XXVI - Death and Lies

2.7K 73 2
                                    


(Author)


Huminto si Kevin sa pagtakbo nang tumigil ang lalaking naka-hood na itim sa tapat ng fountain sa gitna ng Falerio Plaza.

Nakatalikod ito sa kaniya.

"Ito na ba ang tamang oras? Kailangan na ba kitang patayin, Mr. President?" basag ni Kevin sa katahimikan.

Isang mapang-asar na tawa ang sinagot ng lalaki kay Kevin at humarap ito.

"Ang tanong... kaya mo ba?" naghahamon na sabi ng lalaki.

Tumalim ang tingin ni Kevin dito.

"Bakit hindi mo alamin..." agad na sumogod si Kevin.

Unti unting nag-iba ang itsura ng kaniyang mga kamay. Ang kaniyang mga kuko ay naging matulis na parang sa mga agila, at nagkaroon ng kulay brown na kaliskis ang mga kamay niya hanggang braso.

Naging literal na kamay dragon mga kamay ni Kevin.

Malapit na siya sa Presidente at sa mga oras na ito ay walang pag-aalinlangan na nararamdaman si Kevin sa pagpatay sa ama. Hindi niya alam kung bakit pero parang may puot siyang nararamdaman para dito.

Akamang kakalmutin na niya ito ng bigla na lang itong maglaho na parang bula. Inilibot niya ang tingin sa paligid ngunit wala siyang nakita kahit anino nito.

"Kevin, hindi man halata ngunit ako'y nagagalak sa enerhiyang taglay mo ngayon. Walang duda na nagmana ka sa iyong inang si Kassandria. Pero kinalulungkot kong sabihin na walang kuwenta ang enerhiya mo laban sa akin. At bago kita patayin... may nais muna akong ipakita sa iyo."

Pagkasabing-pagkasabi ng President noon ay biglang nagbago ang paligid niya. Napalitan ito ng isang silid na nababalot ng kadiliman.

"Kuya, mahal ko siya. Mahirap bang intindihin iyon?" ang boses ng babaeng iyon ang bumasag sa katahimikan ng silid. Hinanap ni Kevin kung saan iyon ngunit sadyang napaka-dilim ng paligid.

Walang nagawa si Kevin kung hindi gumawa ng apoy kahit nag-aalinlangan siya dahil baka may bigla na lang sumugod sa kaniya oras na lumiwanag ang paligid.

Ipinitik niya ang mga daliri at mula sa dulo ng hintuturo niya ay may asul na apoy na lumabas. Hindi masyadong malaki ang apoy pero sapat na upang makita niya ang daan.

Kailangan niyang mag-ingat dahil hindi niya alam kung nasaan siya. Mukhang dinala siya ng ama sa nakaraan dahil sa klase ng mga gamit na nakapaligid sa kaniya sa loob ng silid na iyon.

"Isa itong malaking katangahan, Nia! Huwag mo akong bigyan ng kahihiyan!" muling nakarinig ng boses si Kevin at sa pagkakataong iyon ay isa namang lalaki. Sinundan niya ang pinangagalingan ng boses at dahan dahan naglakad papunta roon.

Nakarating siya sa isang pintuan. Maingat na binuksan niya iyon at sumilip.

Nakita niya ang anino ng isang babae at lalaki sa haligi ng pasilyo sa labas ng silid. Base sa pinag-uusapa ng mga ito ay nagtatalo ito. Gusto niya sanang makita ang mga mukha ng mga ito ngunit hindi niya maaaring buksan ng husto ang pintuan dahil siya naman ang makikita ng mga ito.

"Tama na! Nagdesisyon na ako, Kuya. Mahal ko si Won at para malaman mo, dinadala ko ngayon ang magiging anak na---" hindi na natapos ng babae ang sasabihin ng bigla itong sampalin ng lalaking tinawag nitong 'Kuya'.

Away magkapatid... nasabi ni Kevin sa isipan.

"Nababaliw ka na!" galit na galit na sabi ng lalaki.

She's a Living DeadWhere stories live. Discover now