buong management ay magtagumpay kayo at makamit ang kauna-unahang gintong karangalan. Importante ang misyon na gagawin niyo ngayon dahil may kinalaman ito sa Chairman. Kayo ang pangalawang bibigyan ng misyon na ito dahil isa kayo sa pinakamalakas na naging Wolf. Malaki ang tiwala naming na magtatagumpay kayo."

Isa isang inabot ng prof ang labing dalawang makakapal na folder sa Wolf88. Nakalagay sa mga folder ang detalye tungkol sa misyon nila.

"Falerio massacre?" gulat na tanong ni Don nang mabasa ang nakalagay sa folder. Maging ang lahat ng Wolf88 ay nagulat sa nabasa.

"Oo, tama ang nabasa niyo. Ang Chairman ay may nag-iisang anak na babae, si Alice Falerio. Namatay siya sa edad na 22 sa mansion nila sa San Pablo, Laguna. Walang nakakaalam kung sino ang pumatay sa kaniya. Natagpuan na lang siya ng Chairman na duguan sa silid ng apat na taong anak nitong babae na si Katherin. Walang makitang lead ang mga pulisya sa krimen. Ang mga files na nakalagay sa folder na yan ang bagay na sa tingin namin ay makakatulong sa inyo." Isa isa nilang tiningnan ang laman ng folder pero walang malinaw na information doon. Puro hinala lang.

"Wolf88 ang nais naming ay makuha ninyo ang buong istorya ng pagkamatay ni Alice at mapagbayad ang salarin. May hinala ang Chairman na may kinalaman dito ang mafia na kinabibilangan ng mga assassins na nakalaban ninyo noong nakaraan. Tingnan niyo rin ang posibilidad na iyon. Hanggad naming ang tagumpay niyo sa misyon na ito."

Muling tumayo ang Wolf88 at sabay sabay na tumungo bilang paalam sa professor.

Nang makaalis ito ay tahimik lang ang bawat isa at siryosong binabasa ang mga information na may kinalaman sa massacre.

Alam nila na hindi magiging madali ang kakaharapin nila, lalo't may hinala na may kinalaman dito ang mga assassins. Dito nila masusukat kung may napala ba sila sa special training.


---

Zion's P.O.V.


Nasa coffee shop kami sa Falerio Plaza. Dito namin naisipan pumunta pagkatapos ibigay ang final mission sa amin.

Wala akong masyadong alam sa Chairman dahil hindi namin ito madalas makita at wala masyadong inpormasyon ang nakalagay sa profile nito. Napaka-pribado ng buhay nito kaya nagulat kami ng malaman na may anak pala ito.

Base sa ibinigay sa amin ay nagiisang anak lang nito si Alice Falerio. Nagkaroon ng tampuhan ang mag-ama kaya naglayas ang dalaga noong 18 years old ito. Nabuntis si Alice sa teacher nitong si Emil. Nagsama ang dalawa ngunit nang 1st birthday ng anak nila ay namatay si Emil sa isang car accident na nagkataong 22nd birthday rin nito. Magka-birthday ang mag-ama.

She's a Living DeadWhere stories live. Discover now