New School

2.2K 53 5
                                    


Shan POV

"Atlast! We're here!" - Ryu habang bitbit ang mga maleta nya

"Susunduin ba tayo ni Butler Ken?" - tanong ni Zoreen sa akin

"Yes" - tipid kong sagot at saka inilibot ang aking mga mata at nakita ko ang papalapit na saamin na si Ken

Pinagtitinginan naman sya ng mga babae habang naglalakad. Well butler Ken is a good looking man. Di lang din ngkakalayo ang mga edad namin

"Welcome back young lady" - sabay bahagyang iniyuko ang ulo ng makalapit na sya saamin

Umayos din sya ng tayo at ska Inilipat naman nya ang paningin nya kila Ryu

"How are you miss Ryu and Zoreen?" - tanong nito sa dalawa

"Hello ken!!! Haha katulad ka pa rin ng dati. Just please drop the formality err" - maarteng sambit ni Ryu

Ngumiti lang naman si Ken at saka kinuha na ang mga gamit namin nila Ryu

~~~

Pagkadating namin sa mansyon ayy agad na pumunta sa kwarto nya si Ryu at ganun din si Zoreen. Minabuti ko na lang munang pumunta sa garden

How I miss this place. Umupo ako sa may swing na may mga bulaklak at baging na nakapulupot sa tali nito pati na sa bandang taas nitong swing

Sa iisang mansyon lang kaming tatlo nila Ryu titira. At katulad ng sinabi Butler Ron, handa na ang lahat pagdating namin dito at bukas ay papasok na kami sa bago naming paaralan

Si Butler Ken ang isa sa pinagkakatiwalaan ko maliban kila Ryu at Zoreen. Bata pa lamang ako ay kasama ko na si Ken. Anak siya ng dating Butler ng pamilya ko. At kasama ang ama niya noong gabi na nangyari ang lahat

Tulad ko ulilang lubos na din si Butler Ken. At nais nyang ipagpatuloy ang paglilingkod ng ama nya sa pamilya namin sa pamamagitan ng paglilingkod saakin. Kahit kailan ay di nya ako pinabayaan. Karamay ko sya noong mga panahon na iyon kahit pa namatayan rin sya. Ng mga panahon na yun ay wala pang Ryu at Zoreen sa tabi ko. Itinuturing ko syang pamilya katulad nila Ryu

Kasama ko sya noong lumipat ako sa Korea pero nitong nakaraang taon ay kinailangan nyang bumalik dito sa Pilipinas dahil sa importanteng bagay and to check this house too

Ang syang natitirang ala-ala ng pamilya ko. Bagamat may mga bagong gamit at ang mga pwesto rin ng ibang kagamitan ay nag iba dito sa mansyon na ayon sa kagustuhan ni Tito, it still has the same ambiance

"Penny for your thoughts?" - biglang may nagsalita sa likuran ko. Si Zoreen pala

"May iniisip lang ako" - sagot ko

naupo sya sa katabi kong swing

"What do you think the reason why your Uncle decides to send us here all of a sudden?" - tanong nya na hindi nakatingin saakin

"I don't know. Maybe he just want to" - kibit balikat kong sagot

"I think your Uncle has a deeper reason why he send us here, not he just wanted it to" - Zoreen

Psh alam ko naman. Ayoko lang mag isip ng mag isip pa. Tsaka ba't ba english ng english to >______<

"Matutulog na ko, maaga pa tayo bukas" - ako saka tumayo at umakyat na pataas ng kwarto

---

"Kring! Kring! Kring!"

Ang peste kong alarm clock -______

Iminulat ko ang isa kong mata 0_____- at saka dinampot ang maingay kong alarm clock at saka pinatay. Inoff ko po oo, di ko tinapon.. mahal kaya to!
Walang me paki Shan -________-

I Am His AssassinWhere stories live. Discover now